Chapter 29

669 38 0
                                    


Tatlong araw na ang nakalipas at naroon pa rin si Phemie sa ospital.

Hindi naman ganoon kalala ang nangyari sa kaniya dahil nakalanghap lamang siya ng usok pero ang sabi ng Mama at Papa niya, kailangan niyang manatili roon para lubusang gumaling.

Ang totoo'y bagot na bagot na siya at gusto na niyang makalabas ng ospital. Tanging rooftop at garden ng ospital lang ang nagagala niya at sawang-sawa na siya sa itsura niyon.

Dagdag pa na naroon din si Lauren at Coleen sa ospital kaya't ayaw na niyang manatili pa. Gusto na niyang umuwi at magliwaliw sa bahay nila.

Dumalaw na rin sa kaniya ang J4 at kinamusta siya. Ipinakilala niyang mga kaibigan niya iyon noong nabubuhay pa ang nanay niya kaya't hindi na rin ganoon kapangit ang pakikitungo ng kuya Luther niya sa apat.

Nadalaw na rin siya ni Kylo. Nagulat pa nga siya nang magkasundo ang kuya niya at si Kylo dahil ang alam niya, galit din ito dito.

Si Primo naman ay panaka-nakang dinadalaw siya pero mas priority si Coleen. Hinayaan niya na lang ang kirot sa dibdib dahil hindi naman gaano kasakit lalo na 'pag nasa tabi lang si Kylo na nagpapasaya sa kaniya.

"Here." Ani Luther sabay bigay sa kaniya ng tubig at gamot.

Kakauwi lang ng mga magulang nila dahil may aasikasuhin pa itong business kaya't si Luther ang bantay niya ngayon.

Umiling siya. "Ayoko, kuya."

"Phemie."

"Hmp! Ang pangit kaya ng lasa niyan!" Reklamo niya.

Napahinga ng malalim si Luther. "Paano ka gagaling niyan?"

"Magaling na ako!"

"Hindi pa." Anito sabay bigay ulit ng tubig at gamot. "Inumin mo na."

Nakasimangot na kinuha niya ang gamot at ininom iyon kasabay ng tubig para hindi na niya masyadong malasahan.

"See? Mabilis lang." Ani Luther na parang kumakausap lang sa bata.

Nasa ganoon silang ayos nang magbukas ang pinto. Bumungad sa kanila si Mouie na naka-dress na kulay pink, nakalugay na buhok ngunit may suot na headband na kulay pink, ang bag ay kulay pink din at ang sapatos na may takong ay kulay pink.

"Hi, Phemie girl." Ani Mouie saka bumaling kay Luther. "H-hi, Luther." Namumula ang pisnging pagbati nito.

Tumayo naman si Luther. "Hello, Mouie." Anito saka ginulo ang buhok ni Mouie. "Aalis muna ako. Ikaw na muna ang bahala kay Phemie, ha?"

Namumula ang pisnging tumango si Mouie hanggang sa lumabas na si Luther. Nilapitan naman siya nito.

"How are you, Phemie girl?" Ani Mouie at ibinaba sa gilid ang bag at ito naman ang naupo sa harap niya.

"I'm fine, thank you and you?"

Nagulat naman si Mouie. "Wow, nag-improve ka na. Okay lang naman ako." Anito. "Do you want candies?"

Ngumiti siya. "I'm fine, thank you and you?"

Nangunot naman ang noo ni Mouie. "Ah... ayaw mo? Eh, how about chocolates?"

"I'm fine, thank you and you?"

Napaawang naman ang bibig ni Mouie. "Seriously, Phemie girl? Are you kidding me?"

"I'm fine, thank you and you?"

Napaikot ang mata ni Mouie. "Tagalog na nga lang!"

"Yan! Diyan ako magaling!" Nag-thumbs up pa siya rito.

"Anyway, kumusta ka naman? Okay na ba daw katawan mo?" Pag-iiba ni Mouie.

"Okay naman ako. Magaling na nga, eh. Gusto ko ng lumabas!" Nakasimangot na sabi niya.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now