Chapter 6

1.4K 88 6
                                    


Naihanda na ni Phemie ang mga gamit. Ang bag niyang plastic para hindi mabasa, extra uniform kung sakali mang madumihan ulit siya, dala niya rin ang first aid kit nila sa bahay, maraming pagkain ang hinakot niya sa fridge at ngayon ay naka rubber shoes siya para ready na sa pagtakbo.

Maaga siyang nagising para ihanda rin ang sarili at mag-isip ng plano kung ano ang dapat gawin para makapaghiganti.

Bumaba na siya bitbit ang may kalakihang bag na plastic. Hindi na muna siya magpapahatid sa driver na si Connor dahil sigurado siyang tulog pa iyon, sasakay na muna siya ng bus.

Naghintay lang siya saglit ng masasakyang bus. Punuan kaya nakatayo talaga siya.

May biglang tumapik sa kaniya sa braso. "Woi! Taga-SU ka rin?" Tanong ng isang babae sa kaniya.

Pinagmasdan niya ang babae. Parehas sila ng suot na uniform. Lagpas balikat ang buhok, sakto lang ang katawan at may salamin sa mata pero hindi naitago ng salamin ang mukha ng babae. Medyo makapal ang kilay, may pagka-singkit ang mata, matangos na ilong at kulay rosas na mga labi at ang namumula-mulang matatabang pisngi nito, in short maputi na 'di tulad niya ay babad sa araw.

"SU?" Tanong niya.

"Oo, SU. 'Yan, oh! Suot mo 'yong uniform ng SU." Anito at tinignan ang uniform niya.

"Eh, hindi naman ako sa SU nag-aaral. Sa Stery University kaya." Sagot niya rito.

Napakurap ang babae at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya... bago ito tumawa ng malakas. "Stery University at SU, parehas lang 'yon! Pinaikling bersyon lang ang SU, 'no! Hahaha!" Humalakhak ito na halos kita na ang ngala-ngala.

Napakamot siya sa batok. Parehas lang pala 'yon? Hindi na talaga niya alam ang nauusong salita ngayon.

"Hoy! Ang ingay naman!"

"Nanonood ako! 'Di ko marinig!"

"Ang lakas naman tumawa nito!"

"Tahimik!"

Nahinto sa paghalakhak ang babaeng kausap niya at tinakpan ang bibig. kapagkuwa'y ngumuso. "Grabe naman sila. Hindi naman sobrang lakas no'n, ah?" Bulong nito sa kaniya.

Napangiwi siya dahil malakas naman talaga ang tawa nito.

"Anong pangalan mo pala?" Tanong nito sa kaniya.

"Phemie."

"Ahh.. Aiden Xena nga pala." Inilahad nito ang kamay sa kaniya na tinanggap niya naman. "Dahil magkakilala na tayo, dapat friends na tayo, ha? Pempem?"

Napakunot ang noo niya. "Pempem? Sabi ko, Phemie."

Humalakhak ito ng mahina. "Oo nga. Pinaikling bersyon lang ulit ang Pempem. Haha!"

Napangiwi ulit siya. Masyado kasing malaswa pakinggan ang Pempem pero hinayaan niya na lang.

Sabay silang bumaba na dalawa sa bus at pumasok sa eskwelahan. Naningkit ang mga mata niya habang pasilip-silip sa kaliwa at kanan. Kailangan niyang maging alisto dahil baka nasa paligid lang ang kalaban.

Nagulat siya nang tapikin siya ni Aiden. "Woi! Para kang tanga! Ano bang ginagawa mo?"

Ngumuso siya at umayos ng tayo. "I'm just being caring." Sagot niya.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now