Chapter 34.2

21.5K 999 42
                                    

Pusang galgasan. Wala na. It happened. Mabuti na lang naisara ko ang bibig ko kung hindi, makakakain ako ng puke nya! He dared puke on the face! My god!

Ewan ko ha, pero somehow, bigla na lang nag-iba persona ko. Yung parang sa Rhodora X? Lumabas bigla ang Roxanne sa aking pagkatao dahilan upang wrestlingin tong lalaki sa ibabaw ko. Since hindi pa nawawala ang kanyang pagkahilo, I TUK the opportunity at bumangon. Dun ko isinagawa ang aking K. O move - ang pag-lock sa kanyang leeg gamit ng aking bisig.

"Katapusan mo ng kupal ka!" sambulat ko sabay halakhak nang malademonyo. Akala siguro ng mga babaeng to nagjo-joke lang ako, na publicity stunt lang tong ginagawa ko. ANo ba naman yung patuloy na pagkuha nila ng video habang talanding nang-aasar ng, "Ang cute ng dalawang to o!" E gagsti, totoo na kaya itu!? And Alexander knew it.

"Nat...Nat! Sorry na! Di ko na uulitin!"ang pagsusumamo ng aking kaawa-awang biktima.

"Talagang di mo na mauulit dahil yayao ka na ng di oras!" At ini-squueze ko pa sa leeg na para bagang anaconda. At sa oras lang din na yun narealize ng mga gaga na seryoso nga ako. Na hindi na to stunt.

"Okay Nat, you can stop. Hindi na yan cute." sabi nya. "Feeling ko di na makahinga yan." pag-aalala ni Dimples. Isunod ko na kaya?

"As long as hindi ko pa navavalidate yang claim mo, chill pwede?"

"Girls?" Nagpalitan ng tingin ang mga kasama ko na tila ba may unanimous decision na napag-usapan. Pumasok sa loob ng kusina sina Alyanna't Emily. Pagbalik, may kanya-kanya ng Glade. Yea. Mismo. Yung air freshener. They spray their way towards me and Alexander at sapilitan syang hinila palayo sakin. Sinubukan ko uling hilain si Alexander (dahil di ko pa nga natutuldukan ang buhay nya) kaso tinutukan na ako ni Dimples e. Pasalamat na nga lang ako at di yun pepper/ garlic/ chili spray.

"Ibalik nyo nga sakin yang ulupong na yan! Kikitilin ko pa buhay nyan!" alma ko. But instead of following my order, lahat ng atensyon ibinigay nila kay Alexander. Like dafaq? Ako kaya biktima dito? Ako yung nasukahan, sya yung nanuka? Nababaliw na ba sila?

"Papatayin ako ng kaibigan nyo!" ang hingal na hingal at takot na takot na sumbong ng damuho sa mga kaibigan ko. E ang mga kaibigan ko uto-uto so nakuha nang ganun kadali ang simpatya.

"Mark. Your. Word." per word may duro. "Tototohanin ko talaga ang pagkitil sayo sa oras na sukahan mo uli ang pagmumukhang ito." tap ko sa baba ko. Kinuha ko ang Glade, shinake at ini-spray-an ang sarili para mawala ang gastric intestiny smell.

"Maligo na muna kayo then we'll resume." payo ni Dimples. Ay kahit di nya sabihin yan,karapatan kong wag maging mabantot!

Nakalipas ang daangtaon, joke, syempre ilang minuto lang, balik-normal na ang kalagayan ni Alexander. ANd when I say normal, hindi mo na maaaninag sa mukha nya ang guilt at hindi nya na rin pinag-iisipan ang mga sinasabi nya. Tulad na lang ng suhestyon nyang,

"Tara Nat, sabay na tayong maligo." And I was like, kung matinong tao ka Alexander di mo ko yayayain nang ganyan. Grabe, di lang pala ako ang may Roxanne sa pagkatao. Si Alexander din pala. Kaso sa kanya kaharutan. Naglakihan ang mata ng mga babae.

"See, kung pinahintulutan nyo akong sintensyahan ang buhay nitong low-life form na to, bawas na sana mga tarantado sa ating planeta." This is a very good example of crying over a spilled milk but no, i'm not crying. And so was he. Actually, ngingiti-ngiti pa nga e.

"What you really mean is, baka mabawasan ng isang gwapo ang planetang Earth. Haha!"

"Haha!" I faked a laugh. "Marunong ka palang mag-joke? Amazing ha?" came my sarcastic reply sabay walkout patungong banyo. Pero bago ko tuluyang mai-lock ang pinto ng banyo, humirit pa sya. Pahabol ba.

GAGSTI! - (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat