Chapter 3 : What on earth?

730 123 12
                                    

Chapter 3 : What on earth?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 3 : What on earth?

Mandy


HUMINTO na ang ulan ngunit madilim na rin ang paligid dahil gabi na. Mag-iilang oras na rin kaming nakakulong sa library na ito habang sina Cedric, Cristoff at Arcen nama'y hindi rin tumitigil sa pagkalampag ng mga pinto at pagbabakasakaling may makatulong sa amin na lumabas dito.

"Nakakailang books ka na?" tanong ni Liver nang makita niyang hanggang ngayon ay may binabasa pa rin ako.

Imbis na sumagot ay ngumuso lamang ako sa nakatambak na libro sa harapan ko at sinensyasan siya na bilangin na lamang iyon.

"Ang sipag talaga magbasa nitong kaibigan natin. Kaya kung ano-ano na rin ang naiimagine niyan minsan, eh. Masyadong malawak na ang imagination niya kaya pati mga boys na natitipuhan niya, iniimagine niyang jowa niya," sabat ni Pancreas na kanina pa ako tinititigan habang nagbabasa.

Ngunit hindi ako nagpapatinag. Books are my life. These are the only things that made me escape reality. Sa libro kasi, mas maayos ang lahat.

"Alam niyo guys, para naman magkakulay ang boring niyong mundo, magbasa na lang din kayo. Oh, eto, share ko sa inyo ang isang psychological fact na nabasa ko," sambit ko dahilan upang mas lalo nila akong titigan. They keep looking at me like they're really waiting.

"Any friendship that exceeds the 7-year mark is more likely to last an entire lifetime," pagbabahagi ko sa kanila. Napangiwi ang mga ito na para bang nadisappoint sila sa sinabi ko. Bakit? Accurate naman sa aming apat, ah?

"As if namang magtatagal tayo, duh!" pasaring ni Liver. Para bang biglang gusto ko siyang sapakin dahil sa kaartehan niya.

"Yah, sabi ni Liver nagpaplastikan lang naman daw tayo," paggatong pa ni Ovary. Aba't mukhang nadagdagan pa ang masasapak ko.

"Guys, ano ba kayo? We can achieve it. 7 years lang pala, eh. Kaya natin 'yon," taliwas na sambit naman ni Pancreas na siyang nagpangiti sa akin. 'Yon ang gusto kong marinig.

Even though lagi kaming nag-bubwisitan, mahal ko pa rin ang tatlong ito at hindi ako papayag na masira ang pagkakaibigan namin.

Ilang saglit pa'y nagpatuloy na ulit ako sa pagbabasa ng Psychological Facts. Mayroon pa akong isang nabasa na nakakuha ng atensyon ko kaya naman ibinahagi ko ulit ito sa kanila.

"You can tell if you're dreaming or not by looking around for clocks. Clocks will never be in dreams." Binasa ko muli nang malakas ang nabasang Psychological Fact upang marinig nila. Ang mga bruhilda, tumingin-tingin sa paligid at naghanap bigla ng relo.

"Nanaginip yata tayo. Walang orasan, eh." Natawa naman ako sinabi ni Ovary. Talagang pursigido silang patunayan ang nabasa ko. Well, I don't think so.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Where stories live. Discover now