Chapter 6 na gagsti!

32.3K 1K 68
                                    

*BehindThoseShadows also made a cover of Gagsti! it's on the right side. for making a highly conceptualized cover, I dedicate this chap to you. :) 

Bigo akong makita si Criselle sa araw na to. Subalit baka bukas, mangyari na ang pinakahihintay ko. Sa kamay ko’y narito ang papel na pinagpilitan kong tanggalin dun sa poste sa canteen. Isa itong welcome invitation ng Pacific Academy pep squad para sa mga new enrollees/ transferee na katulad ko. Magpapakitang gilas sila bukas sa gym at sigurado ako – makikita ko na si Criselle my loves.

Lakas kong makabuntong-hininga habang akap-akap ang papel na yun sa aking paghiga. Ako pa lang narito sa kwarto dahil nagso- SocSci pa sila. Kaklase ko sila sa Math 02 at NatSci 02 kanina. Yaman din lamang at wala pa sila, ipinagpatuloy ko ang paghahanap sa nawawala kong Calvin Klein.Patuloy pa rin kasi akong umaasa na ang brief ko’t ako’y muling magkakasama. And once we do, hindi ko na sya lalabhan pa. Hanggang sa mag-amoy buro kaming dalawa. Gross.

Donde’ esta Ck? Tanong ko sa sarili habang ang kamay ay nasa baba’t tinatapik ang paa sa saliw ng Pink Panther’s theme song sa aking cp. Naaliw ako sa katangahan ng bida sa palabas na yan. Maya-maya pa’y dumating na ang mga roommates kong babae. Ginagawa rin nila yung lakad ni Pink Panther na sa tingin ko’y nakakatawa lalo na dito kay Loraine na wala pa ring karea-reaksyon.

Ngayon ko pa lang naranasan magka-dorm at magka-roommates ng mga babae kaya hindi ako sure kung ganito ba ang normal na ginagawa – uupo kayong lima sa palibot ng folding table at magkwe-kwentuhan habang nagmemerienda.

“Okay, sino nagwagwapuhan kay Jay De Vera?” umpisa ni Dimples.

“Jay De Vera ng English 02?” tanong ni Emily. “Ito o si Loraine. Kita ko sya pasimple syang naglalaway e.” turo nya dito sabay halakhak.

“Hindi yan totoo.” Ang pagtatanggol ni Loraine sa kanyang sarili nang pagkahina-hinahon. “Tumulo ang laway ko dahil gusto nito. Hindi ko lang naisara ang bibig ko kaya nakita mo.” Ang cute ni Loraine magpalusot! Siya yung tipo ng tao na hindi mo kukunin sa mga lie detecting tests dahil hindi magiging accurate ang result; siya rin siguro yung taong nagkakagulo na ang lahat ngunit sya, payapang-payapa pa rin ang diwa.

“O sige, sayo na sya Loraine!” ani Dimples, halatang may crush din sa lalaki. “E ikaw Alyanna sino nakita mong hot sa klase?”

“Ha!? Anong hot ba ang tinutukoy mo? Kasi yung katabi ko sa kaliwa nun may lagnat, nagpumilit lang puma-”

“Yung another meaning ng hot Alyanna.” Sabi nya, di na nya pinagpaliwanag pa.

Mannerism ni Alyanna kapag ninenerbyos/ nahihiya, yuyuko, titingin sa gilid sabay hihigop ng inumin. “Yung nasa likuran ko. Siguro.” Nasa harapan ko yung tinutukoy ni Alyannang lalaki. Nakasalamin din ito tulad nya, mas maliit sa akin (purihin ang dyos for that!) at pahina limampu ang hati ng kanyang buhok na sa sobrang kinang pusta ko’y nahayok sa paggamit ng suave’.

“Parang di ko sya nakita. But whatever!” E pano nya makikita e sa mga gwapo lang naman sya nakatingin. “E ikaw Nat?”

“Ha? Anong ako?” bigla kong tanong.

“Is there someone from class that struck you the most?  Yun bang unang kita mo pa lang napapa, “Oh! Sh!t” ka kaagad.”

“Meron.”

“Kyaah! Kinikilig ako!” biglang palakpak ni Dimples.

“Ako din. Kinikilig.” Yan na yun. Ganyan kiligin si Loraine – naka-pokerface. Ang lalaking tinutukoy ko’y yung bakulaw na si Alexander P. Ver…? Nakalimutan ko ang apilido subalit kailangan bang tandaan? Tama. Napapa- “Oh! Sh!t!” nga ako kay Alexander dahil nakakabanas sya.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now