Chapter 20 na gagsti!

28.3K 1K 53
                                    

Unlike what Alexander reminded me, hindi ako nagpuntang library agad-agad pagkatapos ng last class. Sya ang may kailangan sakin so dapat matuto syang mag-antay. Hindi naman din ako mang-i-indian dahil sa takot na masingko. Pupunta lang ako ng kwarto nang mailagay ko na ibang gamit ko, grab a quick shower and merienda or two. All in all mga thirty minutes akong late sa usapan. Pero hayaan mo na, pairalin natin ang filipino time. Yan tayo e. So after nun, nagpaalam ako sa mga kaibigan ko, bitbit-bitbit ang laptop.

“San ka pupunta girl?” tanong ni Dimples mula sa pagkakahilata.

“Uhm, library. May tatapusin lang.”

“Aww! Masyado bang inconvenient dito sa loob ng kwarto kaya ka lalabas?” ang worried nya na tanong, napaupo sa kama. “Naku, sorry kung di ka makapag-concentrate!” 

“No, Dimples. Actually mas gusto ko ngang gawin to dito e!” sabi ko. “Nahiya lang ako sa partner ko, tatlong chapter natapos nya habang ako, well, meron naman kaso mali daw. Kailangan nya raw akong i-supervise.”

“Wow ang sweet naman! Sino ba kapartner mo?” eksena ni Emily. Since she found the thing ‘sweet’ e di mas lalo ko dapat itagong si Alexander yun. Mamaya pagsinabi ko baka iwan nila ang kwarto’t mang-isturbo sa library, wala pa akong matapos. Kaya I lied.

“Si Alexandra." sabi ko. "Sya yung leader samin. O sige, una na ko. Late na late na ako e.” Nakalabas na akong kwarto bago pa man sila makapag-ba-bye. Nang makababa ako ng dormitory, napansin kong marami rin pala ang nag-ni-night class. Pero kaiba sa ideya ko ng night class – vandalism, making out, loitering, prim and proper ang mga estudyante dito. Pero kapag may mga contests talaga na hine-held ng gabi, they will drop that attitude and start begging for their professor’s approval, which was cute.

Mas na-appreciate ko ang library in the night setting. Para talaga akong nasa Europe. But this time, kaunti na lang ang mga estudyante. Nagpapalamig lang naman kasi ang karamihan sa mga estudyante dito, yun lang talagang may mga purpose ang nagtatagal. Andun pa lang sa pintuan, kinawayan na ako ni Alexander, four tables mula sa unahan. Apparently, inoccupy ng apat na Pakistani (foreign students) ang favorite table nya. And I could clearly see na-upset sya dito. Or maybe, sa akin!?

“Halos isang oras kang late.” Ang bungad kagad sakin pagdating sa table, alternately looking at me and his watch.

“Eto na nga diba, dumating na!” apila ko naman while taking my seat opposite to him. Hindi ko kailangan tumabi sa kanya, especially now na parang sinisisi nya ako why we even have to be here.

“Since hindi ko kayang maghintay ng walang ginagawa, sinimulan ko na kanina ang paggawa ng chapter 3.” Ang sabi nya sabay balik sa pagtitig sa screen ng laptop, ine-encode ang mga data na parang robot.

“O ayun naman pala e. Di mo rin natiis! Gagawin at gagawin mo rin! So ano, una na ako!?” ani ko, aktong tatayo.

Tinigil nya ang pagty-type sabay ako"y tinignan. “Sa tingin mo ba makakakuha ka ng uno nang walang ginagawa?”

“E ano pang gagawin ko? Ginagawa mo na!” sabi ko naman.

“Bibigyan kita ng madaling task.” Ani nya sabay balik sa pagty-type.

“O ano naman yun?” bumalik ako sa pag-upo.

“Stay with me. Hanggang sa matapos ko to.” And after he said that, I was like, “ang easy nga!”

“O sige, magsta-stay lang pala e!” sabi ko, pangisi-ngisi pa habang binubuksan na ang laptop.

“Without doing anything but sit.”  pagkompleto nya sa kanyang kondisyon. Now I’ll take back my words.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now