Chapter 45.1

15.9K 1K 207
  • Dedicado a dedicated gagsti readers
                                    

Nataniel's POV

Ito ang pangalawang beses na naglakad ako nang parang wala sa sarili; naglakad ako kahit ang labo na ng mata ko gawa ng pagluha, naglakad kahit hindi alam kung san pupunta. At habang naglalakad, yun at yun din ang mga umookupa sa isip ko– na hindi ako tanggap ng mga nasa paligid ko, na wala akong kwenta, at na hindi ako kayang mahalin ng mahal ko.

Gusto ko na kahit sana sandali e di ko maisip yun. Pero the more I try, mas lalo ko lang naiisip. Para akong tinatatakan ng paulit-ulit sa noo. I badly want to numb myself from this pain. Actually kanina, muntik na akong ma-hit and run. Pero gagsting driver yan, napaka-weak. Prumeno pa. Di na lang ako tinuluyan.

Di na lang ako tinuluyan nang matapos na. I’m not any good anyway!? Pero si Alexander? He’s good. He’s a good guy. Ginago ko nga lang. And the more I think of it, I’m doing a great job sabotaging myself.

Hindi applicable sa sitwasyon ko yang phrase na ‘Look at the bright side’.  Gagsti dre, wala akong makitang bright side. All I can see is how bad I was to him, to my friends and to the rest. Wala ngang nagawa ang sorry ko kay Alexander e, sa iba pa kaya?

 “Ano ka ba? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!?” sita sakin nung isang ale, nabitawan ang paper bag nung magkabanggaan kami. May nakita kasi akong mall at balak kong dun muna tumambay. Imbes na sagutin ko ng, ‘Nakita mo naman pala, hindi ka pa umiwas?’ yumuko na lang ako’t nagbingi-bingian. Pero hindi kaya sumagi sa isip nya na sya ang bumangga sakin? Sila ang bumabangga sakin? Kung sa bagay, mas madali nga namang manisi kaysa umiwas.

Na-realize kong mataas pa rin ang ego ko kahit ganito ako ngayon. If not, babalik ako sa kwarto’t kukunin ang cellphone at pitaka. O di kaya manglilimos sa mga tao dito ng kahit pangkain lang. Hindi lang kasi ako emotionally drained. Physically pa. Pero either of the two, di ko ginawa. It’s not about ego as I corrected myself. It’s about shame. Hiyang bumalik ng kwarto’t makita nila Dimples, hiyang humingi sa di naman kakilala na kung sakali e kilala ako e pagdadamutan ako panigurado.

Wala na. I totally lost it. Para akong naglalaro ng maze na nakailang suot na kung saan-saan, di pa rin makawala. I felt trap. Gusto kong humingi ng saklolo but it’s like no one could hear me. Or they could…except that they pretend not to. Just like Alexander who just pretended earlier that he doesn’t know me. But he’s not probably pretending when he said hindi nya ako kayang mahalin.

Awang-awa ako sa sarili ko... in all honesty. There’s a point na sa sobrang pagod ko e naupo ako sandali sa stairs ng mall pero sinita ako ng gwardya’t pinaalis.

“Bawal umupo dyan!” duro nya sakin ng kanyang batuta .

“Kahit ho sandali lang?” apila ko.

Pero hindi ko talaga sya nakumbinsi. Hindi ko sya napapayag. Tulad ng hindi ko napapayag si Alexander na tanggapin ako bilang ako.

Wala akong nagawa.  Exhausted man, umakyat pa ako ng isang palapag, nagbabakasakaling may mapagpahingahan. Pagdating dun agad kong nakita ang World of Fun. Nung pumasok naman ako ay bigla kong naalala yung araw na nag-Star City kami ni Alexander. At napipikon ako. Pvtangina kasing mga mata to ayaw tumigil sa kakaiyak. Hindi na nakakatuwa.

“Hindi na ‘ko natutuwa.” Sambit ko habang papalapit sa isang di okyupadong race car. Walang naglalaro sa area na yun. Madilim pa. So inassume ko na safe ako dito. Na makakapagpahinga ako. And I did. Actually, kahit na sobrang ingay ng paligid, I could clearly hear myself sobbing.

Kinalaunan,may tumapik sakin.

 “Uhm, excuse me ho, malapit na kaming magsara.” Panggigising nung isang staff .

“S-sorry.” Hingi ko ng tawad sabay hakbang paalis sa pinag-idlipan ko. As I noticed, nagsasarado na ang mga katabing stall; kinakandaduhan na’t naglalagay na ng tabing. Huminto na rin sa pag-andar ang escalator kung saan ako bumababa.

GAGSTI! - (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora