Chapter 16

886 47 0
                                    


Nasa itaas si Phemie ng puno sa likod ng kanilang paaralan. Napahikab siya dahil antok na antok na siya. Matapos kasi siyang hilahin ni Primo ay tinakasan niya ito, gusto niya kasing mapag-isa at magmuni-muni.

Napakunot ang noo niya nang makita si Primo at si Luther na nag-uusap palapit sa puno---kung saan naroon siya. Nanlaki ang mata niya. Alam kaya ng dalawa kung nasaan siya?

"Tss. Napakatigas talaga ng ulo ng kapatid mo." Rinig niyang sabi ni Primo kay Luther. Halata sa boses nitong hindi ito natutuwa sa ginawa niya. Sumandal ito sa puno at nag-crossed arms.

Lumapit naman si Luther sa pader sa likod ng puno, may kung anong pinagpipindot ito doon. Namilog ang mata niya nang bumukas ang pader.

Dahil sa kakasilip ay hindi niya inaasahang mahuhulog siya. Napatili at napapikit na lang siya. Siguradong bali-bali ang buto niya.

"Phemie?"

Napamulat siya ng mata at tinignan ang sarili. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang maayos naman ang kalagayan niya. Nasalo siya ni Primo at ngayon ay buhat-buhat siya nito.

Tinapik niya sa balikat si Primo na gulat na gulat. "Good catching, ha?" Aniya at bumaba na dito saka tinuro ang nakabukas na pader. "May secret passenger pala kayo dito, ha? Ano kayo, Agent?"

Umingos lang si Primo. Tila balewala dito na nakita niya ang sikretong lugar nila. "Pinagsasasabi mo? May alien talk ka na naman." Anito at pumasok na sa loob ng ZHQ.

Sumunod naman siya dito at nagkusa ng sumara ang pader. Namangha siya sa nakikita. Para lang itong bahay. May malaking sala, kusina, mga kwarto, may gym pa at billiard, may mga boxing rings din. Parang normal na bahay lang... Para sa mga mayayaman, siguro?

Tinignan siya ng kapatid na si Luther. "Anong ginagawa mo sa taas ng puno?" Seryosong anito. Alam nitong may tao sa taas ng puno dahil ramdam nito, ang hindi lang nito akalain ay kapatid pala nito iyon.

Nagkibit-balikat siya at naupo sa sopa. "Iniwan mo si Mouie, Kuya?"

"Ako ang unang nagtanong."

"Lady first." Mariing aniya.

"Bakit? Lady ka ba?" Panunuya ng Kuya niya kaya't napanguso siya dito, sinipa niya ang paa nito na agad nitong nailagan.

Umiling-iling lang si Primo at pumasok sa opisina. Sinundan iyon ni Phemie ngunit agad na humarap sa kaniya si Primol, hindi tuloy siya nakatuloy sa opisina nito.

"Anong kailangan mo?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya.

"Pagkain." Sagot niya habang sinusubukang sumilip kahit na hindi niya masilip dahil nakaharang si Primo.

"Nandoon ang kusina at wala dito."

Ngumuso siya. "Hmp! Damot! Makaalis na nga."

"Saan ka pupunta?"

"Saan pa? Edi sa classroom!" Iniwan na niya si Primo at lumabas ng ZHQ. Naboboring na rin naman siya kaya't mas mabuting mag-aral na lang.

Natampal niya ang noo nang may maalala. Malapit na nga pala ang exam at wala pa siyang narereview kahit isa, lumiko siya pakanan patungo sa library ng paaralan.

***

Sabado ngayon at naisipan ni Primo na magbakasyon kasama ang ZERO at si Phemie.

Ngayon ay nasa labas siya ng bahay nila Phemie at hinihintay na lang itong bumaba. Kasama niya sa loob ng Van si Azriel, Macon at si Yashi na girlfriend nito... Naghaharutan ang dalawa. Si Kenji at Aiden na magkatabi ngunit hindi nagpapansinan at si Dion na katabi naman ang pinsan nilang si Adrienne. Hindi niya alam kung bakit gusto nitong sumama ngunit hinayaan niya na lang.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now