Chapter 33

730 40 0
                                    


Narito sila ngayon sa Sky Ranch Amusement Park Rides ng Tagaytay.

Tuwang-tuwa si Phemie lalo na't sa labas pa lang ay kitang-kita na ang malaking Ferris Wheel na tinatawag na Sky Eye.

Mabilis na bumaba si Phemie sa van nila nang marating na nila ang Main Parking ng Sky Ranch. Walang masyadong tao dahil hindi naman bakasyon ngayon at may pasok pa ngunit sila ay wala kaya maswerte ang araw na ito para kay Phemie.

Tumatalon na tinuro ni Phemie ang Drop Tower. "Dito! Dito tayo! Dali!" Tumitiling aniya. Noon kasi sa telebisyon niya lang iyon nakikita ngunit ngayon ay masasakyan niya na.

Lumapit naman si Aiden at hinawakan ang braso niya. "Masyado kang excited. Dito muna tayo!" Anito at hinila siya sa Super Viking.

Napasimangot siya ngunit sumunod na lang din. Hindi na rin naman masama ang Viking kaso nakakasawa na lalo na't palagi niya iyong nasasakyan sa mga perya.

Pumila na muna sila upang bumili ng ticket. Si Jaxon at Blair naman ay hindi sasakay kaya't humiwalay na ang dalawa sa kanila.

Nang makasakay sila sa Viking ay todo kapit si Kenji kay Aiden dahil sa takot samantalang si Luther ay natatawa lang habang hinahawakan ang kamay ni Thiara na namamangha.

Dahan-dahang gumalaw na ang Viking hanggang sa lumakas iyon ng lumakas. Bagama't sumisigaw ay natatawa sila sa kaingayan ni Kenji dahil sa lakas ng tili nito habang si Primo ay nananahimik lang.

Nang matapos ay masuka-sukang umalis sa kinauupuan si Kenji habang inaalalayan ito ng tumatawang si Aiden samantalang si Macon at Ayashi naman ay napapangiti lang ng magkahawak ang kamay.

Doon ay nagkanya-kanya na sila. Si Macon at Ayashi ay pumunta sa Sky Eye Ferris Wheel. Si Azriel at Kristine naman ay sa Bumper Car. Si Luther at Thiara ay sa Carousel dahil gustong-gusto ni Thiara na makasakay doon. Si Aiden at Kenji ay bigla na lamang nawala samantalang si Lyncoln at Audrey ay sa Safari Splash. Si Baxter at Niah ay nag kanya na rin dahil alam naman nilang pareho ang lugar habang si Dion at Adrienne ay sa Express Train.

Ngayon ay silang dalawa na lamang ni Primo. Agad na hinatak ni Phemie ang kamay ni Primo patungong Drop Tower ngunit nabalik lang din si Phemie sa kinatatayuan niya sa tabi ni Primo dahil hinatak din siya nito pabalik.

"Doon nga tayo!" Nakasimangot na aniya habang tinuruto ang Drop Tower.

Walang emosyong lumipat ang tingin sa kaniya ni Primo. "No." Anito at hinila siya sa malapit na kiosk saka siya pinaupo sa upuan.

Inis naman siyang bumaling dito. "Kung gutom ka, ikaw na lang kumain. Sasakay ako doon." Aniya at muling tumayo para sana pumunta sa Drop Tower nang muli siyang pigilan ni Primo. "Ano ba kasi?" Inis niyang sabi.

Lumunok si Primo saka tinignan kung gaano kataas ang Drop Tower saka muling bumalik ang tingin sa kaniya. "Gusto mo ba talagang sumakay doon?"

"Oo nga!"

Huminga ng malalim si Primo. "Let's go then." Anito at hinila na ang kamay niya.

Napangiti naman si Phemie hindi dahil sasakay na sila sa Drop Tower kun'di sa magkahawak nilang kamay. Ramdam niya kasing may gumagalaw na naman sa loob ng tiyan niya at nakikiliti siya doon. Gumagalaw na naman ang dragon sa tiyan niya, gusto na naman atang kumain.

Pumila sila saglit para bumili ng ticket hanggang sa nakasakay na sila sa Drop Tower. Tuwang-tuwa naman si Phemie at hindi na mapalagay sa kinauupuan habang ginagalaw ang dalawang paa.

Si Primo naman ay nakahawak lamang sa hawakan at diretsong nakatingin sa harap ng walang emosyon. Masyadong diretso ang pagkakaupo gayon din ang nakalaylay na paa.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now