ZERO (Special Chapter)

851 42 12
                                    


A/N: Nasa itaas po ang video na ginawa mismo ng kaibigan ko para sa ZERO. Click niyo lang guysue!

***

"Paamoy nga! Paamoy ako ng kili-kili!" Pilit na itinataas ng ina ni Primo ang kaniyang kili-kili upang amuyin ito.

Natatawang lumayo ang sampung taong gulang na si Primo sa ina. "Ma!"

Napanguso si Sarah. "Ah ganoon, ayaw mo ng ipaamoy ang kili-kili mo sa akin kasi tingin mo binata ka na?"

Tumuntong siya sa kaniyang kama upang magpantay sila ng taas ng kaniyang ina. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

"Eh binata na ako talaga, ma. May crush na nga ako eh!" Pagmamayabang niya pa kaya't natawa si Sarah. "Pero ikaw pa rin ang first love ko, I promise!" Itinaas niya ang kanang kamay bilang tanda ng pangangako.

Kinurot siya ni Sarah sa magkabilang pisngi. "Oo na, binata ka na. Ikaw na ang pinaka-cute na binatang nakilala ko!"

Napanguso siya rito. Sa edad niya kasing sampu ay masyado pang maliit ang kaniyang height na hindi akma sa mga kaedaran niya ring naghihigantihan sa laki.

Tinulungan siya ni Sarah magsuot ng uniporme matapos ay lumabas na sila ng kaniyang kwarto. Nasa ika-limang baitang na siya ng elementarya ngayong unang pasukan. Masaya siya dahil bagong lipat pa lamang nila sa naturang lugar ngunit bahagyang may takot sa mga bagong taong kaniyang makakasalamuha.

Magkasabay siyang inihatid ng kaniyang ina at ama sa eskwelahan. Habang nasa byahe ay panay lamang ang kanta ng kaniyang inang si Sarah na sinasabayan naman ng tawa ng kaniyang amang si Primitivo at siya'y pumapalakpak lamang.

Sa araw-araw na palagi silang magkakasama ay palagi silang masaya. Hindi man laging perpekto ang kanilang araw at miminsa'y pumapasok ang problema ngunit masaya nila iyong hinaharap nang sama-sama.

Maaga pa nang dumating siya sa kaniyang bagong pag-aaralan. Nang marating niya ang classroom niya ay may limang lalaking estudyante pa lamang ang naroon.

Ang dalawang lalaki ay maingay na nagkukwentuhan. Ang isa'y nakadukdok sa lamesa na tila tulog. Ang isang lalaki ay nagbabasa ng libro habang ang isa ay may hawak na salamin at tinitignan ang mukha.

Napili niyang maupo sa malapit sa bintana. Kung narito lamang ang kaibigan niyang si Kylo, malamang na hindi siya mababagot. Bakit nga ba ulit siya pumasok ng maaga?

Sinipa ng kung sino ang upuan niya kaya't napatingin siya rito. Isa iyon sa lalaking maingay na nagkukwentuhan kanina.

"Bagong salta?" Maangas na tanong nito.

Nangunot ang noo niya. Kung makatanong naman ito'y tila sila mga preso sa silid na iyon o kaya'y bago siyang dayo sa isang lugar.

Tumango lamang siya at muling ibinalik ang tingin sa bintana. Ngunit makulit ito at paulit-ulit na sinipa ang upuan niya kaya't galit siyang napatayo at hinarap ito.

"What do you want?" Madiin niyang tanong dito.

Napangisi ito at pinaling-paling ang ulo na tila pinapatunog. "Gusto ko 'yang angas mo, liit. Suntukan?"

"H-hoy! Unang pasukan pa lang, Jaxon! Naghahanap ka agad ng away?!" Tanong naman ng lalaking kani-kanina lamang ay tumitingin sa salaming hawak.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now