Chapter 10

1.3K 82 1
                                    


Nasa Tagaytay si Baxter, tuwing katapusan ng buwan kasi ay binibisita niya ang kaniyang Lola—na matagal ng namayapa. Doon nailibing ang Lola niya dahil doon na rin naman ito lumaki at nagka-isip.

Habang nagmumuni-muni siya sa isang parke, may namataan ang kaniyang mga mata. Isang babae na may hawak na skateboard at suot ang isang malaking t-shirt, pinaresan iyon ng short na panlalaki habang nakasumbrelo naman ito ng patalikod, at nakalugay ang bagsak na buhok sa likod.

Papalapit ito sa kaniya ngayon habang sisiga-sigang naglalakad.

"Hoy!" Sigaw nito sa kaniya. "Dayo ka, 'no?"

"So?" Tanong niya rito.

"'Wag mo akong maso-so, ha! Teritoryo ko 'to!"

Tinitigan niya ng mabuti ang babae. Maganda ito kung tutuusin. Mamula-mula ang labi nito, maliit na matangos ang ilong at bilugan na may pagka-singkit ang mga mata.

"May joke ako." Biglang saad niya rito.

Kumunot ang noo nito. "Sabi ko, teritoryo ko 'to! Anong karapatan mong—"

"Anong sabi ng isang batang naglalasing sa dumaang matandang lalaki?" Putol niya sa balak pa sana nitong sabihin. Seryoso niya itong tinitigan.

Mukhang nagitla ito sa tanong niya. "A-ano?"

"Tagay, 'tay! HAHAHA!" Sagot niya at humalakhak ng malakas.

Imbis na mainis ay napangisi ang babae sa biro niya, bigla itong naupo sa tabi niya. "'Kala ko pa naman seryoso ka. Tsk!"

Napalingon siya rito. Hindi ito nainis o binatukan man lang siya gaya ng ginagawa ng mga tao sa paligid niya. Nakakagulat iyon.

"Hindi ka ba natawa?" Tanong niya na dapat ay 'hindi ka ba nainis?'

"Mas magaling kaya akong mag-joke sa 'yo!" Pagmamayabang nito sa kaniya.

"Sige nga! Anong joke mo?"

Dinilaan nito ang labi matapos ay tumingin sa mga mata niya. "Paano sumigaw si Jackie Chan kapag nauuhaw siya?"

"Paano?"

"WATTTTEEEERRR!" Sagot nito, itinaas pa nga nito ang paa na tila sumisipa sa ere.

Natawa siya sa ka-corny-han nito. Kung ganoon, may kaparehas pala siya.

"Oh, 'di ba? Mas magaling ako! Natawa ka, eh!" Pagmamayabang pa nito.

'Cute!'

"Anong pangalan mo?" Tanong niya at hindi pinansin ang pagmamalaki nito.

"Niah. Ikaw?"

Tinaas niya ang kamay upang makipagkamay dito. "Baxter. Nice to meet you, Niah."

***

Pinaliligiran si Dion ng babae sa kaniyang paligid. Umiindak siya at sinasabayan ng katawan ang tugtog ng musika. Ramdam niya ang kamay ng mga babae sa kaniyang katawan. Hinahayaan niya lang ang mga ito dahil nagugustuhan niya rin naman.

Naroon kasi siya sa isang sikat na club. Suwestiyon sa kaniya ng isang kakilala na magpunta rito. Hindi naman siya nabigo sa taste nito, maganda nga ang club na ito. Marami rin kasing babae sa paligid.

"Dion, baby!" May isang babaeng humila sa kaniyang batok. Hindi niya napaghandaan ang labi nitong sumalubong sa labi niya. Napangisi siya at gumanti rin ng halik.

'Pwe! Lasang lipstick!'

Agad niya ring tinulak ang babae palayo sa kaniya. Umalis din siya upang layuan ito. Nangingilabot kasi siya sa lasa ng lipstick na iyon.

Stupid GoddessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora