Chapter 27 na Gagsti!

23.4K 951 53
                                    

"Ayan! Okay na!" Tinakpan ko ang pentel kong hawak habang nakangiting pinagmamasdan ang karakas ni bulangog. Magigising sya sa bangungot ng mukha nya! ang dagdag ko pa sa aking utak. Wait!? Anong sinasabi mo dyan? Ako...masama!? Gumaganti lang ako. Kung tutuusin, kulang pa to sa pang-didiskaril ng pagtulog ko. Mantakin mo naman kasi dre, parang baby! Maya-maya na lang maalimpungatan tas kung anu-anong madradrama ang pinagsasabi. Nilubos-lubos talaga akong gawing nanny ng tukmol! Kaya heto, dalawang layer ng eyebags ang nasa ilalim ng mata ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Nilagyan ko ng tanday yung hita ng gunggong kasi hindi kaaya-aya sa paningin ang pagkabukaka nya especially na andito sya sa puder ng mga wonder pets. Masaya na sana si Dimples sa kagagahan nya dahil tinupad ko na yung gusto nyang mangyari - na magtabi kami sa pagtulog ng bakulaw. Though siguro disappointed din sya kasi walang nangyari sa amin. Like, gusto ko rin namang merong mangyari sa amin! Hello!? Ano ako, one night stand! 

Nang sa tingin ko'y di na sya magigising, tumalikodako't tuloy-tuloy na pumasok ng banyo, dala ang pang-jogging ko. Oo nagjo-jogging din naman ako pag napagtripan ko lang. Actually, this will be my first time jogging in along time. And the reason for doing so? Para kapag nagising ang ungta, wala syang Natalie na mapagbibintangan!

Humihilik pa rin naman si Dimples sa mga oras na to at yung iba sa mga wonder pets, tulog mantika pa. Perfect time talaga para magpaka-athlete's foot! Syempre, nagbibiro ako. Athlete lang di kasama yung foot. Mahamog pa sa field nung bumaba ako. Pero di naman yung o.a na katulad sa mga horror films. Hindi naman nakakatakot. Aside sa may mga ilaw na nakabukas sa bawat corners ng field ay may maintenance din na nagdidilig sa isang gilid. Para makasigurado akong tao,

"Kuya good morning po!" ang bati ko sa kanya. Tao nga sya kasi lumingon sya't nagrespond. Kaya lang ang respond, di ko gusto.

"Good morning din ma'am!" Ma'am!? Bertong Putik naman! Kahit sa madaling araw pagkamalan naman nila akong lalaki! Lamunin ko sya ng buhay e! I mean, duh! Naka-make up ba ako? Pikpik shorts? Lipstick? Di naman diba? I just smiled back and started jogging, forgetting the comment made.

Nakakadalawang ikot na ako sa field at dun ko lang din mismo narealize na may nakalimutan akong dalhin. Ngayong ako'y uhaw at pawisan. Yung tumbler at bimpo ko. Nakahanda na yun sa table e! Kainis! Kung pwede lang sanang may magdala nun sakin as in now na.

"Oy Natalie!"

"Huh?" Weird. Parang may narinig akong sumigaw ng Natalie.

"Natalie!" narinig ko uli. This time alam ko na kung san yung source of turbulence (maka-english lang e, no?) Madadaanan ko na yung lugar nya kaya consistent lang akong nagjo-jog. Pero nung sumigaw uli sya't tinawag ako sa ibang pangtawag, ay potah, tumakbo na ako para makita kung sino yung lapastangan sa likod ng hamog.

Si gagong Alexander.

"Pakiulit nga ng tinawag mo sakin!?" utos ko sa kanya. O tignan mo, tinanong ko nginisian lang ako. Badtrip! Pangisi-ngisi lang akala nya naman ikinatutuwa ko reaksyon nya!? Sandali... parang pamilyar sakin yung doraemong bimpong nakasabit sa balikat nya!? Atsaka yung tumbler na hawak nya! Anong ginagawa ng gamit ko sa halimaw sa harap ko!?

"PokNat!?" sinagot ako matter of factly. "Kanina pa kita tinatawag ng Natalie di ka lumilingon kaya PokNat na lang! O ta mo, andito ka na!"

"Oo andito na ako. Galit na galit. Anong trip mo!? Umagang-umaga dre! Kagatin kita e!" At tinawa-tawanan lang ako ng timang. Initially, hindi ko gusto yung nakikita syang tumatawa but then parang it suggests me na, siguro di pa nya nakikita mukha nya sa salamin! Kasi kung nakita nya na, magpupunta siguro sya dito sa field para i-justify kung ako nga ba ang gumawa nun sa mukha nya. But he didn't even bring that up so why should I? Hayaan ko na lang.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now