Chapter 1 na Gagsti!

66.5K 1.4K 64
                                    

“Ate mamaya ka na lang tumawag busy pa ako sa appointment ko.” Ang sabi ko sa ate ko na wrong timing kung makatawag.  Nilagay ko ang phone sa pagitan ng balikat at tenga nang marinig ko kung ano pa mga dada nya habang binabalik ang kamay sa keyboard.

“Gagsti dre! Bantay ka! Kainis naman o!” sigaw ko sa kakampi ko.

“A, yan pala appointment mo. Counter Strike!” sita ni ate nang narinig nya to sa background.

“Oh sh!t! Wala! Na-kill na ako!” napatayo ako sa sobrang inis. Pustahan pa man din. Binalikan ko ate ko at sa kanya ko binuhos ang aking galit.

“Ate naman e! Wala na akong pera! Thank you ha!?” sabi kong ganyan habang labag sa kaloobang kinukuha ang pitaka sa bulsa’t binigay ang pera sa kalaban.

“So naninisi ka!? Ha!?” pagtataray ni ate. “Kanina pa kaya ako tumatawag sayo! Bumalik ka na dito’t walang magbabantay sa bahay. Lalakarin ko na yung passport natin.”

Yamot sa aking narinig, kinamot ko ulo ko’t sinipa ang monoblock na nasa unahan. Ayokong pumunta sa Amerika! Bakit ba di nila yun maintindihan!? Kontento na ako sa buhay ko dito – gigising ng tanghali, kakain, labas ng bahay, laro sa comp shop, tambay sa mga tropa, uwing bahay, tulog, kain, tulog, repeat the process. Pagnandun ako – hindi ko na magagawa itong mga simpleng kasiyahan sa buhay. Pagagawin nila ako ng mga gawaing bahay, papasok sa eskwela (gawd!), not to mention, pagsasalitain nang pagsasalitain ng ingles (kahit sa loob ng bahay). Kung magkagano’y baka mapakanta ako ng “Napakasakit Kuya Eddie…” Ah, basta. Hindi ako papayag.

“Pupunta kang DFA? Ay, sinasabi ko sayo ate Natalie, masama ang kutob ko sa araw na to. Wag ka ng pumunta.” Pananakot ko sa kanya habang palabas na ng shop. Ngunit sinenyasan ako ni Royette na bumalik, may mga chicks daw sa tv. Ako naman, dahil chicks na ang pinag-usapan, ay agad-agad sumunod, tumabi ng upo at tumingala sa naggagandahan at nagkukulangan sa telang mga cheerleaders.

“Nat ilang beses mo na akong dinidissuade sa maraming bagay na kesyo uulan ng apoy, nagkapakpak ang mga baboy, at ang pinakamalala mong ginawa sa akin at nauto mo ko big time ay ang sabihing nasa Pilipinas ang One Direction. Pero not this time. Diretso uwi ka ng bahay. Walang bantay dito baka tayo manakawan.” Litanya ni ate.

“O sige na, sige na! Uuwi na! Bye!” binalik ko ang aking phone sa bulsa’t katulad ng mga tropa ko’y alertong alertong nanood.

“Pre swerte ng mga lalaking yan o. Sagana sa chansing.” Ani Royette, hinihimas ang baba, naiinggit. Baba na chin ha? Hindi yung baba na junior. Pero parang mamaya-maya pa’y pababa na rin dun ang kanyang kamay lalo na nung lumabas na ang sumunod na cheerleaders – mga nakapula’t may ribbon na panali.

“Sana cute sila sa malapitan.” Sambit ko, habang ako man ay parang di na rin mapakali. At parang narinig ng camera man, clinose up ang kuha sa kanila at napatotohanan ang aking hiling. Ang cute NYA!

“Gagsti pre sya na ang pinakacute na chicks na nakita ko! Mahal ko na sya!” tumayo ako’t lumapit pa sa screen, nakanganga. Nang biglang may umeksena,

“Nathaniel kasasabi mo lang nyan sakin ha!? Bakit ako may kahati?” tanong ni Perla, nagiging possessive na naman ang ungta.

“Bakit chicks ka ba?” basag trip ni Royette. Binato sya ng ballpen. Si Perla, totoong pangalan – Perlito, ang tanod, este, ang bantay sa computer shop na ‘to. Baliw na baliw sakin kaya parati akong nandito e – di na kasi ako pinagbabayad.

“Perla, wag ka makinig kay Royette. Ikaw ang pinakacute na pony, este, chicks na nakita ng mata ko.” Sabi ko. “Bago dito kay Criselle De Mesa.” Dagdag ko habang tinatandaan ng mabuti ang pangalan nya sa banner bago ito mawala.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now