Chapter 3

1.5K 90 16
                                    


Inaya ni Primo ang mga kasama upang sunduin si Lyncoln. Nais niya kasing sabay-sabay silang kumain sa ZHQ.

"Kyaaah! Nandito ang ZERO!"

"Oh my gosh! Gwapo mo, Jaxon!"

"Why so gwapo, Kenji-babes?!"

"Dion baby kooo!"

"Azriel! Ang cute-cute mooo!"

"Wahhh! Primooo!"

"Malalaglag 'ata ang panty ko!"

"Baxter!"

"Yummy Luther!"

"Macon! Ang hot mo!"

Kaniya-kaniyang tilian ang mga babaeng nadadaanan nila.

Si Dion ay pakindat-kindat sa mga babae, nagbibigay pa nga ito ng flying kiss. Si Baxter na lumalapit saglit sa mga babae at nagbibigay ng jokes. Si Kenji na may hawak pa ring salamin, ngunit nginingitian ang mga babae roon. Si Jaxon na nakakunot ang noo, at gustong manakit ng mga babae lalo na't hindi nito nagugustuhan ang tilian ng mga ito. Si Macon na cool na naglalakad, tila walang naririnig dahil may nakapasak na headset sa tainga. Si Luther na binabalewala lang ang tilian ng mga kababaihan. Si Azriel na may nakapasak na lollipop sa bibig, ngunit hindi iyon naging sagabal para lumabas ang malaking ngiti nito—pati ang dimples.

At siya, si Primo, na walang pakialam sa paligid.

Binuksan ni Primo ang pintuan ng silid-aralan ni Lyncoln. Mabuti na lamang at mukhang nasa cafeteria na ang mga kababaihan sa loob nito, kung kaya't walang ingay niyang nilapitan si Lyncoln. Ngunit ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya nang mapansing may kausap itong babae... at mukhang masayang tumatawa.

Habang papalapit nang papalapit ay naaninag niya ang mukha ng babae. Ikinatagis ito ng kaniyang bagang at ikinadilim ng kaniyang mata sa galit.

"Putya! Kailangan mong magtago! Huwag na huwag kang magpapakita kay Primo—"

"Shut up, Lyncoln." Pagputol niya sa sinasabi ni Lyncoln. Masamang tingin ang ibinigay niya sa babaeng katabi nito... na walang iba kun'di ang babaeng tumuhod sa baba niya.

Nanlaki ang mata nito nang makita siya, bahagya pang bumuka ng kaunti ang labi nito dahil sa gulat.

Hinampas niya ang desk nito na ikinatalon nito sa gulat. "Hindi ko na pala kailangang maghanap. Ang palay na mismo ang lumapit sa manok."

Matapang siyang tinignan ng dalaga, kahit bakas ang takot nito sa mata. "H-hoy! Ang tapang mo, ah? Makahampas ka sa lamesa ko! Pagmamay-ari mo?"

Ngumisi siya at mas inilapit ang mukha dito. "You're brave... but not that brave enough to beat me." Matigas na aniya at pinakatitigan ang mata nito.

"Yes, I'm brave! I'm super brave and you can't bite me!" Anito.

His forehead creased.

Inilayo niya ng kaunti ang mukha saka kinuha ang kamay nito sa mabilis na paraan upang kagatin ang pulsuhan nito.

"See? I can bite you." Aniya matapos kagatin ng madiin ang pulsuhan nito.

"Aray!" Galit siya nitong tinignan at hinawakan ang pulsuhang nakagat. "Isusumbong kita kay Kuya!"

Narinig ni Luther ang boses na iyon mula sa labas ng silid-aralan, agad naman itong lumapit sa kinaroroonan nila.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now