Chapter 50

558 34 0
                                    


Mabilis na pinasok ni Luther ang maliit na bahay kasabay nila Jaxon, Macon, Dion, Lyncoln, Baxter, Kenji at ang dalawang personal bodyguard ni Primo na sila Robert at Rupert.

Mabilis silang sumugod sa mga lalaking naglalakihan ang katawan. Hanggang sa nagkagulo na sa maliit na bahay. Mayroon pang napapatalsik at dahil sa liit ay halos magsiksikan na ang lahat kaya't ang ginagawa ng iba'y dinala ang kalaban sa labas.

May makikitang mga kapit-bahay na nakikiusisa ngunit ayaw makigulo kaya't umiiwas na lang at nanonood. Mayroon pang nilalabas ang mga cellphone para kuhanan ang mga nangyayari.

"Shit!" Sigaw ni Luther matapos maglabas ng patalim ang mga kalaban nila.

Umiwas siya sa isa ngunit nabutas naman ang t-shirt niya sa tiyan. Muntik na. Mabilis niyang sinipa sa mukha ang kaharap at gamit ang kamao'y pinatama niya ito sa kaliwa.

Nilibot niya ang tingin sa buong silid at nanlaki ang mata niya nang may babaeng nakahiga sa malamig na sahig at walang malay.

Mabilis niyang pinuntahan ang gawi ni Phemie. "Shit! Phemie! Phemie!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito ngunit wala pa ring malay tao si Phemie. Kumuyom ang kamao niya nang makitang bra na lang ang natirang pang-itaas nito habang may pulang markang naiwan sa leeg nito.

Mabilis niyang hinubad ang t-shirt niya at itinakip sa katawan ni Phemie. Sa hindi kalayuan ay may nakita rin siyang isang taong wala ring malay. Mas lalong nanlaki ang mata niya nang makitang si Primo iyon.

Mabilis niyang inilagan ang sipang paparating sa kaniya saka ito tinuhod ng malakas sa tiyan.

Natigil ang lahat sa paglalaban nang may nagpaputok ng bala sa kisame na dahilan ng pagkasira nito lalo na't gawa lang ito sa kahoy.

"Labas na! Nandiyan na ang mga pulis! Tonta!" Sigaw ni Glenda saka hinawakan ng mariin sa braso si Coleen na nanginig sa takot at marahas na hinila.

Nangunot ang noo niyang napatingin kay Azriel na malungkot ring nakatingin sa kaniya habang may luhang pumatak sa mata nito. Balak niya sana itong tawagin ngunit tumalikod si Azriel at sumama kay Glenda na ikinaawang ng labi niya.

Nagsunod-sunod na ang putok ng bala kaya't napayuko na lamang siya na pinoprotektahan si Phemie sa mga iyon. Saglit niyang sinilip si Primo at mabuti na lamang ay nakaharang dito ang bangko ngunit hindi pa rin sapat. Nag-aalala siyang baka mabaril ito.

Palayo ng palayo ang mga barilan hanggang sa hindi na nila iyon narinig. Mabilis niyang isinuot kay Phemie ang t-shirt niya at binuhat ito.

"Nandoon si Primo. Kayo na munang bahala sa kaniya!" Sigaw niya sa mga kasama saka isinakay na si Phemie sa kotse niya. Mabuti na lamang at kotse ang ginamit niya ngayon.

Isinakay niya si Phemie sa passenger seat saka ito sinukbitan ng seatbelt. Naawa siya sa mukha nitong may mga galos habang nandilim at kumuyom naman ang kamao niya sa pulang markang nasa leeg nito.

Nagtataka man siya kung bakit naroon ang kapatid ngunit hindi ito ang tamang oras para tanungin ito. Kailangan niyang madala sa ospital si Phemie sa lalong madaling panahon.

***

Mabilis ang paang nilapitan ni Lyncoln ang walang malay na si Primo. Nagtaka pa siya nang makitang wala naman itong galos sa kahit saang bahagi ng katawan ngunit nawalan ito ng malay. Malakas si Primo. Hindi agad mapapatumba sa isang pitik lang.

"Primo." Mahinang tawag niya kay Primo ngunit hindi naman ito gumalaw.

"Fuck!" Bigla siyang tinulak ni Macon at pinakiramdaman nito ang paghinga ni Primo. "Fuck shit! N-no!" Muli nitong sigaw na natataranta.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now