Chapter 40 na Gagsti

18.8K 931 178
                                    

“Grabe ate, hirap ng status ko ngayon!” type ko sabay enter. Nakikipagchat ako sa kanya habang naghihintay ng prof dito sa corridor (kung san may wifi). Kwinekwento ko yung tungkol sa pagtatanong ni Criselle sakin nung nakaraan; kung 'nakatayo raw ba ako umihi'. Sa totoo lang, gusto ko na yung kalimutan e. Lalo na yung palusot ko tungkol dun. Pero gagsti dre, pano? E kung maya't maya may makakasalubong kang may hawak ng gatorade tas maya-maya magfla-flashback yung sinagot ko na, “Nagtapon lang ng gatorade sa kubeta, umihi na? Haha! Ang saya mo naman!?” Napabuntong hininga tuloy ako habang binabasa ang kaka-appear na reply.

“IKR. Di ka pwedeng magpakalalaki masyado dahil alam nila girl ka. Ngayon, di ka pwedeng magpakababae masyado kasi si Criselle, magdududa.”

Tama si ate. Di ako pwede sa dalawang extremes. Kailangan nasa gitna. Kailangan nakalimita. Kailangan maging normal...kahit na alam kong di ito normal. Parang etong nararamdaman ko lang sa hoodlum na yun. Dati, normal lang sakin yung akbayan nya ako – tropa-tropa ba. Pero nung inakbayan nya ako matapos naming manalo sa CS, di na simpleng akbay ang naramdaman ko. Biglang bumilis pintig ng puso ko. Fucha dre, kinilig ako. Sabayan pa ng pag-anyaya nya na kung may time pa e mag-one on one daw kami sa basketball. Gagsti dre, ako na ba ang bagong Rapunzel!?

But much as I want to, tumanggi ako nun. Ano? O-oo ako gayong alam kong nakamasid ang iguana? Mainit na nga ako sa mata ng babaeng yan, mas uminit pa gawa ng senaryo sa kubeta. Balak kong magdisguise bilang taong Tabon para di nya ako marecognize pero labo mangyare. Balak akong gawing Miss Congeniality ng college ko, ibandera tong karakas ko, may pimples man o wala. Well, hindi naman siguro totoo yung haka-haka no, na kapag inlove tinitigyawat?

Probably wondering bakit ang tagal kong magreply, tinanong ako ni ate.

“Pagod ka na ba Nat?” Siguro tungkol sa pagpapanggap ang ibig nyang sabihin. Di ko alam kung anong reaksyon ang ilalapat ko dun pero to be honest, oo, napapagod na. Dre, di ko na kaya kailangang i-push to! My mission to get Criselle's love has failed. But you know what makes me continue anyway? Yung mga friends ko. And of course, si bakulaw. Without them, I will remain to be the same Nataniel. But since I have them, I was change. Kumbaga sa coke, na-upgrade ako into cokefloat. 

 “Kaya ko pa naman te!” pagta-type ko, binabasa ng tahimik ang nilagay sa chatbox at tinatanong ang sarili, 'Totoo? Kaya mo pa?' And at that time, nakita ko si Alexander on the way; and by then, I know my answer. In-end ko na ang chatting session namin ni ate, naunang pumasok sa loob at naupo. Inaabangan ko ang pagpasok nya. At nang makapasok,tumabi ng upo sa kanan. Binati nya ako.

 “Hi! La pa si ma'am?”

“Nakikita mo ba?” pambungad-panimula ko,may kasama pang libot ng mata sa kwarto, sa sahig, sa kisame, sa pahina ng libro sa armchair ko. “Wala pa ata sya.”

Nilisikan nya ako ng mata, patango-tango pa't parang sinasabing, 'Tinatabla mo 'ko ha?'

Ilang sandali lang, dumating na rin ang hinahanap nya, may dalang bayong na malaki (ge, body bag pa more!), naglabas ng abanikong malaki sabay hingi ng patawad na malaki.

“Pasensya na class ha? Unang beses kong na-late gawa ng kagagawa ng placards.” Magtatanong pa lang ako kung anong placards pinagsasabi nya, yun palang para sa pagwewelga. Naglabas sya ng isa.

“FILIPINO WAG TANGGALIN, MGA UNGAS PATALSIKIN!” Ano kaya, makita ko si ma'am hawak to tas naka-megaphone? Haha! Ang bangis! Pero dre, on the serious note, may karapatan silang umapila, umalma at maglabas ng saloobin tungkol sa k to 12 na yan. Pero ang talaga namang nagstand-out sakin sa lahat ng placards ay yung hango sa qoutation ni Rizal.

'KUNG DI KA MARUNONG MAGMAHAL SA SARILING WIKA, MASAHOL KA SA MALANSANG ISDA'

 And I was like, 'Aray. Sampal yun sa mga taong ganun.' Masugid akong nakikinig sa adhikain ni guro nang kalabitin na lang ako ni Alexander. Distraction talaga. Buti na lang...good(-looking) distraction.

GAGSTI! - (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora