Chapter 18 na Gagsti!

28K 1K 58
                                    

Start na naman ng panibagong week. And the night before that, these girls went clubbing. Naiwan ako mag-isa sa kwarto gawa ng may injury nga ako sa paa’t isama mo na rin yang task sakin ni Maria Fe na paggawa ng slide show. And oh, not to mention, yung dinedemand ni Alexander na chapter 3 para sa related lit. ng topic namin sa pananaliksik. Pakiramdam ko binagsak lahat ng mga gawain sakin nung weekend na yun. Ni yung P1,000 share ko nga sa napanalunan, di ko ramdam. Pinangbayad ko kagad sa postpaid ng broadband.

Yaman din lamang at tulog mantika pa ang mga to (must be hangover) habang ako nama’y inatake ng insomnia, napag-isipan kong gumawa ng breakfast naming lima. It’s 4:30 am ayon sa PPG wall clock ni Dimples and so I got up from bed and into the kitchenette. Malapit na maghilom ang cuts sa paa ko kaya di na rin ako tulad nang una na parang may nalunok na pagong at pagkakupadkupad kung maglakad. At kung may isa sigurong magandang naidulot ang pagkakasugat ng paa ko, iyon ang pag-iwas sa pagsusuot ng high heels. Converse mode muna ako. Yes!

Nang napadpad na ‘ko sa kusina, binuksan ko ang fridge nang nakayuko, inuusisa kung anong pwedeng ipanglamang tyan. Or rather, kung may maipanglalamang-tyan pa ba. May limang pirasong itlog pa akong nakikita at ito yung nilabas ko. I plan on making a corned tuna omelet kaya nilabas ko na rin ang natitirang corned tuna na nakita ko. And now that everything is prepared, I need to put my chef hat.

Kumuha ako ng tinidor at sinimulang biyakin ang itlog. Nakigaya lang ako kay ate. Sya kasi pagnagbre-break nito gumagamit talaga ng tinidor. Inabutan ko nga one time ng kutsilyo, tinidor pa rin ang dine-demand. Ito raw yung na-associate nyang gamitin e. And so am I. Pero unlike her, I found breaking an egg a struggle. Sa limang itlog kasi na nabasag ko, walang naging perfect. Pastilan. But whatever, I still made it. At buti na lang itong corned tuna na natira ay nasa easy open can. Dati kasi nung nagbukas ako ng Century  gamit ng kutsilyo, tumilapon yung sabaw nito sa mukha ko. Flakes in oil pa man din yun! But that was the time I did not know there exists such a word as “can opener”.

Pagkatapos kong  magchef-chef-an kuno sa kusina, diretso ligo na ako sa banyo. Since ang dress specialist ko ay mala-sleeping beauty pa, malaya akong makakapamili ng maisusuot. And I choose to wear what I wore on the first day. An oversized football sweatshirt.

Nasa kalagitnaan na ako nang pagsusuot ng medyas nang maalimpungatan si Alyanna. Bumangon ito’t ginusot-gusot ang mata.

“Good morning!” bati ko sabay suot naman ng katernong medyas sa isang paa.

“Good Morning din!” bati nya sabay iwi ng mukha’t hinawakan ang ulo.

“Uminom ba kayo kagabi?” usisa ko, may simtomas kasi sya ng pagka-hangover. I should know. Umiinom din ako e.

“Unang beses ko Nat.” pag-amin nya aktong tatayo na ng kama. “Yun rin yung unang beses na para akong nakawala! Basta ang naaalala ko lang nun, masyado akong maligalig, para akong praning! At ngayon naman masakit ang ulo ko.”

“Normal lang yan, girl.” Pagpapalubag ko sa kanya. “Ang mahalaga nag-enjoy ka.” Noon di’y sunod na bumangon si Emily at yung aroma kagad ng pagkain ang kanyang naamoy.

“Ang sarap ng amoy! Kagutom!”

“Good morning din Emily!” bati ko sa babaeng kamot-kamot ang pwet papunta sa kusina. Nang tuluyan ng makapasok,

“Nagluto ka!?” ang tanong nyang ubod ng pagkamangha.

“I tried!?” reply ko sabay tayo para isuot ang sweatshirt.

“I see. Kaya pala parang mas madami pa akong natikmang egg shell kaysa sa mismong itlog.”

“Hindi ako marunong magbiyak e. Sensya naman!?” sagot ko sa kanya, ngayo’y nasa tapat na ng salaminan, ineeksamin ang sarili.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now