Chapter 55 na Gagsti!

17.9K 639 196
                                    

Nataniel's POV


I can't believe that guy! Ako na nagpakumbaba, lumunok ng pride bareta para sa kanya, hindi ko rin pala mayayaya. Nakakainis! Pinagpalit ang imbitasyon ko sa replay ng Phineas and Ferb. Pinagsasapak ko nga yung upuan sa backseat.

"Sir, may prolema ho ba tayo?" reak ng taxi driver.

"Huh?" ang natanga kong sagot.

"Kasi sir kanina nyo pa pinagtritripan taxi ko e." Puna nya, "Una yung gulong, pinagsisipa nyo, ngayon naman yang upuan!" Napahawak tuloy ako ng bibig.

"Pasensya na ho kuya, a? E yung lalaking da't susunduin natin kanina e!?" sumbong ko sabay lugmok ng katawan sa kinauupuan.

Before I knew it, kwinekwento ko na pala sa kanya yung kanina. Di ko rin alam kung bakit e; wala naman siguro syang masamang intensyon at gusto lang nya ng may makakausap at ganun din naman ako. As I observed, he's a listener, a great observer and a quick sense of gaydar. Oo dre, mabilis nyang naamoy ang hasang ko na akala ko e sa mga bading at babae lang available.

Wala naman syang problema dun gawa ng may kapitbahay sila na kasing edad at hasang ko at "mabait" daw katulad ko. Di ko mawaring mabait ang turing nya sa lalaking naninira ng taxi pero nagpasalamat na rin ako.

Since ma-traffic at gusto kong mailayo na ang usapan kay Alexander,

"So ito pong kilala nyong kagaya ko, ano pong ginagawa nya sa buhay?"ang ala-Willie Revillame kong pagtatanong, kulang na lang ng mamigay ng jacket e.

"A, si Eleison, nagtuturo sya ng katekismo sa mga bata."

"Wow. Teacher."

"A, hindi. Estudyante pa lang sya." Pagtatama nya. "Pero sa pagtuturo sa mga bata ko sya nakilala. Tinuturuan nya kasi ang anak ko." Nakwento nya. Ako nama'y,

"A, magaling. Malaking tulong yan sa kanila."

"Malapit sa Dyos!" ika pa nya. "Para ngang magiging santo e!"

"Hehe! Di katulad ko , ganun ho ba?" panunumbok kong tanong pero pabiro.

"Oo di katulad mo." Sang-ayon pa nito. Sarap kutusan e. "Pero mas may hitsura ka naman kesa sa kanya. At base sa laki ng metro na babayaran mo, mas may kaya ka kesa sa kanya."

Ang galing din sumayd-line nito, e no? Pero meron syang paraan para iparating ang isang bagay nang hdi ka mao-offend. Kung ako magdedescribe,'dukha' kagad ang masasabi ko.

At buong akala ko, nailigaw ko na itong driver na to sa usapan. At tulad ng magaling na driver, minanubela nya ang usapan pabalik kay Alexander.

"Alam mo sa tingin ko yung lalaki kanina, mabait."

"Lahat naman po ata sa inyo, mabait e." Reak ko. Ngumiti lang sya.

"Sa tingin ko rin, may tama yun sayo." Kung ang tinutukoy nya ay yung pagbato ko sa tukmol ng unan, oo, tinamaan ko nga. Pero kung yung naiisip ko ang tinutukoy nya, gagsti! Mapagkakatiwalaan kaya ito o isa sya sa mga bulaang propeta na naghahayag ng maling propesiya?

"Kuya wag ho kayong magpaasa. E di sana, sinunod nya ako kung may tama sya!?" katwiran ko pa.

"Bakit kami ng misis ko? Hindi naman dahil sinuway, di na mahal. Hindi naman dahil nagkamali, di na mahal." And I want him to explain why he thought so pero hininto nya na ang sasakyan. Pagtingin ko sa labas, naihatid nya na ako sa destinasyon. Nakikita ko ang mga kapawa ko estudyante na nagsisidatingan - naka-pormal, naka-ayos, at higit sa ahat, may mga kasama.

Nilabas ko na ang pitaka.

"Salamat po, ha?" ani ko kay manong driver sabay abot ng bayad. Kinukuha ko talaga ang sukli sa pamasahe pero dahil napagaan nya kalooban ko in one way or another, di ko na kinuha. At siguro bilang pasasalamat, sinabihan akong 'Enjoy!' nang makalabas. And I told myself, I will. But first, kailangan kong makapasok sa loob.

GAGSTI! - (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat