Chapter 38

595 40 0
                                    


Nakasakay si Phemie sa motor ni Primo sa likuran at kasalukuyan nilang tinatahak ang daan patungong lugar na kinalakihan ni Phemie, ang Batumbakal Street.

Nais kasi ni Phemie na makita ang mga kaibigan nitong lalaki. Noong una ay hindi niya ito pinayagan 'pagkat wala siyang tiwala sa apat nitong kaibigan dahil ito'y mga lalaki ngunit nang sabihin ni Phemie na date nila ang araw na ito'y pumayag na rin naman siya.

Ikaapat na araw na ito simula nang makidnap si Phemie at ngayo'y mamula-mula pa rin ang pisngi nito dahil sa mga sampal dito.

Napahawak siya ng mahigpit sa hawakan ng motor nang maisip ang nanakit kay Phemie. Naiinis siya. Ni hindi niya man lang naabutan ang mga ito sa akto. Basta ang sabi ni Phemie, Greg ang pangalan ng lalaking tauhan ng mga ito habang young lady naman ang tawag sa anak nito. Ang may katandaang babae naman ay may tatlong nunal sa baba at kaliwete ang kamay. Ito lang ang nakalap niyang impormasyon kay Phemie.

Kasalukuyan pa rin nilang iniimbestiga ang naturang lugar. Sinakto pang walang CCTV sa lugar na iyon kaya't hindi nakuhanan ang krimen.

Dahil sa mga naisip ay napabilis niya ang takbo ng motor at naramdaman na lang niya ang pagkurot ni Phemie sa kaniyang tiyan ngunit mahigpit naman ang pagkakayakap nito sa kaniya na ikinangisi niya.

"Bagalan mo!" Sigaw ni Phemie.

Imbis na sundin ito'y mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo kaya't mas lalong napayakap ng mahigpit sa kaniya si Phemie at ang ulo nitong may helmet ay dumikit na sa kaniyang likod.

Ilang minuto lamang ang binyahe at narating na nila ang Batumbakal Street. Maliit lamang ang eskinita ngunit dahil naka-motor lamang sila ay dinire-diretso na ni Primo ang daan na itinuturo ni Phemie.

Narating nila ang isang bakanteng-lote. Dali-daling bumaba si Phemie at tinanggal ang helmet sa ulo.

"Hoy!" Sigaw nito kaya't nagsilingunan ang apat na naglalaro ng baraha.

"BOSS!"

Sabay-sabay sanang lalapit ang apat upang yakapin si Phemie nang humarang siya at sinamaan ng tingin ang mga ito.

"Ano ba?! Parang tanga eh!" Tinulak siya ni Phemie pagilid saka ito na ang lumapit sa apat upang yakapin.

Dumilim na lamang ang mukha niya at kumuyom ang kamao. Naiinis siya. Siya lang dapat ang yayakapin nito pero may ibang kayakap ito ngayon. Tss.

"Boss, kumusta?!" Natutuwang nagtatalon si Joey habang yakap si Phemie.

Tinapik-tapik ni Phemie ang balikat nito. "Ayos lang!"

Lumayo naman ng kaunti si Joco at hinawakan ang baba ni Phemie. "Teka, boss, sa pagkakaalam ko negra ka, bakit namumula 'yang pisngi mo? Hindi ka pa naman mestisa!" Anito habang sinusuri ang magkabilang pisngi ni Phemie.

Tumikhim naman siya kaya't napatingin sa kaniya ang apat. "Masyadong malapit ang mukha niyo. Layo!" Masungit na aniya.

Hindi naman siya pinansin ni Phemie at hinampis si Joco sa balikat. "Hindi ako negra! Ang tawag dito ay morena!"

Natawa si Jason. "Pinaganda mo lang yung tawag pero iyon din yun."

Tinulak naman ito ni Jojo. "Wag niyo ngang pagtripan si boss! Morena na nga siya! Negra na morena!" At saka ito tumawa.

Nakatikim naman ito ng kotong mula kay Phemie. "Sipain ko kaya kayo diyan?" Pagbabanta nito.

Napasimangot ang apat at hindi na umimik kaya't si Phemie naman ang natawa.

Napangiti naman siya nang makita itong tumatawa. Para kasi itong baboy kung tumawa. 'Pag kukuha kasi ito ng hininga sa pagtawa ay tunog ng baboy ang lumalabas ngunit imbis na ma-turn off ay tila lalo pa siyang na-inlove dahil walang itong halong kaartehan. Natural na natural lang walang halong kemikal.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now