Chapter 12

1.1K 61 0
                                    


Nakatambay si Azriel sa hardin ng eskwelahan. Umalis kasi si Primo at iniwan sila sa ZHQ, dahil busog naman siya ay lumabas na lang siya.

Pinagmamasdan niya ang mga paru-parong nagliliparan sa hardin, habang may nakapasak na lollipop sa kaniyang bibig. Nakaupo siya sa ilalim ng puno habang nakasandal dito.

"Hoy!" Nagulat siya nang biglang bumulaga sa harapan niya si Kristine. "Hi, Vladimir!"

Nangunot ang noo niya. Parang noong sabado lamang ay umiyak ito sa harapan niya... ngunit ngayon ay nakangiti na ito sa kaniya?

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya rito.

Umupo ito sa tabi niya at nag-angat ng tingin. "Wala lang. Ikaw lang ba ang may karapatang mag-cutting?" Nakangiti nitong sagot sa kaniya saka siya binalingan ng tingin. "Gusto ko rin ng lollipop, pahingi nga!"

"Wala akong lollipop na dala." Aniya at sinipsip ang lollipop na subo-subo niya.

"Eh 'di... ito na lang!" Nagulat siya nang agawin nito ang lollipop niya at isinubo rin iyon sa bibig nito.

"W-what the—bakit mo ginawa 'yon?" Gulat niyang tanong dito.

Sinipsip nito ang lollipop. "Ang sarap ng lollipop, 'no?" Inilabas nito ang lollipop sa bunganga nito saka dinilaan iyon. "Lalong-lalo na kung may laway mo." Nakangisi nitong dugtong.

Nag-iwas siya ng tingin nang maramdamang nag-iinit ang tainga niya. Napakagat siya ng labi

'Shit! Indirect kiss din 'yon!'

"Sige, aalis na ako." Aniya at mabilis siyang tumayo.

Pinigilan naman siya ni Kristine gamit ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. "Dito ka muna. Gusto pa kitang makasama ng matagal, eh." Nakanguso nitong sabi.

Napakunot ang noo niya. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Tin? Hindi ka naman ganito dati, ah?"

"Gagawin ko ang lahat para maging akin ka, Azzy." Malumanay nitong saad. "Pagod na kasi akong pagmasdan ka lang mula sa malayo. Hayaan mo naman ako... bigyan mo ako ng chance." Anito habang direktang nakatingin sa mata niya.

Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Tin, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo. Magpakatotoo ka—"

"Magpakatotoo? Ni hindi mo nga ako nagustuhan noon!" Singhal nito saka tinapik ang kamay niya, nagdadabog itong iniwan siya.

Napahinga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang bulto ni Kristine na papalayo sa kaniya.

'Kung alam mo lang...'

***

Dahil iniwan sila ni Primo sa ZHQ, napagpasiyahan ni Dion na pumasok na lang muna sa kanilang klase.

Ngumiti siya ng malaki nang sumalubong sa kaniya ang mga kaklase niyang babae. May mga bitbit itong mga tsokolate at liham na para sa kaniya.

"Woah, girls, chillax!" Aniya at naupo na sa kaniyang pwesto.

"Dion, pagbigyan mo naman ako! Please!"

"I'm free tonight, babe!"

"I can be your girlfriend!"

"Boyfriend ko 'yan! Layas!"

"Can you be mine?"

"Please! Dion! Please!"

Nahinto lang ang mga kababaihan nang may malakas na tunog ang gumambala sa kanila.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang babaeng naroon sa teacher's table, may hawak itong piraso ng stick na mukhang hinampas nito sa lamesa.

Stupid GoddessWhere stories live. Discover now