Chapter 16 na Gagsti!

27K 993 75
                                    

Nataniel + Alexander = Natalex topless pic

“Natalie!?” tawag ni Emily sakin, kumakatok sa pinto ng banyo. “Matagal ka pa ba dyan!?”

“Sandali na lang to!” sagot ko after I figured out (finally) kung pano mag-rolyo ng packaging tape. Yes, bibinyagan ko na ang packaging tape na dala ni ate. But only for tonight. After I feel satisfied sa gawa ko, saka ko binaba ang black na long gown na itinupi ko pataas hanggang tyan. Hinagod ko muna ito ng kamay pababa, looked myself at the mirror bago ako tuluyang lumabas ng banyo.

“O yan, tapos na ako!” tinapik ko balikat ni Emily at maingat na naglakad papunta kina Loraine na kasalukuyang inaayusan si Alyanna.

Ngayong gabi na gaganapin ang Talentadong Pacific at kami ngayon ng mga kaibigan ko ay narito sa kwarto, doing a last-minute retouch bago tuluyang bumaba sa gym.

“Ang kapal naman ata masyado Loraine.” Reklamo ni Alyanna sa make-up nya sa mukha. “Para na akong payaso.” Dagdag pa nya habang dismayang-dismaya sa hitsura nya mula sa salamin.

“Hindi a!? Maganda ka nga e.” sagot ko naman, pumunta sa harapan upang mangusisa.                                

“Kailangan talaga heavy ang make-up kasi gabi.” Paliwanag pa ni Loraine habang inaayusan naman ngayon ang sarili.

Tapos na ako ayusan ni Dimples kanina; medyo nangangati na nga tenga ko sa dangling nyang pinahiram pero ayos lang. Titiisin basta para sa P5,000. Mukhang pera e, no!? Well hindi lang naman pera ang magiging token namin dito kundi experience. Especially to me. Gustong-gusto ko talaga kasi magka-banda. And besides, who would not want to see some girl swag after the swag princesses themselves– School Gyrls!? Please, hindi ako nanunuod nun. Crush ko lang yung kamukha ni Christina Aguilera dun.

“Okay girls! Come here muna!” tawag ni Dimples mula sa may kitchen aisle, may prineprepare na limang tasa. “Asan si Emily!?” ang tanong pa nya nang kaming apat ay nasa loob na. Sakto namang lumabas ng banyo yung babae.

“Andito!” taas nya ng kamay. “Nga pala Nat may packaging tape dun. Sayo ba yun?”

Nanlaki mata ko. How can I forget that packing tape!? Parang natataranta, bumalik akong banyo’t kinuha ang pang-rolyo, sinilid sa bag at bumalik sa mga kasama. Tinitignan nila ako as if naghihintay ng explanation. And so I made up one.

“Wala kasi akong strapless bra kaya yung packaging tape na lang pinangtapal ko sa nipples ko.” Ang alibay ko sabay kurap ng maraming beses.

“E di sana humiram ka sakin!?” ani pa ni Alyanna, tila nakalimutan ang malaking agwat sa size ng dibdib namin.

“Alyanna, bundok yang sayo.” Paalala ko. “Sakin - kapatagan.”

“May point si Nat dun.” Komento naman ni Dimples sabay balik sa kanyang tea party. “Okay girls, listen, I don’t know kung alam nyo to! Pero do you know the alternative for salabat!?” Ano kaya yun!? ‘I don’t know’ tas ‘do you know!?’

Lahat kami’y umiling.

“As expected.” Ang sabi nya, pangisi-ngisi pa as if namang dahil lang dyan mas tatalino na sya kaysa sakin. Haha! Ayaw ring magpatalo ni ako, e no? Maya-maya pa’y may inilalabas syang lemon at honey syrup mula sa fridge. “I’ve seen this sa movie ni Mariah na Glitter. Nagdemand sya na dalhan sya ng mainit na tubig, lemon tas honey. Ito yung ininom nya bago yung concert nya or something. And you know what, she easily hit her whistle register!?”

“Hindi naman tayo magwhi-whistle dun Dimples e.” ani Emily.

“The more we should take it then!” Ani nya habang hinahalo na ang mixture ng pinag-gagagawa nya sa mga tasa. Somehow, naiimagine ko sa kanya si Anne Hathaway dun sa movie na Alice in Wonderland, magandang bruha. Kinuha namin ang mga tasa’t humigop. And in fairness, masarap sya.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now