Chapter 49

16.5K 845 175
                                    

Alexander's POV

Iniiwasan nya nga talaga ako. Tinotoo nya nga yung mga katagang sinambit ko na di ko pinag-isipan. Galit sya sakin; galit mga kaibigan nya, ang ate nya, pati na mama ko. At maski ako, nagagalit na rin sa sarili dahil nagkandahalo-halo na mga nararamdaman ko. Isang araw sabi ko di ko sya iisipin. Isang gabi,dun ko naman sya iniisip. Alam mo yung gusto mong mawala yung pakialam mo dun sa taong nanloko sayo pero at the same time, ayaw mo? Ang- ang hirap ipaliwanag e. At simula nung nalaman ko yung katotohanan e parati na tong nangyayari. Kung sinu-sino na nilalapitan ko para humingi ng advice, anong dapat gawin...but none of them seemed to work with Nataniel. Kahit napaka-practical o napaka-simpleng bagay, di umuubra sa kanya. At madalas, napapahiya ako.

Napahiya ako nung di nya tinanggap yung papel ko. Napahiya ako nung di nya kinailangan tulong ko. Napahiya ako nung ipinaramdam nya at patuloy na pinararamdam sakin na balewala ako.

Pero bakit ganun? Bakit may nararamdaman akong sakit? Bakit ang lakas ng impact kung yung taong nagpapasaya sayo e sya ring nananakit sayo?

Sinubukan ko yang itanong kay Willer na ilang linggo ring di ko nakausap. Heto't kakausapin ko na naman sa parehong problema. At heto't inis na naman akong sinagot.

"Ganun talaga pag mahalaga sayo! Tss. Ikaw lang naman di nagpapahalaga sa kanya e!" Hindi totoo yan. Pinahalagahan ko sya. Noon. Nagdadalawang-isip ako sa susunod kong sasabihin but nonetheless I pushed through,

"G-gusto ko sana (uling) ipakita yon,Willer. Pero di na ganon ka-obvious. Kaya lang sa tuwing ia-atttempt ko, alam mo yung tipong basted ang pakiramdam mo!?"

"E t@ngina panong di ka babasted-in, di naman pala obvious yang ginagawa mo!? Gago pala to e!? Ano, sa tingin mo isang attempt makukuha mo na loob ng tao? Mag-effort ka pa 'tol! 'Kaw may kailangan!"

"Teka lang, kakampi pa ba tayo dito o ano? Bat parati na lang akong napapagalitan!?" tanong ko, nauubos na ang pag-asang may karamay pa ako.

"Alexander di ka na bata. Isa lang naman ang objective kung bakit ka pinapagalitan o pinaparusahan. Di lang ako pati na rin ng mga taong mahahalaga sayo."

"Ano?"

"Duh? E di turuan ka ng leksyon!? Na may ma-realize ka!? So far, may narealize ka na ba? May natutunan ka naman ba?" Anong dapat kong matutunan?

"Wala sigu-"

"Kailangan ka pang pagalitan." At binabaan nya ako ng tawag.

Hindi ko sya maintindihan kung bakit ako kailangang pagalitan. Usually ang mga napapagalitan e yung may mga nagawang kasalanan. Sa pagkakaalam ko, ako ang ginawan ng kasalanan.

"Alexander, do not use that pabebe argument with me!?" ang react kagad ni President nang magawi akong office nya't kwinento ko ito. Wala namang pag-iimbot ang presidente sa pakikinig dahil siguro nga nakikita nya ang sarili sakin.

"Pabebe na ho ba yon? Tama naman ako na ang pinapagalitan lang e yung may mga ginawang mali!"

Nainis ako nang biglang nangisi itong si President pagkasabi nun. Para bang ipinapamukha nyang may mali sa sinasabi ko at naaawa syang di ko pa nage-gets kung ano yon.

"Alam mo, iho, sa batas, hindi lang yung mga gumagawa ng masama ang napaparusahan. Pati na rin yung mga walang ginawa. Let's say sa exam, nakita mo si A na nangopya kay B.Wala kang ginawa. Diba dapat may responsibilidad kang itama yon?"

"Meron nga po. Pero si A ang nakita!"insist ko.

"Si A lang ang nakita ng guro na nangopya. Si Nataniel lang ang nakitang nagkamali. Pero person, like your friend â Willer, knew ikaw rin may mali." Napakurap ako ng mata in disbelief.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now