Chapter 41

577 34 0
                                    


'Pagka-uwi ni Macon sa bahay nila'y naabutan niya ang kaniyang ina sa maliit nilang kusina habang nakadukdok ito sa lamesa na tila tulog at may hawak pang bote ng alak sa kanang kamay.

Napailing-iling siya matapos dumako ang kaniyang tingin sa ibaba ng lamesa, iilang bote ng alak ang naroon ngayon.

Napahinga siya ng malalim at kinuha ang bote sa kamay ng inang si Esmeralda Tuazon. Gamit niya ang apelyido ng kaniyang ina hindi dahil hindi niya kilala ang kaniyang ama kun'di dahil hindi pwedeng gamitin ang apelyido nito

Binuhat niya ang kaniyang inang tulog na tulog at dinala ito sa kwarto nito. Dahan-dahan niyang ibinaba sa kama at kinumutan. Tinitigan niya pa saglit ito bago halikan sa noo at lumabas na ng kwarto nito.

Nagpunta siya sa kwarto niya at nagpatihulog doon. Naisip na naman niya kasi ang ginawang pag-iwas ni Kenji sa pagtulong niya dito sa pagtayo sa ospital.

Matapos kasing malaman ni Kenji na siya ang anak sa labas ng ama nito, naging iwas na ito sa kaniya. Tila ba isang kasalanan ang maging anak ng isang Arman Heston.

FLASHBACK

Lasing na lasing na si Macon nang dumating si Luther sa ZHQ sa mismong eskwelahan.

Lumapit si Luther sa kaniya at itinaas niya naman ang boteng hawak upang ibigay dito ngunit seryoso lamang siyang tinignan ni Luther at walang balak na kuhanin mula sa kamay niya ang bote.

Natawa siya. "Ayaw mo?"

"Stop it. Ano bang problema mo?"

Naging seryoso ang mukha niya. Nagsalin muna siya ng alak sa kupitang nasa lamesa saka inisang lagok iyon bago tumingin sa gawi ni Luther.

"You know, I have a very dirty little secret." Natawa siya. "I'm a bastard."

Hindi na kasi niya kayang kimkimin ang sikretong iyon. Sa tuwing nakikita niya ang kaniyang half brother ay nasasaktan siya. Gusto niyang mas maging close pa sila kaya kinaibigan niya ito.

Nagulat man sa nalaman ay hindi nagpahalata si Luther at kumuha rin ng isang baso at nagsalin ng alak saka ininom iyon. "Bakit mo 'to sinasabi sakin?"

Napangisi siya. "Mas matino ka kasing kausap kesa sa iba, am I right?"

"Paano ka naging bastardo? Akala ko ba patay na tatay mo?"

Muli siyang natawa. Marahil na rin sa tama ng alak kaya't panay ang pagtawa niya. "No he's not. I'm good at lying, right?" Muli siyang uminom ng alak. "And you know what's his name?"

"What is it?" Nakakunot ang noong tanong ni Luther.

"Arman Heston." Nakangisi niyang sagot. Nakita niyang napaawang ang bibig ni Luther sa nalaman. "Tatay ni Kenji Heston." Dugtong niya pa.

Bigla na lamang siyang lumagapak sa sahig matapos masuntok ng kung sino. Napahawak siya sa kaniyang pisngi at nahihilong tumayo.

"Tangina ka! Patahi-tahimik ka lang pero ang laki pala ng sikretong mong gago ka!" Sigaw ni Kenji matapos siyang suntukin.

Iniwat naman ito ni Luther. "Stop it! Pag-usapan natin 'to!"

Dinilaan niya ang labi. Nalasahan niya ang sariling dugo na nagmula sa gilid ng labi. Kahit na nahihilo ay sinubukan niyang tumayo ng maayos at tignan si Kenji saka ngumisi. "Now you know my secret, anong gagawin mo ngayon, brother?"

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now