Chapter 33 na Gagsti!

23.5K 1.2K 129
                                    

"O sige, next time!" Yun ang narinig kong sabi ni ALexander sa tao sa labas bago tuluyang pumasok ng kwarto. Nasa loob pa rin ako ng mabango nyang cabinet habang nilo-lock nya naman sa loob ang pinto. Napabuntong hininga sya pagkatalikod. Hindi ako pwedeng bumuntong hininga nang ganun dahil malalaman nyang nandito ako. Sya meron, kasi may rason - exhaustion. Kita sa mukha nya ang pagod sa buong araw.

I thought magpapalit na sya ng damit any minute kasi tinatanggal nya na sa pagkakabutones yung kulay black nyang polo. Yung mga dala nyang gamit, initsa lang sa kama at sabay humilata. Habang nakahilata, sunod nya namang tinanggal ang kanyang sinturon. Napaihip ako ng hangin dun while thinking, Baka mag-aano sya para marelax! Kadiri! Kailangan ko pang makita.

What I thought he will do, hindi naman nangyari. At wag nga kayo! Hindi ko yun hinihintay!

Now after a while, umupo sya ng tuwid. May dinial. Regardless kung alam nyang sya lang tao dito, niloudspeaker nya ngayon ang call.

"Hi Dimples!" bati ni Alexander habang naghuhubad ng polo. Wow, callmate. Maasar nga si Dimples mamaya.

"Hello Lex! Bakit ka napatawag?"

"Uhm, s-si Natalie ba, okay na?" Say, what!? Tama ba narinig ko? Kinakamusta ako ng unyango na to? Naglean pa ako nang mas marinig ang usapan.

"Yeah I think she's okay. Hindi sya pumasok kasi para syang na-comatose. Well, comatose na humihilik." dagdag pa nya. 'Manda talaga sakin yang babaeng yan! Last nya na talaga yan! Ang corny pero nagalak naman ang kumag Like it's the most amazing thing he ever heard.

"Ano ba talagang nangyari sa kanya?" pang-iintriga ng gaga.

"Hindi ba nya sinabi?" tanong ng lalaking sunod na hinuhubad ay pantalon.

"Sasabihin nya raw after she got some rest. Pero probably ngayon, naka-get na sya ng rest. Actually papasok na kami ng room and... asan sya?" Narinig ko sa background ang pagtawag nila sa pangalan ko na para bagang may nawawalang tuta.

"Asan na naman yan?" ang parang iritableng tanong ni Alexander. Kung alam nya lang, nasa cabinet ako.

"Ewan e! DI man lang nag-iwan ng note or text or something!" ani Dimples, naiimagine ko yung pagtaas nya ng balikat habang sinasabi yun. "Ay wait, Emily tawagan mo nga." utos nya kay Em.

"Nakahanda na ang baseball bat ko. Hanapin na natin si Natalie at lumpuhin." And that was Loraine speaking. Wala talaga syang kabuhay-buhay kung magsalita. Kaya nga mas nakakatakot e. But apart from that, ikinakatakot ko rin na pag dinial ako ni Emily, tutunog tong cellphone ko at tyak mabubuking ako. So immediately, dinukot ko sa bulsa ang phone, ininput ang password at ni-long press ang shortcut key for silent mode. Just in time, tumawag si Emily. Aksidente ko naman tong na-endcall.

"In-end call nya kagad." ang rinig ko pang reaksyon ni Em sa background.

"She's really stubborn." Alexander stated the obvious  truth. "Prinamis nya sakin na magpapaalam na sya kung hindi sakin, sa inyo and yet -" Natigilan sya sa pangangaral nang may narinig na tunog.

Wait, ako ba yung gumawa nung tunog? Umaygad.

"Uhm, girls, tawag na lang uli ako ha!? Bye." The moment he ended the call, he started heading on this direction. But thank god, lumiko sya papunta dun sa kama nya so I exclaimed,

"Whew! Muntik na k-k-k" di ko na nagawang ituloy dahil sa gulat nang makita kong nasa harapan na ng cabinet si Alexander. Andaya. Niloko nya akong sa kama sya pupunta, tactic lang pala. Feeling ko nga magkaka-seizure na ko sa takot e. No, hindi dahil naka-boxers lang ang nasa harap ko. But because may dala syang samurai. Oo dre, Samurai. Di ako pwede magkamali. Wala naman akong nakitang ganyan pagpasok kanina!? San nanggaling yan!?

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now