Chapter 55

756 36 2
                                    


"Huwag kang malikot!" Pinalo ni Niah ang hita niya dahil sa likot niya habang nililinis nito ang sugat sa likod ng hita niya.

"Niah, masakit!" Reklamo ni Jaxon sa asawa.

Kinurot nito ang kaniyang hita habang inirorolyo nito paikot ang gauze na pantapal sa may sugat niyang hita. "Bwisit ka kasi!" Naiirita nitong sabi.

Humarap siya dito ng nakakunot noo. "Ako na ang nasaktan, ako pa ang bwis---" Natigilan siya nang makitang namumuo ang luha nito habang nakasimangot. "N-niah..."

Suminghot si Niah at padarag na pinunasan ang luha sa mata. "Nakakinis ka kasi eh! Hindi ka umuwi kahapon kasi ayaw mong ipakita ang sugat mo! Baliw ka ba?! Hindi mo man lang ba naisip na mag-aalala ako?!" Tila parang bata ito ngayon kung umiyak.

Napahinga siya ng malalim. Marahil kasama ito sa pagbubuntis ni Niah. Ang sabi ng doctor ay pabago-bago daw talaga ng mood ang mga buntis kaya't dapat lang na maging mahaba ang kaniyang pasenya.

Naroon sila ngayon sa kanilang kwarto at parehas silang nakaupo sa kama. Hinapit niya ito palapit sa kaniya saka hinagod ang likod. "Huwag ka ng umiyak. Kaya nga hindi ko sinabi kasi alam kong mag-aalala ka." Mahina niyang paliwanag.

Mas lalong ngumawa si Niah. "Ayoko! Gusto kong umiyak! Huhuhu!"

"Niah, ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na umiyak? Sige na." Mahinahon niyang tanong. Hindi siya ganito. Mabilis mag-init ang kaniyang ulo pero dahil mag-ina niya ito, kailangan niyang habaan ang pasensya.

Suminghot muna si Niah bago tinanggal ang braso sa mata. "G-gagawin mo ba lahat ng gusto ko?"

Ngumiti siya. "Ofcourse. Para sa inyo ni junior."

Nangunot ang noo nito. "Junior ka diyan! Babae 'to!"

Napailing siya at natawa sa tinuran nito. "Okay, fine. Para sa inyo ni princess."

Lumawak ang ngiti ni Niah at tumingin sa kawalan na tila nag-iisip matapos ay napatingin ito sa kaniya. Mali, sa kaniyang labi pala. Napalunok si Niah. "Kiss mo 'ko."

Nabigla siya. "N-niah?"

"Kiss mo 'ko." Ngumuso ito matapos ay dinuro ang labi.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Napasimangot si Niah at nag-cross arms. "Ah ganoon? Ayaw mo?" Tumaas ang kilay nito. "Oh sige! Hindi tayo bati---"

Mabilis niyang dinampian ng halik ang labi nito. "Bati tayo." Nakangiting aniya.

Nabigla man si Niah ngunit muling ngumuso. Hindi naman niya iyon tinanggihan at ilang beses na pinatakan ng halik ang labi ni Niah.

"Naman eh!" Reklamo nito. Nabigla na lang siya nang bigla siya nitong hawakan sa batok at idiin ang labi sa labi nito. Bigla rin itong humiwalay. "Ang baho mo. Naligo ka ba?"

Nalaglag ang kaniyang panga. Matapos siya nitong halik-halikan ay lalaitin naman siya?

"Naligo na ako---"

"Maligo ka ulit!" Bigla siya nitong itinulak paalis sa kama. "Ay wait!" Hinawakan nito ang t-shirt niya at hinatak palapit. Muling nagtama ang kanilang labi. Nakangiti na ito ng malapad ngayon. "Ligo well."

Napailing-iling na lang siya. Mukhang ang labi niya ang isa sa pinaglilihian ni Niah. Natawa siya dahil nagustuhan niya rin ang lambot ng labi nito.

***

Dalawang araw na ang nakararaan matapos ng trahedyang iyon. Si Kylo ay nasa ER sa ospital at kasalukuyang inooperahan ngayon. May nakuha na kasing donor na maaaring pumalit sa puso ni Kylo lalo na't nang mabaril ay sa puso napuntirya si Kylo.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now