Chapter 24 : Anything alternative

342 50 5
                                    

Chapter 24 : Anything alternative

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Chapter 24 : Anything alternative

Mandy's POV



"WHAT shall we do? We don't have any boats or anything we can use to go there quickly. Masyadong malawak ang lawa at kung hahanapin naman natin ang daan pabalik sa school, baka maligaw pa tayo lalo."



Hindi ko maialis ang tingin sa kabilang ibayo ng lawa kung saan naroroon ang maliit na kubong dating tinatambayan ng klase namin. I feel like the place could gone missing again if I choose to refuse my glance towards the area. Pakiramdam ko, mawawala na naman ang school namin at magkakanda ligaw-ligaw na naman kami.



"Let's be resourceful. If we don't have any boat to ride to cross the lake, then I think, there's another way for us to go there. We can swim—"



"No!" Mabilis kong tinanggihan ang suhestiyon ni Cristoff.



Diving to another watermark was just a big no for me. Dahil sa pagtalon-talon sa mga bodies of water na 'yan, kung saan-saang lugar ako napadpad at naging ugat din iyon ng pagkakahiwa-hiwalay namin ng mga kaibigan ko. Ayoko lang na maulit na naman ang nangyari.



"If we don't have a boat, why not build a boat?" wika naman ni Arcen na siyang agad kong sinang-ayunan.



Hindi talaga ako papayag na magtake-risk na naman kaming lumangoy sa lawang ito lalo pa't hindi namin alam kung gaano ba ito kalalim at kalawak.



"How can we made a boat? We're not even boat makers!" giit naman ni Heshella dahilan upang mamilog ang mata ko at siya ring pagbuntong-hininga ng mga kasamahan ko.



"Resourcefulness is the key, girl. Alam mo, hindi ako boat maker pero isa akong Yolanda Survivor. You know what, I just wanna share with you how we managed the flood back then. Gumawa kami ng do it yourself mini boat gamit ang mga nasirang puno ng saging. With that, nagawa naming dumaan sa baha nang hindi nababasa at nang hindi gumagamit ng bangka. Utak, girl, utak!" kwento ni Liver habang tinuturo-turo ang sarili niyang sentido.



"You're right! Those banana trees are definitely useful in building alternative boats. Sana lang ay mayroon tayong makitang gano'n dito," wika ko kaya't pare-pareho naming inilibot ang tingin namin.



"Bamboo sticks could be useful too but I guess, banana tree would be more preferable and easier to do," sabi naman ni Cristoff.



Napagkasunduan naming hatiin ang grupo sa dalawa kung saan ang kalahati'y maghahanap ng puno ng saging habang ang matitira nama'y matitira dito sa kinaroroonan namin upang bantayan ang lugar.


"Heshella, Cedric, Arcen and Liver, kayo na ang bahalang mangalap ng puno habang kami naman ang magpapaiwan dito. Arcen, drive the vehicle and roam around the area. 'Wag kayong masyadong lalayo para makabalik din kayo agad. Mandy, Ovary and I will just stay here," direksyon ni Cristoff kaya naman agad na tumango-tango si Arcen at kaagad na naglakad papunta sa kinaroroonan ng ambulansya kasama ang tatlong inatasan pa ni Cristoff.

The City Of Troubles (Novel of all Genres)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu