Chapter 39

582 38 0
                                    


Malakas na tugtugan, hiyawan, sigawan at magugulong mga tao. Halos karamihan ng kababaihan sa club ay katabi ni Dion at nakapaikot sa kaniya ang mga ito habang iniindayog ang katawan at sinasabay sa indak ng musika.

"ARE YOU READY?!" Malakas na sigaw ng DJ habang may nakakabit na headset sa tainga.

"YES!"

Nakisigaw din si Dion habang nakikiindak sa musika. Maya-maya lamang ay nagpalit na ng tugtog ang DJ at mas lalong napaindak ang kanilang mga katawan sa saliw ng musika.

Inakbayan ni Dion ang katabi habang hinalikan naman sa pisngi ang isa pa sabay tawa ng malakas dahil na rin sa tama ng alak na kumalat sa katawan at nadamay pati ang kaniyang utak.

May kumapit namang dalawang braso sa kaniyang leeg at ini-lock doon saka gumiling-giling sa kaniyang harapan habang ang mga mata'y sa kaniya lamang nakatitig.

Naagaw ng babae ang pansin niya kaya't tinanggal niya sa pagkakaakbay ang braso sa katabi at kumapit naman sa bewang ng babae saka pinaglapat ang kanilang mga noo.

"You're beautiful." Namamangha niyang sabi habang nakatitig sa mga mata nito.

Ngumisi ang babae saka pinadaan ang labi nito sa gilid ng labi niya. "I know, sweetheart."

Mas lalo niyang ipinagdikit ang kanilang katawan sa pamamagitan ng paghapit ng bewang ng babae sa kaniya habang mahigpit naman ang kapit nito sa kaniyang leeg.

"Can I kiss you, sweetheart?" Aniya na tila nahihibang na.

"Do you really want to kiss me?" Malanding tanong ng babae saka inilapit ang labi sa tainga niya. "Come with me."

Natuwa naman siya at nagpahila dito. Dumaan sila sa fire exit hanggang mapuntahan nila ang parking lot. Isinandal siya ng babae sa isang kotse at inilapit ang mukha sa kaniyang mukha.

Pumikit naman siya upang madama ang halik nito ngunit dumaan ang ilang minuto ay walang dumampi sa kaniyang kahit na ano kaya't dumilat siya.

Nakita niya ang babaeng binuksan ang pintuan ng kotse sa kabilang bahagi kung saan naroon ang driver seat.

"Sweetheart, where's my kiss?" Takang tanong niya.

Pinanlisikan siya nito ng mata. "Get in!" May halong inis na sabi nito.

Napakurap naman siya ngunit agad ding binuksan ang pinto ng kotse at naupo sa passenger seat. Tila nahimasmasan siya at nawala ang tama ng alak sa kaniyang utak dahil nakilala na niya ang babaeng kanina lamang ay gumigiling sa harap niya.

"Fasten your seatbelt! Now!" Sigaw ng babae at pinaandar na ang makina.

Natatarantang sinunod niya ito saka humarap dito at hinawakan ang kanang kamay nitong nasa manibela. "Sweetheart---"

"Don't touch me!" Nakasimangot na sigaw ng babae at pinatakbo na ang pulang kotse palabas ng club. "Ang landi mo talaga! Pinagbawalan na kita diba?!"

Napayuko naman siya. "I-i'm sorry."

"Damn you, Dion! Ganyan ka na lang ba lagi?!" Asik nito.

"I'm really sorry, sweetheart. Please, don't get mad."

"Don't get mad?! How could I?! Kung yung boyfriend ko nasa loob ng club at nakikipaglandian sa ibang babae!"

Nakagat niya ang ibabang labi. "I'm sorry. Hindi ko lang napigilan, you know club is my life!"

"Life? How about me, Dion?! Nag-iisip ka ba?!"

Nag-red ang stoplight kaya't pagkakataon na niya ito para hawakan ang kanang kamay nito na ginawa niya nga. "You're my world, Adrienne. I'm sorry, hindi na mauulit." Pinisil niya pa ang kamay nito.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now