Chapter 22 na gagsti!

25.5K 961 36
                                    

Pagkatapos ng klase ko sa araw na to, pumunta kagad ako ng auditorium gaya ng naipangako ko kay Anne. Way ko na rin nang makalimutan ko muna ang scenario namin ni Alexander kanina. Yung nangyari kanina? Isa lang yun sa kung bakit kinaiinisan ko yung damuhong na yun! Sobrang unpredictable! Like sinong mag-aakalang gagawin nya yun sa akin? Sa simpleng akusa lang na “mananamantala” sya, magkakalapit ang mukha namin ng ganun? DI ganun men! Kailangan ko na sigurong i-filter ang mga lalabas sa bibig ko. Pag si Alexander ang kaharap. And this does not suggest na kailangan i-filter ko na rin pati yung mga gusto kong sabihin sa kanya na nasa utak ko lang o di kaya pag wala sya. Like for example, mukha syang tanga! Mga ganun ba!? That’s my right! The right to piss him.

Hindi ko alam kung Divisoria nab a napasukan ko o Binondo sa sobrang ingay. Basta! To my surprise, tinawag ni Anne ang pangalan ko mula sa stage.

“Natalie!!”May pakaway-kaway pa sya nun. Nakakamangha naman ako. Biruin mo sa dami ng tao, madali akong nakita ni Anne. Ganun ako kaprominente. Kinawayan ko naman sya (baka sabihin snob ako! Hehe!) at naupo. Bumaba si Anne sa stage malapitan lang ako dito sa third row mula sa front seats. Medyo marami na rin ang mga auditionee kung kaya nakaka-overwhelm namang babain ako ng isa na sa mga casts. Baka sabihin nila may backer na ako!

“Hi Anne! O ayan ha!? Di kita inindian!” bungad ko sa kanya. “Sorry nga pala kung quarter to five na ako nakarating ha!?”

“Naku! Okay lang yun! You will be surprised later!” ika pa nya sabay abot sakin ng brochure kung saan naroon ang skeleton ng gagawing dula-dulaan – yung cast of characters, plot, summary, director, whatever. Naalala kong sabi ni Ella, two weeks by now gaganapin ang play. If this play is what she’s talking about then, hmm, kaya siguro ng schedule ko. Binase naman ang play sa short story e. At mas nauna ng gawin ang props. Na-fill-up na rin ang ilan sa mga major casts so bali ang mga hinahanap na lang ay yung mga supporting at minors. Plus ang balita, yung bidang babae daw dito ay na-dengue at na-admit sa ospital kung kaya kailangan nila ng kahalili. Yun lang naman ang mga mumunting dahilan kung bakit may assembly dito.

Tumabi si Anne saking kaliwa, naka-lean sya’t may itinuturo sa brochure.

“Nat ito ang i-audition mo! Si Cassiopoeia! Para maging sisters tayo sa play!”

“Uhm, gusto ko sana yung small role lang, yung konti lang ang imememorize.” Ani ko sabay turo ng brochure pababa. “Ito! Pwede akong maging ‘The Talking Tree’! And that must be my costume over there!” ang turo ko sa puno sa may stage, the same puno na ginagawa ng mga art club members nung napadpad ako dito last time.

Bago makapagreact si Anne tungkol sa choice of role ko, hinahanap na sya ng kasamahan nya sa stage, parating na raw ang director atsaka yung writer ng story na paghahanguan ng play. They always give me the impression na lahat ng mga activities dito sa Academy ay napaka-big deal. All the time. At ikaw naman dahil big deal di mapigilang makaramdam din ng pressure.

Ilang sandali pa’y nakita ko ng naglalakad si Mrs. Villareal galing sa kaliwa. And I thought ang role nya lang dito’y mangrecruit! Yun pala sya na mismo ang director! Buti na lang hindi ko sya binigyan ng attitude nun kundi malilintikan ako. While she’s struggling na maiurong ang chair nya sa table dun sa unahan, came Alexander being himself. And I was like, “Dafaq he’s doing here!?” Wag nyang sabihing sya ang unang mag-a-audition!?

At natawa ako sa aking upuan. Oh my god! Ano kayang gagawin nya? Well whatever it is, it must be worst! Haha! Hindi sya magaling umarte sa pagkakaalam ko. But boy I stopped laughing nang makita kong tinabihan ni Alexander si Mrs. Villareal dun sa unahan. Yea. Medyo naglo-load pa ang utak ko nun kung kaya hindi ko kagad naisip na tumabi si Alexander kay Ma’am Villareal dahil sya ang writer.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now