Chapter 53

588 38 0
                                    


Ibinaba ng apat na bodyguard niya ang isang malaking parisukat na kahon na gawa sa kahoy. Nilapitan niya iyon at binuksan, bumungad sa kanilang mata ang mga tactical gear, hinalungkat niya pa ang ilalim at doo'y nakita nila ang mga baril.

Napasinghap ang kaniyang mga myembro sa nakita. Tinignan niya si Rupert saka kumuha ng isang baril. "This is our protective equipments kung mayroon mang mangyari sa'ting masama." Aniya matapos ay ibinaba na ang baril. "Kakailanganin natin 'to sa pagsugod kay Glenda."

Nalaglag ang panga ni Lyncoln. "Are you serious? Pagagamitin mo kami ng baril?"

"Yes, ayaw niyo ba?" Tanong niya sa mga ito.

Hindi naman sumagot ang kaniyang myembro at nagsilapitan sa kahon saka nagsikuha doon ng baril na may ningning na makikita sa mata.

Ito ang unang beses na gagamit sila ng baril sa isang labanan pero kahit ganoon ay may alam silang gamitin iyon lalo na't noon ay si Rupert at Robert ang kanilang naging guro para matuto silang humawak nito.

"Isuot niyo muna ang tactical gear niyo bago kayo mamili ng gusto niyong baril." Seryosong ani Rupert.

Sinunod naman ito ng ZERO. Sinuot na rin niya ang tactical gear niya saka kumuha rin ng spy ear piece para makapag-usap sila habang naglalaban.

Nakapurong itim siya. Itim na sleeveless, itim na pantalon, itim na sapatos at itim na sumbrero. He likes his outfit. Nagmukha siyang bad boy tignan.

Muling bumalik ang ZERO sa kaniya-kaniyang upuan na tila handang-handa na sa laban. He sighed. "Hindi porket may baril kayo, mananakit na kayo. Pangprotekta lang ang mga baril, ayokong madumihan ang mga kamay niyo sa pagpatay. Naiintidihan niyo ba?" Tanong niya sa mga ito.

Tumango ang lahat. "YES, PRIM!"

Napangiti siya at inilibot ng tingin ang paligid. Kasama niya ngayon ang ZERO maliban kay Azriel. Si Robert at Rupert naman ay naroon din kasama ang iilang tauhang tapat sa kaniya upang makisabak din sa laban.

"Okay, here's the plan---" Nahinto siya dahil sa isang malakas na pagsabog na halos ikayanig ng ZHQ.

Sunod naman na kanilang narinig ay ang sunod-sunod na pagpapaputok mula sa labas na pinapaulanan na sila ng bala ng baril.

"Yuko!" Sigaw ni Robert.

Bago pa man siya yumuko ay kumuha muna siya ng baril. Ang balak niya sana'y maliit na baril lamang ang kukunin ngunit mahabang baril ang kaniyang nadampot kaya't no choice na siya.

Gumapang siya sa kabila ng malalakas na pagputok ay tinapangan niya ang sarili. Tuluyang nabuksan ang pinto ng ZHQ sa abandunadong building. Pumasok doon ang mga armadong lalaki at pinagbabaril ang paligid.

Nakakuha siya ng tiyempo at tinamaan ang ilan sa kamay, paa, tuhod o sa mga parteng hindi masyadong magiging malala kung madadala sa ospital.

"PUTANGINA NIYO!" Narinig niya ang malakas na pagsigaw ni Dion na pinaulanan din ng bala ng baril ang mga sumugod sa kanila.

Napailing siya at tumayo saka itinumba ang lamesang kalapit upang iyon ang pumrotekta sa kaniya.

"Napaliligiran tayo!" Sigaw ni Baxter.

"Just focus! Kumalma lang kayo!" Sigaw niya rin sa mga ito.

Stupid GoddessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum