Chapter 20

637 46 0
                                    


Naiinis si Primo dahil nadungisan ang magandang damit, mabangong buhok, at makinis na mukha ni Coleen... nang dahil lang sa pesteng Spaghetti at Softdrinks.

Naiinis siya kay Phemie dahil sa ka-engot-an nito. Ang lakas pa ng loob na sagutin siya sa harap pa mismo ni Coleen. Ngunit nakokonsensya rin siya. Marahil ay nasaktan niya rin ang damdamin ni Phemie.


"Hey, it's okay." Pag-aawat sa kaniya ni Coleen nang patuloy pa rin siya sa pagpunas ng damit nito.

"Let's go. Magpalit ka na." Saad niya at ngumiti.

Inalalayan niya itong tumayo mula sa upuan. Hawak niya ang malambot nitong braso at bewang. Hindi niya maiwasang pangilabutan. Parang bumabalik lamang ang nagdaan.

Bigla siyang hinampas nito sa balikat. "Ikaw naman. Bakit kailangan mo pang sigawan si Phemie? She said it's an accident."

Dinala niya ito sa banyo ng mga babae. "Accident or not, it's still her fault. Pinapairal niya kasi lagi ang ka-engot-an niya." Sagot niya at nag-igting ang panga. "Hintayin mo ako dito, kukunin ko ang t-shirt sa locker."

Pumunta siya sa locker room at kinuha doon ang t-shirt. Muli siyang bumalik nang makuha na ang pakay. Talagang minadali niya upang hindi ito maghintay ng matagal.

Nagpasalamat sa kaniya si Coleen matapos niyang ibigay ang shirt. Naghintay na lamang siya sa labas ng banyo ng mga babae. Nakasandal siya sa pader at nag-crossed arms. Pumasok tuloy bigla sa isip niya ang mukha ni Phemie.

Sa paglabas ni Coleen mula sa banyo, hindi niya naiwasang pagmasdan ang kabuuan nito. Saktong-sakto ang t-shirt niya dito, lalo na't malaki ang dibdib nito at maumbok ang pwetan. Hindi naging hadlang ang t-shirt para itago ang matayog nitong dibdib. Sexy pa rin katulad ng dati.

Bigla niya tuloy naalala ang dibdib ni Phemie at ang utong nito. Hindi man ganoon kalaki ang dibdib ni Phemie katulad ng kay Coleen, masasabi niyang may maipagmamayabang din ito pagdating sa yaman ng dibdib. Bigla na lamang siyang napalunok.

"Let's go?" Untag ni Coleen.

Doon siya nagising sa kaniyang pagpapantasiya. Ano bang pinag-iisip niya?

"Y-yeah."

Hinatid niya ito sa Faculty hanggang sa upuan nito. Nakita niya naman si Adrienne na masama ang tingin sa kanila. Tila hindi nito nagugustuhan ang nagawa niyang paghatid kay Coleen. He just look away to avoid her.

"Okay na ako dito, Beau." Sabi ni Coleen ma may matamis na ngiti.

Yumuko siya at binigyan ito ng halik sa ulo nito. Pumikit naman si Coleen at tila ninamnam ang mga sandali. Napangiti siya ng palihim.

"Take care. Ihahatid kita mamaya sa inyo." Paalam niya dito.

Umalis na rin siya ng Faculty. Mabibigat ang kaniyang paa habang naglalakad. Pumunta siya sa classroom ni Phemie. Gusto niyang makausap ito dahil sa ginawa nito. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kay Coleen... at gusto niyang pagbayarin ito.

Ngunit may parte sa sarili niya na hayaan na lamang. Na marahil ay hindi talaga nito sinasadya.

Nang makarating doon ay wala siyang Phemie na naabutan. Naglibot pa siya sa paaralan upang hanapin ito. Napahinto siya sa gate at doon niya nakita si Phemie, Lauren at isang guard na nakaupo. Kumakain ang mga ito't nagtatawanan.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now