Chapter 39

19.2K 914 143
                                    


Monday.

Alam mo yung sa sobrang ganda ng panaginip mo e gusto mong mag-extend sa pagtulog? Kaso hindi pwede gawa ng may commitment ka na dapat mong well, i-commit!? Ganyan ang drama ko kanina. Ayoko talagang bumangon dahil gagsti, si Alexander ang nasa panaginip ko – nakahubad! Hello!?

Oo dre, nakahubad. Konting badtrip din  kasi pagdating dun sa lower part nya, parang blurry, pixelated. Ginugusot-gusot ko na mata ko nun pero blurred talaga. Tas mantakin mo dre, pati sa panaginip iniiwasan ako ni Alexander! Oo, yung sa tuwing kakausapin ko sya, bigla syang tumatalikod. Ang saklap. Pero mas masaklap naman kung nandun si Criselle diba? Buti na lang wala.

Ngayong araw na pala yung pagbebenta namin ng cupcakes! Well, cupcakes ang napili ng department, ewan ko lang sa iba. Kanina pa ako pinuputakte ng mga messages ng mga kaklase kong yun, nagtatanong kung asan na raw ako? Buhay pa ba ako!? At kung anu-ano pa. But one thing is for sure, inaapura na nila akong pumunta sa covered court. Dun kasi ang venue.

Isa lang ang tinext ko. Sabi ko ‘parating na ‘ko’. Kahit ang totoo, parating palang ako sa banyo! Nyahaha! Well ako pinili nila e, pagsisihan nila! Samantala, habang nagkukuskos-baluhos ako ng mga libag sa aking katawan, bigla kong napansin yung kryptonite shirt na sinampay ko sa maliit na bintana – the same spot kung san nawala ang aking Calvin klein (buti di nawala!). Nangilig na lang ako nang maisip kong isuot eto ngayon. Sigurado naman akong mapapansin to ni Alexander e, kasi, sya nagbigay nito e! At para makompleto araw ko, hindi na masamang hilingin na sana suot nya rin yung superman tee nya.

Paglabas ko ng banyo, diretso bihis na ako. Di na ako nagsuklay ni naglagay pa ng kung anong anik-anik dahil sabi ni Dimples, galit na si Maria Fe. Isi-singko raw ako. Ganunpaman, naglakad lang ako at my usual pace. Ba, proud ata ako sa OOTD ko. Krypto shirt + Camou short +Crocs = medyobadboy.

Tila na-culture shock sila pagdating ko sa covered court. Wait, or baka ako ang naculture shock? Ang o-oa naman kasi, kailangan talaga naka-kolorete’t high heels pa, magtitinda lang ng kung anu-ano?

“Ano Ms. Natalie ganyan ka lang?” ani Maria Fe nang nakapameywang. “Akala ko pa man din kaya ka natagalan e nag-aayos ka pa! Parang kalalabas mo lang sa banyo a!?” puna pa nya.

“Kalalabas ko nga lang po!” ang maligalig kong sagot. “Fresh na fresh! Tulad ng cupcakes na ititinda ko!” Nakonek ko pa diba? Haha! Akala ko talaga, parang tanga lang kami ditong magtitinda. Nag-imbita pala ang school ng mga estudyante sa labas. School to school visitation ata ang tawag dun.

Mahusay ang aming props committee dahil napaganda nila ang simpleng table para maging stall namin. Emboss na emboss ang Psychology symbol sa taas. Nakaka-proud. Everything has been set. Ang kulang na lang e kung magkano namin ibebenta at kung papano. By this time humihingi na sana ako ng tulong sa pinsan ni Alexander ng tamang marketing strategy. That is, kung hindi sumali ang B.A department. Pero equally busy rin sila sa siomai stand nila e.

“So ano Nat? Pano natin ima-market tong cupcakes natin?” tanong nung head ng food committee sakin.

“Akong bahala.” Hiningi ko yung info kung magkano yung mga expenses nila sa paggawa. Kwinenta ko kung magkano ang gusto naming tubuin at nung mag-agree sya, kinausap ko ang head ng props committee sabay may ipinagawa/ ipinakuha. Nung matapos, tinanong naman ako nila Dimples.

“Sigurado ka ba dito girl?”

“Oo naman!” angat ko pa sa manggas ng t-shirt ko sabay upo na parang mafia.

Ang bentahan namin, P120 isang dosena. Pero ang gusto namin, isang buyer – more than P120 ang magagastos. How? Magdagdag lang ng P20 para makalaban ako sa bunong braso. Pagnatalo nila ako, P100 na lang ang isang dosena at may libre pang halik. Pero pag ako nakatalo sa kanila (which I’m certain e mangyayari ), wala ka ng isang dosena, nagbayad ka pa ng P20, wala ka pang halik! Saklap diba? Pero challenging. Kung iniisip nilang madali akong matatalo sa bunong braso, ay, tsk,tsk, tsk, dyan sila nagkakamali. Tuseran forte ko to tol!

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now