Chapter 42

584 37 0
                                    


Balak sanang magtungo ni Primo sa ZHQ sa lumang building dahil naroon ang ZERO ngayon at kailangan niyang kausapin ang tatlong lalaking nasangkot sa gulo. Si Kenji, Baxter at Jaxon.

Ngunit may humarang sa kaniyang daraanan na isang puting kotse at bumaba doon ang isang babae, si Coleen.

"Beau..." Nagmamakaawa ang mukha nito at tila nasasaktan.

Huminga siya ng malalim at tinanggal ang helmet na suot, pinatay ang makina ng motor at bumaba ng sasakya. "What do you want this time, Coleen?"

Namuo ang luha sa mata ni Coleen. "Baby Beau naman! Wala na ba talaga?" Naiiyak nitong tanong.

Inipit ni Primo ang helmet sa pagitan ng kaniyang braso at gilid ng katawan. "I'm sorry, okay?" Huminga siya ng malalim. "Noong bumalik ka, I thought I still love you yun pala, kailangan ko lang ng closure. Nasaktan ko pa ang babaeng mahal ko because of my stupidity. So please, stop. Ayoko na uling saktan si Phemie."

Tumulo ang luha sa magkabilang pisngi ni Coleen. "Beau, I love you. I really do. Kaya ko pa naman sigurong baguhin ang tibok ng puso mo. I'll be your everything...just please, come back to me." Nilapitan siya nito at binalak pang hawakan ang kaniyang braso ngunit inilayo niya iyon.

Kumunot ang kaniyang noo. "I don't get you, Coleen. You said you love Grayson, kaya mo nga ako iniwan diba? Ngayon babalik ka just to say you still love me?" Sarkastiko siyang tumawa. "Nakakatawa ka!"

"N-no! Ikaw ang mahal ko! Ikaw---"

"Huwag mo akong paikutin!" Galit siyang sumigaw na ikinagulat nito. "Ako ang mahal mo? Damn you, Coleen! Nagmakaawa ako sayo noon na huwag kang umalis pero tinuloy mo pa rin at pinipilit mo sakin na mahal mo si Grayson! That fucking Kylo Jastin Grayson!" Halos manginig siya sa galit dito. "And now that I'm happy, sisirain mo na naman ako! Hindi ko alam kung ano pa bang gusto mo! Mabuti na lang at natauhan na ako sa mga kagaguhan ko sayo!"

Nanginginig na sa takot si Coleen at basang-basa na rin ang magkabilang pisngi dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha. "Yes! I loved Jastin! I loved him! Pero ikaw na ngayon ang mahal ko! Mahal na mahal kita!"

Kumuyom ang kamao ni Primo at hindi makapaniwalang tinignan si Coleen. "Maybe Phemie's right, you're a stupid mother fucker." Matapos noon ay muling isinuot ni Primo ang helmet saka sumakay na sa motor niya at pinaandar iyon ng mabilis. Hindi na siya magpapauto pang muli kay Coleen.

"Beau! Beau!" Naririnig niya pa ang sigaw ni Coleen ngunit ngumisi na lang siya at iniwan na ito doon.

He's sleeping for two damn years and now that he has Phemie, nagising na siya sa kaniyang kahibangan.

FLASHBACK

Papunta si Primo sa apartment ni Kylo. Naisipang magbukod ni Kylo dahil ayaw na nitong umasa sa mga magulang and he's proud of his best friend's decision. Sa murang edad ay matured na itong mag-isip.

Mag-kaibigan na sila simula noong mga nasa kindergarten pa lamang sila. Magkaiba man sila minsan ng hilig ngunit mabilis silang nagkasundo dahil iisa sila ng talento at iyon ay ang pagsasayaw. Dahil din doon nagkakilala ang mga magulang nila at mabilis ding nagkasundo.

Pinindot ni Primo ang code sa pad ni Kylo. Nang buksan niya ito'y wala siyang naabutang tao sa sala at kusina. Napangisi siya, malamang kasi'y natutulog ito ngayon. Antukin talaga ang kaibigan niya.

Nagtungo siya sa kwarto nito at nang mabuksan niya ang pinto'y nagulat siya sa nabungaran. Nabitawan niya ang pagkakahawak sa sedura ng pinto at napaatras ng dalawang hakbang.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now