Chapter 52

576 37 0
                                    


Dali-daling hinalughog ni Azriel ang buong kabahayan. Ito ang bahay nila noong hindi niya pa alam na may tatay pa siya. Dito siya nagkaisip at namulat sa mga masasamang bagay na pinaggagagawa ng kaniyang ina.

Nasa Treesure sila, isang building na dati'y maliit na bahay lamang. Ngayo'y may pasugalan na ito, inuman, bahay aliwan at kung ano-ano pang mga ilegal na gawain ay naririto na. Lumago ang negosyong ito ng kaniyang ina nang magpakasal ito sa kaniyang tatay at balak pang magpatayo ng ganito sa iba't ibang lugar.

"Mom, where is she?" Tanong niya saka bumalik sa tabi ng ina kasama sila Gray, Coleen at ang mga tauhan nitong nag-iinuman.

Nag-cross arms si Glenda. "Hindi pa pwede, Azriel. Kailangan pa kita. Kailangan kong makuha ang perang iniwan ni Sarah sa anak niyang patay na." Ngumisi ito bago uminom ng alak sa hawak na kupita.

Nagngitngit naman ang ngipin niya at gumalaw ang panga. "I need to see her!"

Nawala ang ngisi nito at napalitan ng seryosong mukha. Kung dati'y ang lambing-lambing nito sa kaniya'y ngayon naman ay tila isa na lamang siyang estranghero sa mata nito.

"When I said no, it's no. Baka gusto mong may mangyaring masama sa kaniya?"

Kumuyom ang kaniyang kamo. Gustuhin niya mang magwala, sumigaw at sumabog ay hindi niya magawa dahil sa maling galaw niya lamang ay may mangyayaring masama. "But you promised." Mahinahong aniya.

Napatingin ito sa kaniyang kuyom na kamao matapos ay ibinalik ang tingin sa kaniyang mata. "Yes, I know. Don't worry, tutupad ako sa usapan."

Lumapit si Coleen kay Glenda. "Mommy, pagbigyan mo na ang little brother ko. Titignan niya lang naman."

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kapatid niya si Coleen. Na simula pa lamang ng makilala nito si Primo ay doon na nag-umpisa ang plano nito. Na isang plano lang ang lahat.

Napahinga ng malalim si Glenda. "Okay, fine." Sumenyas ito kay Gray. "Love, dalhin mo si Azriel kay Kristine."

Tumango si Gray kaya't sumunod na siya dito. Habang naglalakad ay biglang naalala niya ang plano nila ni Primo.

FLASHBACK

Sinilip pa ni Azriel ang ibaba kung naroon na talaga sila Phemie at Kylo dahil hindi pwedeng marinig ng mga ito ang pag-uusapan nila ni Primo.

Bumalik siya sa silid kung saan naroon si Primo matapos makitang nakikipagkilala na si Phemie sa dalawang matanda.

"What is it?" Tanong ni Primo sa kaniya.

Umupo siya sa papag na hinihigaan ni Primo habang nakatingin sa pader. "I-i don't know what to do, kuya."

"Why?"

Hinarap niya si Primo. "Si mommy..." Napapikit siya ng mariin na tila nahihirapang sabihin ang nalalaman. "Siya ang p-pumatay kay daddy." Pumatak ang kaniyang luha sa kaliwang mata na mabilis ding pinunasan.

"I know."

"H-how?" Taka niyang tanong. Paano nito nalaman?

"Hinala ko pa lamang pero kinompirma mo na ngayon. Hindi ko lang napaghandaan ang frame up na iyon." Kumuyom ang kamao ni Primo at dumilim ang mukha. "Masyado akong nilamon ng emosyon dahil sa mga nalaman ko kaya nagpadalos-dalos din ako."

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now