Chapter 36

648 35 1
                                    


"Ang mga mayayabang na ZERO." Bungad ni Ashton sa kanila. "Kumusta kayo?" Mayabang pa itong ngumisi.

Si Ashton ay dating leader ng grupong PENTAGON na ngayo'y nabuwag na dahil natalo ng ZERO, ngayo'y umanib si Ashton sa grupong DEATH na pinamumunuan ni Rogus.

Walang emosyon naman na tinignan ito ni Primo saka inikot ang mga mata sa mga kasama nito. Sa tingin niya'y nasa bente-dos ang lahat ng nandito.

Nakapamulsa si Primo, naka-cross ang paa habang nakasandal sa pader na nasa likod niya na hanggang kili-kili ang taas. Kasama niyang nakasandal si Luther, Dion at Jaxon habang nakaupo naman si Baxter at Lyncoln sa itaas. Si Macon, Azriel at Kenji ay nasa itaas din ngunit mga nakatayo.

Umalis si Jaxon sa pagkakasandal at pinatunog ang kamay. "Talagang wala kang kadala-dala 'no?"

Mukhang natakot naman si Ashton at bahagyang napaatras ngunit tinulak lang ito ng isa sa kasama sa likod pabalik. "H-hindi ako natatakot sa inyo!"

Tumalon si Baxter mula sa itaas. "Kaya pala nanginginig ang tuhod mo." Sarkastikong sagot nito.

Dinuro ni Ashton ang lahat ng ZERO. "H-humanda kayo! 'Pag dating ni master bugbo---"

"Nandito na si master!"

Ngumisi si Ashton at gumilid din katulad ng mga kasama. Dumaan sa gitna ang lalaking nakasalamin, kulay puti ang buhok, at nasa bulsa ang magkabilang kamay habang naglalakad. Kasunod naman nito sa likod ay dalawang lalaki na may kulay asul at berde ang buhok na mayabang na naglalakad.

Huminto sa paglalakad ang may kulay puting buhok, tinanggal ang salamin sa mata at isinasabit sa damit saka minata ang ZERO. "They are ZERO?" Tanong nito.

Lumapit naman dito si Ashton. "O-oo, master Rogus!"

Ngumisi si Rogus. "Tss! They're just ZERO and I'm the number one, dude."

Nagsibabaan na ang ZERO sa itaas at ngayo'y pantay-pantay na ang kanilang tayo. Nasa gitna si Primo ng mga ito.

"Yes, we're ZERO and we're higher than one, lolo." Mapang-asar na pinatunog ni Kenji ang daliri.

Napataas ang kaliwang kilay ni Rogus. "Higher? Paano naging higher ang ZERO?"

Natawa si Dion. "You didn't know? Bobo ka ata magbilang eh!"

"Gago ka ah! Anong karapatang mong ganyanin si master—" Balak na sanang sumugod ni Aron na nasa likod ni Rogus na may kulay asul na buhok ngunit pinigilan ito ni Rogus.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo." Seryosong sabi ni Rogus.

"Ang dami niyong dada! Wala bang katapusan 'yan?" Ani Lyncoln na tila nababanas na.

"Chillax ka lang, Lyncoln." Dinilaan ni Luther ang ibabang labi.

"M-master, mag-iingat kayo sa kanila." Natatakot na payo ni Ashton kay Rogus.

Pinanlisikan ito ng mata ni Rogus at sinipa sa tiyan na dahilan ng pagtalsik nito. "Doon ka nga! Duwag!" Humarap si Rogus sa ZERO at may ngising tinitigan si Primo. "Gusto kong makipaglaban sayo. One on one."

'Tss! Ako pa ang hinamon.'

"Sure." Walang emosyon din siyang nakipagtitigan dito pabalik.

Nagsiatrasan ang ZERO at DEATH at hinayaang matira sa gitna si Primo at Rogus na parehas na leader ng dalawang grupo.

Walang kumurap sa dalawa hanggang sumugod na si Primo na mabilis na nailagan ni Rogus pakanan. Sa mabilisang galaw ay nahawakan ni Rogus ang braso ni Primo, tumalikod at pwersahang hinila ang braso ni Primo mula sa likod para sana mapahiga sa maduming sahig ngunit bago pa man mangyari yun ay natadyakan na ni Primo ang likod ng hita ni Rogus kaya ito napaluhod sa sahig.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now