Chapter 3 na Gagsti!

33.9K 1K 82
                                    

Matapos akong makipagsalaparan kanina sa Pacific Academy, umuwi ako samin upang masaksihan lang na naka-lock ang gate ng bahay. Si ate naman e! Sabi ko hintayin ako! Paulit-ulit ko tong dinorbell at nagwelga. Aakyat pa sana ako sa poste nang sitahin ako ng katapat na kapitbahay.

“Nataniel umalis na kapatid mo!” sigaw nya habang sinesenyasan akong lumapit. Lumapit ako sa kanya.

“Nataniel umalis na kapatid mo!” ulit nya. Hindi ko ba narinig?

“Kasasabi nyo lang ho nyan.” ani ko. “E wala ho ba syang iniwang susi sa inyo?” tanong ko.

“Susi wala. Bagahe meron. Sandali kukunin ko.” Winalk-outan ako ni Manang at pumasok ng bahay. Tiningala ko mula sa kanilang barung-barong ang aming bahay. Nakapatay ang mga ilaw, nakasarado mga bintana. Sh!t. Sarado nga talaga ang bahay. Sinubukan ko syang tawagan pero di ko na ma-contact. Siguro nasa loob na sya ng plane. Kaya pala kanina, masama ang kutob ko sa ngiti nya. Alam nyang magdo-dorm ako kaya isasara nya ang bahay. Security-freak talaga si ate. Sana lang lahat ng mga gamit ko naandito na sa inimpake nya.

“O eto na.” hinila nya ang bagahe at aktong ilalabas pa ang isa nang akuin ko na ang responsibilidad. “Wag kang lalabas dun ng mag-isa kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. O sige na, paalam.” Malalaman mong concern na concern sya sa tono pa lang ng kanyang pananalita pero…pinagsasabi nito? Wag daw lalabas, ikamamatay ko raw?

“A, e manang ano po yang pinagsasasabi nyo?” tanong ko. Hindi ko talaga alam san nagmula yun.

“E diba, pupunta ka raw Tawi-Tawi sabi ng kapatid mo?” paninigurado nya habang ako nama’y, Tawi-Tawi? Anong gagawin ko dun!? “ Mag-ingat ka dun iho, sinasabi ko sayo. Kuta yun ng mga impakto’t maligno.” Napa-face palm ako. Hindi ko akalaing mauuto sya ni ate. Daling maniwala. Pero kahit ganyan yan napamahal na yan sakin. Aside sa mabait, sya lang ang bukod tanging tumawag sakin ng ‘iho’ simula kaninang umaga.

“Naniwala naman ho kayo?” natawa ako habang nilalagay sa balikat ang grey na Jansport at hinawakan ang handle ng suit case. “Sige ho, Manang! Alis na po ako. Salamat nga pala. GTG!”

“Okay, ingat! XOXO.” Nalingon ako sa kanya nang binanggit nya yun. Aba’y yuma-youngster din!?

Ready for occupancy na ang dorm sa academy. Nilibot ko sya kanina matapos akong makapagbayad ng tuition. Kinukulit ko nga yung nag-o-operate nun kung meron bang tsansang maging dormmate ko si Criselle kaso wala raw. Saklap dre. Kung maaga ko sana natutunang pwede pa lang ipa-reserve ang dorm di sana ginawa ko na. Pero “last minute” na nung madesisyunan kong pumasok dito. Wala ng oras. Sa maniwala man kayo sa hindi, bukas na agad ang pasok ko.

Nag-abang ako ng taxi sa kakalsadahan. Medyo nag-aagaw na ang araw at gabi sa mga oras na yun nang may huminto sa tapat ko. Lumabas ang driver at tinulungan akong ipasok ang suit case. Kailangan ko naman talaga ng tulong e. Sobrang bigat ng suit case. Sa isip ko nga, pinagkasya ni ate ang ref e. “Pre sa Pacific Academy tayo!” tapik ko sa driver ng taxi mula sa backseat nang makapasok.

“Lalaki ka?” tanong nya sa rearview mirror. Lakas naman ng loob nyang tanungin akong ganyan!? Nakakalalaki na ha!? Kung di ko lang talaga kailangang makarating ng Academy, binasag ko na mukha nitong gunggong na to. Batid kong dahil na naman siguro ito sa suot kong tali’t damit.

“Lalaki ho ako.” Ang timpi kong sagot habang tinatanggal na ang pagkakataling noon ko pa sana ginawa. 6 o’clock na ng marating ko ang eskwelahan. Unang tapak palang palabas sa taxi alam kong pagsisisihan ko na ang pagsagot ng “lalaki ho ako” at paggamit ng “pre”. Bakit kanyo? Nakalimutan kong tatahakin pa pala muna itong matarik na stairs bago makaalpa ng building. At may dala akong mabibigat.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now