Chapter 48

561 36 0
                                    


Hawak ni Phemie si Prim na stuff toy ng mahigpit habang tinatahak ang daan patungo kung nasaan naroon si Primo. Sakay siya ngayon ng kotse ni Kylo habang nakasunod naman si Azriel sa likod sakay ng motorbike nito.

"Are you hungry? Do you want to eat?" Tanong ni Kylo sa kaniya na nililingon-lingon siya saka ibinabalik ang tingin sa harapan.

Umiling siya. Sa totoo lang ay excited na siyang makita si Primo. Kinakabahan siya, naiinis, naaawa, nag-aalala at nangungulila. Gusto niya itong kausapin tungkol sa ibinibintang ng mga otoridad dito. Hindi siya naniniwala sa mga otoridad, gusto niya lang malaman kung bakit nasangkot ang pangalan ni Primo sa krimen.

Tinignan niya ang kaniyang stuff toy at tinusok-tusok ang malaki nitong mata saka napangiti.

'Makikita mo na ang kambal mo.' Aniya sa isip matapos ay tumingin sa bintana at hinawakan naman ang kwintas. 'Makikita ko na ang boyfriend ko.'

"Malapit na tayo." Ani Kylo at pinihit ang manibela pakanan. Nakita niyang nasa isang masukal na lugar na sila at maraming mga tao ang tumitingin sa kotseng sinasakyan nila.

Para lang itong Batumbakal Street iyon nga lang ay mas malawak ang lugar kesa sa kanila. Mas maayos at mas maganda.

Inihinto ni Kylo ang kotse sa tapat ng isang kulay berdeng bahay na may dalawang palapag. Nakita niyang nag-aabang sa labas ang isang lalaki at isang babaeng may katandaan na. Mabilis na bumaba siya ng kotse.

Nagulat si Kylo doon dahil balak nitong pagbuksan si Phemie ng pinto ngunit naunahan na ito. Bumaba na rin si Kylo at nagmano sa dalawang matanda.

"Oh? Aba'y nagsama ka ng babae! Nobya mo ba ito, hijo?" Tanong ni nanang Sel.

Umiling si Kylo. "Sana. Hahaha!"

Sumunod na rin si Azriel na ini-park na ang motor at tinanggal ang helmet saka isinabit sa hawakan ng motor. Lumapit ito sa kanila.

"Riel? Ikaw ba iyan?" Gulat na sambit ni tatang Koy.

Ngumiti si Azriel kaya't lumabas ang dimple nito. "Tatang Koy, tumataba ka na ah?" Natatawang anito saka nagmano sa dalawang matanda.

Ginulo naman ni Tatang Koy ang buhok nito. "Ikaw, tumatanda ka na ah?" Sabay na natawa ang dalawa.

"Halina kayo! Pasok! Pasok!" Nakangiting ani nanang Sel at pinapasok na sila.

Inilibot niya ang buong tingin sa bahay. Kung tutuusin ay mas malaki pa ang bahay na ito kesa sa bahay nila noon ng nanay niya dahil pang-isahang palapag lamang ang inuupahan nila. May maliit na sala at kusina. Sa hindi kalayuan ay may nakalagay na lamesang pabilog at upuang gawa sa plastic.

Pero may kulang. Wala naman dito ang hinahanap niya. Kinalabit niya si Kylo. "Nasaan na siya?" Tanong niya dito.

Tinuro ni Kylo ang ikalawang palapag na may hagdang gawa sa kahoy. "Nandoon ata sa itaas. Halika, samahan kita." Nauna na si Kylo at sumunod naman siya.

Rinig na rinig na ang langitngit ng hagdan at tila malapit na iyong masira ngunit kataka-takang nakaya pa ng hagdan ang bigat nilang dalawa. Sa ikalawang palapag ay may dalawang silid na ang pang-harang ay kurtina lamang. Pinasok nila ang isang silid.

Napasinghap siya at napatakip ng bibig. Nakita niyang natutulog si Primo sa isang papag na gawa sa kahoy, may kaunting galos at gasgas ito sa mukha at sa pagtulog ay nakakunot ang noo na tila hindi maganda ang pinananaginipan. Napatingin din siya sa kaliwang balikat nito dahil nakita niyang may dugo dito na tumagos na sa damit. Bigla siyang naluha.

"Don't worry, hindi siya mamamatay. Malayo iyan sa bituka." Nagawa pang magbiro ni Kylo.

Hindi niya ito pinansin at dahan-dahang naglakad palapit sa gawi ni Primo. Inilapat niya ang kamay sa may kaunting dugo na nasa balikat nito matapos ay umakyat ang kamay sa mukha nito.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now