Chapter 44 na Gagsti!

18.4K 1K 296
                                    

Dimple's POV

I swear to God, hindi ako palaaway. But this b!tch otherwise known as Criselle, pushed it. Kung di lang sana ako nakinig kay Natalie, sinumbong ko na tong gagang to sa Student Affairs e – that time when she stole something we have no clue about.

Until this shocking revelation happened.

Same as with the emcee, I thought pinapaandar lang ni Criselle ang pagiging paranoid, buying the idea na dahil naka-pants si Natalie e lalaki na ito. But then nung nakita ko na mga slideshows of Natalie, na Nataniel pala, it’s like someone hit me with a baseball bat then afterward asked, ‘masakit ba?’ Sarcastic ang dating sakin ng mga narinig ko about Natalie. And I was not so happy. In fact, super asar ako sa kanya makita ko lang sya siguradong masasampal ko. Why? Because duh!? He made us look like a fool!? He made us feel like we’re so stupid. Nakakasama. And a real friend won’t do that. Tapos aartehan nya kaming ganyan – yung tipong ang cold-cold nya where in fact, sya pala ang may atraso samin!? Huh! Ang kapal.

Kaya pala kahapon ganun na lang kung mag-asikaso – naghanda ng breakfast and all! Na-gets ko na. Na-gets ko na na napaka-weak nya. If he wasn’t, di sana wala ng ganitong drama. Di sana naintindihan kagad namin. Di sana hindi ako nananambunot ng isang daughter of a b!tch na hindi ko naman talaga dapat pag-aksayahan ng lakas.

Yet I still did.

Why? Because one doesn’t have to be a scientist or a philanthropist to know that Criselle has intent to do/ say something evil to Natalie. I know I need to get angry with Natalie pero hindi ko kaya kung pati iba na hindi naman ginawan ni Natalie nang masama e masama na rin ang tingin sa kanya. That’s why I’m angrier with Criselle kasi I know she did that on purpose.

And so throwing my heels at her served a purpose – to let her know that ‘b!tch! you forgot about me!’ Iniwan ko talaga ang baby-baby ko at sumampa sa stage. Nanggigil ako kaya nakapagbitiw ako ng mga salita. Ang isa pang maling ginawa ni Criselle ay yung lumaban sakin. Hinampas nya ako sa pisngi nung binato kong high heels. Result – sinugod sya ng mga kaibigan ko.

Hindi kinaya nung lalaking emcee na paghiwalayin kaming lima kung kaya may mga sumampa na sa stage para kami pag-hiwalayin. Isa dun si Alexander na todo ang pagprotekta sa punyeta.

Before all these things happen, kasama namin sya kanina – sweaty, nervous, di mapakali. Tinanong namin kung anong problema. He said he will finally say it. And by ‘it’ I mean, he will finally admit his feelings for Natalie. But fvck Criselle. Really, fvck Criselle. Hindi ko alam kung alin sa dalawa – but it could have been nasabi nya ng mahal nya si Natalie before Criselle dropped it or Criselle dropped it before Alexander say anything. Alin man sa dalawa e masakit.

Masakit ding masaksihan yang pagiging protective nya kay Criselle when that b!tch doesn’t deserve so.

“Alexander bakit ganyan ka na lang kung mag-alala kay Criselle?” ang mataray kong tanong. “Si Natalie, asan na sya?”

“Wala na akong pakialam sa bakla nyong kaibigan!” ang sigaw nya, ramdam mo sa tono nya ang pagka-disgust. “Ang gagaling nyo! Nagawa nyong itago sakin…samin ang totoong pagkatao ng kaibigan nyong yan!”

I don’t know how he arrived at that conclusion! What? Did he really think kinonsente namin si Natalie na umaktong babae!? E kami nga na roommates nya, napagtaguan nya e. That just pissed me off. And it looks like di lang ako; because without warning, sinuntok ni Emily si Alexander.

“T@ngina mo pala e! Sa halip na suportahan mo si Natalie, intindihin, maki-simpatya, yung taong nagpahamak pa tuloy sa kanya yang kinakampihan mo!” Galit na galit na dinuduro ni Emily si Alexander. “Akala ko pa naman matalino ka! Na iba ka sa mga lalaki! Pero sh!t ka!”

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now