Chapter 26 na Gagsti!

26.7K 953 60
                                    

Sa sobrang “ganda” ng play namin kanina, heto, nagpa-after party si kuyang gumanap na Damian sa isang club na pagmamay-ari nila. Para daw to sa success ng play yet kahit ano pang sabihin nila di ko magawang mag-enjoy. Aside sa hindi ako sinamahan ng mga kaibigan ko (na mas inuna pa talaga yung tinatahi nilang mga kaek-ekan), naiinis din ako kay Alexander. Gusto kong pektusan at konyat-konyatan ang gagong yun tungkol sa huli nyang sinabi. Akala nya ata di nagpantig tenga ko sa binulalaslas nya. “Mahal kita Natalie” instead na “Aliyah”. Though naka-bow na kami sa audience nun nung marealize yun completely but whatever. Pissed off pa rin ako sa kanya. Kaya nga kahit gusto kong magparty-party, naupo na lang ako dun sa lugar ng bartender, galit na galit at mabilis na hinahalo ang  drinks ko until nagparamdam na naman ang ubod sa samang espiritu ni Alexander.

 “Forevah-evah-evah…forevah-evah-evah!!!” Yan ang kinakanta ng wala sa hulog na sumasayaw na Alexander. Paulit-ulit pa kamo kasi di nya alam ang lyrics. Actually, nag-doubt pa nga ako kung sya nga ba ang nag-iiskandalong gunggong kasi parang di naman sya ganun. Pero sya nga talaga. Mukha na ngang gagsti e! May hawak na Tanduay ice tas sayaw lang ng sayaw. Kala naman nya ikinagagalak ko yung makita.

If I think wala pa atang isang bote natotoma nya, lasing na sya. See, the weakness? Malalaman mo naman kagad yun e.  Ano ba si Alexander pag di lasing? Diba, mukhang kagalang-galang at karespe-respeto!? E nang makatikim ng alcohol? Anyare!? Hayun! Pakiramdam ko rin, di ito sanay uminom ng alak e! At di rin sanay sumayaw. Sobrang barok ang mga dance moves. Trying hard. K-pop wannabe. And so on.

 Sa mga sandaling nakaupo ako’t pinagmamasdan ang nakakahindik na pagsasayaw ng bakulaw, dalawang tanong ang nabuo sa aking balintataw. Una, bakit kaya to naglalasing ng ganito ka-hard? Ikalawa, ilalabas ko na ba cellphone ko’t magpapaka-youtubescooper?

Ilalabas ko na nga sana ang cellphone ko nang sa di ko inaasahang pangyayari, natapunan ako ng iniinom ko. Hindi, hindi matatapon ng mag-isa ang hawak ko kung hindi ako gumalaw. At hindi naman ako gagalaw kung marunong magpaalam itong si Allen na tatabi sya sakin. Na tsaka lang nagpaalam na nandyan sya nung natapon na. Panggagago yun, hindi ba?

“Oopps. Sorry!”sabi nya. Take note, nakangiti pa.

Niliitan ko ang buka ng mata ko’t matulis na tumingin sa kanya. Gusto ko syang murahin kaso di ko tinuloy. No. Hindi dahil kinurot ng konsensya ang puso ko, kundi masyado lang malakas ang tugtog at alam kong masasayang lang ang laway ko para sa mga bagay na ganyan.

Pinunasan ko yung parting natapunan, yung tipong sukdulan ang galit as if namang akin talaga tong suot ko. Sa pagkakatanda ko, ang sabi ni Ella sa kapatid daw to ni Allen. Well, pasensya naman sya diba? E pumunta kami dito sa bar fresh from the play e. Inakala nga ng ibang customers dito – Disney themed tong gabing to. Even Allen noticed.

“Di na talaga kayo nagpalit a!? Diretso clubbing na kagad!” E ang dating sakin ng sinabi nya’y parang inip na inip ng kunin tong suot ko. Tas pasigaw pa. Gumanti ako.

“Wag kang mainipin dyan! Ibabalik ko rin to sayo! Masyado to!?” apila ko sabay balik ng tingin ko sa muntangang bakulaw.

“Ha!? E di ko naman kinukuha kagad sayo e!?” Magdadahilan pa!?

“Naku utot mo! Wag mo kong pinaglololoko!” ang sabi ko. Pagkaraan ng ilang segundo, unti-unti ng humihina ang ingay. Sa isip-isip ko nun, hay! Salamat! Binigyan nyo ng kapayapaan kahit karamput ang aking eardrums! Pero kay Alexander, hindi. Tila kinais nya ang pagkawala ng music. Nagwala ba naman at kung sino-sinong estranghero na lang ang inuutusan na ibalik ang tugtog. At nang maibalik na nga ang tugtog hayun! Bumalik na naman sa ginagawa nyang mga paggalaw na hindi ko siguro mako-consider as dancing.

Nung una, sige oo, nag-e-enjoy akong panuorin sya. All because nakakahiya sya. Alam ko kasing pagnalaman nya kung ano pinaggagagawa nya the next morning, for sure, pagsisisihan nyang isinilang sya sa mundong ito. Mga dalawang oras na rin ang nakakalipas, unti-unti ng nagsisiuwian ang mga ka-cast ko; maging si Allen nauna ng umuwi kasi “something came up” daw.

GAGSTI! - (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن