Chapter 52 na Gagsti!

13K 521 88
                                    


"Bwiset ka! Bwiset!" himutok ko habang nagtatanggal ng sapatos sa gilid ng pintuan. Yea, I guess you can tell I have a bad day. Hindi ako nabwibwiset dahil nagtatanggal ako ng sapatos; nabwibwiset ako kasi habang nagtatanggal nun, naglalaro sa isip ko si Alexander – yung kagaguhan nya kanina sa klase.

'He got me losing my mind' ha? ...

"Ulol!"

How can he say that so easily? I'm pretty sure I humiliated him a couple of times, giving him a reason not to talk to me ever again or even make a commentary like that. Pero di ko alam kung anong demonyong sumapi dito at ayun, nakikipag-ulayaw sakin!? He bounced back after one day!

Gagsti! Ang bobo naman nya kung hindi nya pa nakikita yung pattern – na sinasaktan ko sya!? Well, maybe...tama sya. He really lost his mind. But not because of me! Ano, hilo sya? Gawin pa akong suspek!?

Nang maalibadbaran ata sa pakikipag-usap ko sa sarili, sumilip si ate mula dun sa kainan. May hawak syang pitsel at mga baso kaya tansya kong naghahanda na sya ng makakain.

"Sabi ko na nga ba andito ka na e." Aniya habang dahan-dahang nilalapag ang mga hawak sa lamesa

"Pano mo naman nasabi?" ani ko, papunta na sa lugar nya.

"Bigla kasi akong nakaamoy ng patay na daga. Paa mo lang pala! Haha!"

"Haha. Nakakataw—" Nahinto ako sa pagsasalita nang maintriga ako sa amoy ng ngayong dala ni ate.

"A-ano yan?" tanong ko nang nakaturo sa mangkok na dala nya; nung nailapag nya na'y pinagmasdan ko nang maigi.

"Uhm, sa palagay ko, isa tong ulam." ang sarcastic na sagot ni ate. Di ko ma-explain kung bakit ang pagtitig sa ulam na to'y nagpakabog sa dibdib ko.

"Sino nagluto nyan?" ang tanong ko. "Please don't say si Alexander!?" Ani ko pa.

Napakurap si ate and smiled mysteriously.

"Ako nagluto nito, Nat." Sagot nya, making me feel relief na may halong panghihinayang na may kasama ring pagdududa. Funny kasi kanina lang sa school, pinaghugutan ni Dimples ang ulam nyang chicken pastel. And shamelessly ibinida ko pa sa kanila yung luto ng tukmol. Alam mo yung feeling na I'm proud of him yet I don't want him to know that I am?

"O, bat ka natahimik? Anong meron sa chicken pastel? May naalala ka ba?" tanong ni ate. I don't know kung sarcastic pa ba or what?

"Wala. Allergic lang ako sa chicken pastel." Dahilan ko.

"Sampalin kita ng sandok dyan e!?" pananakot ni ate, pinang-aamba na yung sandok. "Magbukas ka ng delata kung ayaw mo! Pabebe ka rin e!"atumal nya na may kasamang hawi sa bangs.

Inayos nya ang upuan in a way na halos magkadikit kami. And she purposely do that kasi ito sya – sine-set-up ang laptop.

"Okay, anong kababalaghan to?" ang nawindang kong tanong. Actually kanina pa ako nakakakutob ng kaweirduhan nung makita ko pa lang syang may hawak na pitsel.

"Gusto kasi ni mama makita ka, makita tayong magkasama!?" That's what I needed to know to keep me calm that this has nothing to do with Alexander. Pero pagkasabi nyang 'mama' napalunok ako ng laway. It's like something in me has been tugged.

"Mabuti pinayagan sya." Ang sabi ko,hawak na ang mga kubyertos.

"Nasa lucid interval kasi sya kaya sulitin natin."

So basically yung rason kung bakit nagpsychology si ate is because of my mom. Normal pa ang mama ko nung mga ten years old ako. And since 10 years old, malikot. Nahulog ako sa hagdan nun nang wala man lang galos sa katawan. All because nagawa akong protektahan ni mama. Pero sya di nya naprotektahan sarili nya- particularly yung ulo nya kaya tumama yun sa pader.

GAGSTI! - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon