Chapter 21

643 47 4
                                    


Dumating ang araw ng exam. Ang kinatatakutang araw ni Phemie.

Kahit kasi tinuruan siya nina Lauren, Aiden, at Mouie, marami pa rin siyang nakakaligtaan. Kahit sana makakalahati lang siya sa score, ayos na siya doon. Sana naman, hindi zero ang makuha niya.

Naglalakad siya sa hallway nang may marinig ang kaniyang tainga. Tila pumagaspas iyon sa bagong tsimis na masasagap niya.

"Ang sweet nga nila, eh."

"May pa-kiss pa sa forehead."

"NAKAKAINGGIT!"

Hindi niya maiwasang mapailing. Hindi naman pala bagong tsimis iyon. Inggit na inggit kasi halos lahat ng kababaihan kay Coleen. Hatid-sundo ba naman ito ni Primo. Naging sweet din ang lalaki dito. Minsan pa ngang maaabutan niya ang mga itong hahalik sa noo, ilong o labi. Nakakasuka.

Hindi naman siya apektado doon. Nagulat pa nga siya nang malamang nililigawan pala siya ni Primo noon. Ano bang malay niya? Wala kasi siyang masiyadong naintindihan sa ingles ng kwagong iyon. Saka wala siyang gusto kay Primo, kahit kailan, hindi siya magkakagusto sa katulad ni Primo.

Nagulat siya nang may umakbay sa kaniya. Balak na sana niya itong balian ng buto, kung hindi pa ito nagsalita.

"Ang cute mo." Bulong nito sa tainga niya.

Doon naman nalipat ang tingin ng mga estudyante sa kanila. Muling nagbulungan ang mga ito at patungkol naman sa kanila ang istorya.

"Dyosa ako. Dyosa." Sagot niya dito at tinanggal ang kaliwang braso nito sa balikat niya. Nainis lamang siya nang muli nitong ibalik iyon.

Kylo giggled and pinched her cheeks. Tila natutuwa ito sa kaniya. "Cute Goddess then."

Yes. Ilang araw na rin siyang dinidikitan ni Kylo. Kung saan siya naroon ay susundan siya nito. Laman din sila ng tsimis, news feed sa Fb Page at Fb Group ng eskwelahan, hindi lamang si Primo at Coleen. Marahil na rin siguro sa taglay na kagwapuhan ni Kylo, maaari na kasi itong matawag na Prince Charming.

Tinulak niya ito sa classroom nito nang matapatan na nila. "Pumasok ka na nga."

Kunwa'y naiirita siya dito, ngunit ang totoo'y tila kinikilig naman siya. Aaminin niya na. Crush niya nga si Kylo Jastin Grayson. Crush. Crush lang. Crush pa lang.

"All right! All right!" Natatawang anito na may ngisi sa labi.

"Pempem!" Sigaw ni Aiden mula sa loob ng classroom, nanakbo ito palapit sa kanila. "Goodluck sa exam! Dapat mataas ang grades mo! Ako ang nagturo sa'yo!"

"Oo na. Oo na." Kumaway na siya sa dalawa at pumasok na sa classroom ng mga ito. Classmates kasi ang dalawa pero hindi naman close. May galit din kasi si Aiden kay Kylo.

Muli niyang tinahak ang daan patungong classroom niya. Nang makapasok ay ramdam niya ang tensyon ng lahat. Tila mga kinakabahan dahil sa exam.

"Magandang umaga." Pagbati ni G. Pascual na kakapasok lang din.

Tumayo ang lahat. "MAGANDANG UMAGA DIN PO, GINOONG PASCUAL!" Saka muling naupo.

Ipinakita ni G. Pascual ang Test Papers. "Ang unang subject na ite-test ay Filipino. Get one and pass."

Ibinigay ni G. Pascual ang Test Papers sa mga nakaupo sa unahan. Sunod naman ay ang Answer Sheets.

Nang makakuha na si Phemie ng kaniya, sinimulan na niyang basahin agad iyon lalo na't tumatakbo ang oras. Kahit na Filipino ang subject na iyon, may mga salita pa rin siyang hindi masyadong maintindihan. Malalalim din kasi ang salita at matatalinhaga.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now