Chapter 30

685 46 0
                                    


Nakagapos ang kamay at paa ni Phemie sa isang upuan. Madilim ang paligid habang may isang ilaw sa itaas ng ulo niya. Siya lang ang naiilawan nito.

"Answer me!"

Napapikit si Phemie sa sigaw ni Jaxon sa kaniya. Ang sakit sa tainga.

Alam niyang nasa paligid lang ang ZERO at ngayo'y pinagmamasdan siya ngunit hindi niya lamang makita lalo na't nakakasilaw ang ilaw na nasa itaas ng ulo niya.

Dinala siya ni Primo sa isang abandunadong building. Hindi na niya nakita pa ang paligid dahil hinila na siya agad nito sa isang madilim na silid na tanging isang ilaw at bangko lang ang mayroon.

Hinawakan siya ni Jaxon ng mariin sa baba. "Sagutin mo ako. Huwag kang manahimik lang." Nanggigigil nitong tanong sa kaniya. "Kilala mo ba 'to?" Anito na ipinapakita sa kaniya ang video kung saan kumaway siya sa lalaking naka-mask.

"O-oo." Aniya. Nanghihina na siya. Gusto na niyang kumain at uminom ng tubig.

"Sino? Sino sila?" Sunod na tanong ni Jaxon.

Umiling siya. Hindi niya alam ang pangalan nito.

Padarag na binitiwan ni Jaxon ang baba niya at naramdaman na lang niyang umalis na ito sa harapan niya.

Rinig na rinig naman nila ang kalabog sa pinto kung saan kanina pa nagwawala ang kuya Luther niya.

"'Wag niyo siyang bibigyan ng pagkain at tubig hanggang bukas." Narinig niyang sabi ni Primo at sunod ay ang pagbukas ng pinto.

"Let me go! Kapatid ko 'yan! Putangina, kapatid ko 'yan!" Rinig niya ang papalayong boses ni Luther hanggang sa tuluyan na iyong nawala.

Ngayon, mag-isa na lamang siya sa madilim na silid na tanging ilaw na nakakasilaw ang karamay niya.

Hindi niya talaga naiintindihan ang nangyayari. Wala siyang alam. Sinagot niya naman ng tama ang tanong nito, bakit kailangan siyang ganituhin?

Mahina siyang ngumiti hanggang sa manlabo na ang mata niya't lamunin na rin siya ng dilim.

***

Nakatulalang napaupo si Baxter sa sopa. Hindi niya maimagine na si Phemie ay sangkot at kasabwat ng mga kalaban.

"Let me fucking go! Damn you, Primo! Damn you!" Sigaw ni Luther na pinipigilan naman ni Kenji at Macon sa pagsugod kay Primo.

Sila lamang anim nina Jaxon, Primo, Luther, Kenji, Macon at siya ang naroon sa isa pa nilang Head Quarters na abandunadong building sa labas ngunit tila isang five star hotel sa loob habang sina Dion, Lyncoln at Azriel naman ang nag-asikaso kay Mouie at sa ina nito sa ospital.

Dinala din nila si Phemie sa basement nila. Hindi nila ito pwedeng isuplong sa pulis lalo na't ang CCTV na iyon pa lamang ang ibedensya at hindi rin nila kaya dahil na rin sa napalapit na ang loob nila kay Phemie kaya't mas mabuting sa basement na muna nila dalhin ito.

"Ano ba! Putangina! Pakawalan niyo ang kapatid ko, tangina niyo! Babae 'yon! Babae 'yon!" Malutong na pinagmumura sila ni Luther.

Naawa naman si Baxter sa kalagayan nito. Ngayon niya lang narinig si Luther na magmura ng malutong. Ganoon na nga siguro kamahal ni Luther ang kapatid at gagawin nito ang lahat para rito.

Halos lahat sila ay hindi makapaniwala sa nalaman. Paano nga namang isang engot na babae ang magiging suspect sa nangyaring pagsabog at pagsunog sa building ng eskwelahan? Nagpakabayani pa ito para iligtas si Lauren tapos ito pala ang may pakana. Ano bang pinaplano ng grupo nila Phemie?

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now