Chapter 31

702 49 0
                                    


Ilang araw na rin ang nakalipas nang magising na si Phemie. Hindi niya akalaing nasa ospital na naman siya at ang masaklap pa'y may sugat na siyang iniinda, na hindi katulad noon ay usok lamang ang nalanghap niya.

Hindi na rin nila ipinaalam sa mga magulang ang nangyari dahil tiyak na mag-aalala ang mga ito. Mas mabuting asikasuhin na lamang ng mga ito ang trabaho.

Ngayon ay kumakain siya ng lugaw habang nasa gilid naman si Luther na inaalalayan siya sa kung ano mang kilos niya, nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang ZERO.

Pinakahuling pumasok ay si Primo na nakayuko lamang at hindi nag-angat ng tingin. Ngayon na lamang niya nakita si Primo matapos ng nangyari sa basement dahil hindi naman siya dinalaw nito.

Tahimik ang lahat na tila walang sino man ang nais bumasag ng katahimikan. Lahat ay nahihiya sa kaniya dahil na rin napahamak siya. Sinisisi ang mga sarili sa nangyari sa kaniya.

"May joke ako." Pagbasag ni Baxter sa katahimikan.

Sumubo ng isang kutsarang lugaw si Phemie at mabilis na nilunok iyon. "Ano 'yon?"

Dinilaan ni Baxter ang labi saka ngumiti. "Kung ang ina ay ilaw ng tahanan, ano namang tawag sa kabit?"

Napaisip naman siya bigla. Ano nga ba? "Brown out ng tahanan?"

"Bakit brown out?"

Umikot ang mata niya. "Syempre, 'pag namatay iyong ilaw 'diba brown out? In long, kapag wala ang ina, mawawalan ng ilaw sa bahay at ang ibig sabihin ay pumasok na ang kabit sa bahay dahil brown out na!"

Napakamot naman si Baxter sa ulo habang nagtawanan naman ang ibang myembro ng ZERO.

"Ang talino mo talaga, Phemie!" Natatawang sabi ni Dion.

Nag-flip hair naman siya. "Matagal ko ng alam 'yan."

Nagtaas naman ng kamay si Lyncoln. "Ako! Ako naman!"

Napataas ang kilay niya. "Ano namang sa'yo?"

"Hehehe. Anong tawag sa hayop na galit sa tatay?" Tanong nito.

"Lyncoln?"

Napasinghap naman si Lyncoln at napawak sa dibdib. "Nakakaiyak naman. Mukha pala akong hayop?"

"Ay, hindi mo alam?"

Ngumuso na lang si Lyncoln. "Tay-grrr dapat ang sagot doon, eh."

"Wala pala kayo kay Phemie eh!" Mayabang na ngumisi si Kenji. "Sige nga. Do you think February can March?"

Nangunot ang noo niya. Hindi niya masyadong naintindihan. "Ha? Ewan."

"But April May." Nakangising dugtong pa nito.

Napaikot na lang ang mata niya. Hindi niya naintindihan ang ibig nitong ipahiwatig.

"Alam niyo kasi, sa ating lahat ako ang pinakamagaling na joker, okay?" Ani Baxter.

Tinulak lang ito ni Dion. "Phemie, sinong favorite mong rapper?"

Nanlaki naman ang mata niya. "Wala akong favorite na rapper 'no!"

"Bakit naman?"

"Duh! Mangra-rapper sila ng mga babae! Minsan kahit bata papatulan nila! Bakit ko naman sila magiging favorite?! Sige nga!"

Saglit na natahimik ang lahat at sabay-sabay na natawa. Kahit si Primo at Luther ay napangiti na lamang.

Napakamot naman sa batok si Dion. "Rapist naman 'yon, Phemie. Hindi rapper." Natatawang anito.

Umikot ang mata niya. "Parehas lang 'yon. Parehas silang may RAP!"

"Tama na nga 'yan." Natatawang ani Azriel. "How are you, Phemie?"

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now