Chapter 17 na Gagsti!

27.8K 1K 33
                                    

Nataniel's pic and one of my fav. song (from a band) rock on!! >>

“Girls anyare!? Hindi pa tayo a!?” ang bigla kong tanong nang makarating sa backstage. Nakabilog sila’t tila may iniisip at nang marinig nila boses ko, hinila nila ako agad-agad.

“Next na tayong magpe-perform!” ang parang natatarantang sambit ni Dimples.Aba’y that’s fvcked up!? Malinaw na malinaw na kami ang pang last, tas eto!?

“P-pano nangyari yun? E ikaw ang bumunot sa atin diba!?”

“Yea. Di ko rin maintindihan. Pinatawag ako nung staff kasi may nagcla-claim daw na sila ang pang-last, hindi tayo.” Pagpapaliwanag nito.

“Tama na yan! La na tayong magagawa.” Ang sabi ni Emily. “Intindihin na lang natin kung anong ipe-perform natin.”

“Bakit?” tanong ko. At sinagot ako ng kanta nang nagpe-perform ngayon sa stage. Nanlaki mata ko.

“TABI din ang kanta nila?” tumango sila nang parang naghysterical ako sa lugar ko. Imposibleng coincident e. Somebody defies the inner bitch within me. Pero sino? Alexander? Hindi ko naman sinabi sa kanya ang piece namin para sa contest e. Si Martin Drew? Si Devon? Sa tingin mo gagawin yun samin ng mga lalaking yun? Don’t think so.

From the corner, nakita ko sina Criselle, nag-a-apiran, nagyayakapan, para ngang nagcecelebrate na ng pagkapanalo nila e. And then it hit me. Sinulat ko nga pala sa form ang (temporary) title ng kantang kakantahin namin (required kasi yun fill-up-an). Una akong lumabas ng OSA while Criselle’s still inside. Siguro nakita nya kung anong ipe-perform namin, nakipagkuntsaba dito sa performer sa stage na ka-course rin nya, and sabotaged the sequencing. Evil.

“Natalie kakantahin rin ba natin ang kinakanta nila?” ang tanong ni Alyanna.

“Hindi Alyanna.” Ani ko. “Plan B ang ipe-perform natin.”

“Plan B!?” ang parang nagulat na reaksyon ni Dimples. “We’re doing plan B?”

“Plan b rocks. Yun ang sabi ng mga kaibigan kong di matahimik.” Ani Loraine nagsisimula na namang saltikin. “Besides, hindi tayo uminom ng gawa mong salabat for nothing. At bias ako dito.”

“Well, plan B it is!” akap samin ni Emily. “Alyanna lead the prayer na.” Tumango si Alyanna. Kanya-kanya kaming sign of the cross.

“Hesus Panginoon ko, kahabagan nyo po sana ang aming gagawin sa entablado. Wag sana kaming magkalat bagkus ay tangkilikin ito ng mga manonood. Ang lahat ng ginagawa namin ay para sa iyong pagpapala. Except sa part ni Natalie sa pinakahuli. Wala naman po sigurong ibig sabihin yun. Amen.”

“Amen.” Sabay-sabay naming tugon. Kinontak siguro ni Dimples sina Devon habang nagc-CR ako and already tell them this sudden alteration. Tinulungan nila kaming i-set-up ang band sa may stage minutes after um-exit yung nang-agaw ng kanta namin. Nang tapos ng ma-set up; si Loraine andun na sa lugar nya holding the drum sticks; si Emily sa bass; sina Dimples at Alyanna sa magkabilaang sides behind a mic stand, tinignan ko sila and gave them nods of encouragement.

“Performing TABI (din?) from the College of Arts – Psychology give it up for…anong band name nila?” Oh God! Pati ba naman pag-i-introduce sa amin, sinabotahe? Clinear ko muna ang aking lalamunan tsaka ko inintroduce ang banda.

“Good evening!” ang bati ko sa audience through squinted eyes (nakakasilaw kasi yung lighting). “Meron po kasing tiny glitch na nangyari. Kami po ang The Butterpillar and we’ll be singing Order Taker by Parokya ni Edgar.”

Nung narinig nila kung anong kakantahin namin, they were like, Order Taker? Parokya ni Edgar? Owws!? Sa totoo lang ito naman talaga ang original na tutugtugin namin (ito rin yung pinarinig ko kina Emily nun sa kwarto). Nagdecline lang kami nun when at the studio pare-pareho kaming namalat nina Dimples at Alyanna. Let’s face it, nakakamalat naman talaga. Pero tulad nga ng sabi ni Loraine, hindi kami uminom ng salabat for nothing.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now