Chapter 41 na gagsti!

15.8K 906 177
                                    

Alexander's POV

“Maniwala ka sakin Xander. Natalie is not what you think she is!” Ito yung pinagpipilitan sakin ni Criselle nung gabing makita namin sya ni Natalie. Hindi ko maisip kung bakit ganito na lang sya ka-obsessed kay Natalie; mas obsessed pa kesa sakin. Kung di lang sya cheerleader, iisipin ko sya ang tibo at hindi si Natalie na syang pinagpipilitan nya. At sa tingin nya kaya hindi pa pumasok sa isip ko na baka tibo nga si Natalie? Naisip ko na yan. Yet hindi ako yung aabot sa punto na maghahalungkat ng gamit ng may gamit nang walang permiso.

Ikwinento nya rin saken, para maniwala talaga ako, na pumasok raw si Natalie sa school na to dahil sa kanya. Kung titignan, parang napaka-conceited ng dating. Sure, wala sa mukha ni Natalie yung nag-aaral ng matino pero anong klaseng tao naman kaya ang papasok nang dahil lang sa kanya?

“Criselle, hindi ko alam kung bakit ganyan ka kainteresado sa buhay ni Natalie. Alam mong may mas mahalaga pang bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin.” Ang sabi ko sa kanya, nagbabakasakaling maliwanagan na yang ginagawa nya ay isang waste of time.

“I know, I know. But Alexander, I’m doing this because of you. I can go as far as violating someone’s privacy just to let you know your love interest is not what she used to be. At hindi ako titigil hanggang sa marealize mo na hindi mo sya gusto.” So alam nyang interesado ako kay Natalie. And despite that, eto ang ginagawa nya.

“Walang nagbigay sayo ng responsibilidad na gawin yan. Hindi ako. Hindi si Natalie.”

“Yea, because it’s my own initiation Alexander. And soon, you will thank me for that. In fact, hindi pa ako tapos. Nagsisimula pa lang.”

“Ano bang makukuha mo dyan sa pinaggagawa mo Criselle? Sabihin mo nga?”

“Happiness! I’ll be happy seeing Natalie miserable. Gusto ko syang ipahiya sa lahat ng tao.” Hindi nya na alam kung ano ang tama at mali. Bulag na sya.

“Criselle, sa pagkakaalam ko, hindi ka ganyan. What gives?”

“It’s all because of Natalie. I hate her. And I hate her even more pag magkasama kayo. Alam nyang ikaw ang gusto ko kaya nung binasted ko sya, dahil hindi nga ako pumapatol sa tibo, she kind of made a revenge by using you. She’s just using you Alexander. Call me creep but I always observe Natalie cursing you which is hindi tama. Would you really settle for a girl like that? Sa pagkakaalam ko, hindi ikaw yung tipong gustong minumura. What gives?”

Medyo napaisip ako sa mga narinig ko kay Criselle. May mga times nga na parang ginagamit lang ako ni Natalie, yung parang trip-trip lang sa kanya ang lahat whereas ang seryo-seryoso ko sa kanya. Yet why I feel happy with her? Oo, hindi ko nga gustong minumura ako. Pinapadugo ko talaga ang nguso. Pero itong si Natalie lang talaga ang malakas ang loob na gawin ang bagay na yun.  Hindi dahil babae sya kung kaya hindi ko sya pinapatulan, it’s just that, balewala sakin yung mga mura nya. Wala syang meaning sakin. Para lang syang simpleng expression.

“Ano Alexander? What gives? Hindi mo masagot? Kasi-“

“I love Natalie. Because I love her. That’s what gives.” Ang matipid kong sagot, hindi na kailangang bigyan pa ng eksplanasyon.

Lumapit sakin si Criselle, nangingilid na ang mga luha. “But I loved you first Alexander.”

“And I love her so.” At umiyak na nga sya. Hindi ko sya gustong saktan. Sinabi ko lang ang totoo na si Natalie ang gusto ko, hindi sya. Tinulak nya ako sabay punas ng mata.

“Well, good luck if she loves you back.” At tuluyan ng umalis. Bumalik na rin ako sa kwarto ko matapos nun, thinking na madali lang akong makakatulog. But no. Nasiraan ako ng loob. Sana hindi na lang sinabi yun ni Criselle. Sana di ko na lang narinig yung last nyang statement. Pati tuloy ako nagdo-doubt kung minahal rin ba ako ni Natalie. Alam kong parati ko syang binibigyan ng mga test pero yun ay sa kadahilanang gusto kong makasigurado na sya na nga; sya na nga yung babae na gusto kong makasama, yung pagbibigyan ko ng oras, yung paliligayahin ko. Alam ko ring masyadong maaga pa para sabihin to pero si Natalie yung ini-imagine kong magiging asawa ko.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now