Chapter 8 na Gagsti!

28.1K 1K 73
                                    

Nataniel aka Natalie Delim pic to the right >> 

“Bakit ba kasi kailangan akong  itali e?” reklamo ko habang nagpupumiglas sa kinauupuan ko, ang mga kamay nasa likuran nakagapos sa alapay ni Alyanna.

“Alam mo ang sagot sa tanong mo Nat!” ika ni Emily sa tapat ko, nakaupo, nagbabasa ng seventeen magazine.

“Oo nga alam ko. Pero really? Si Loraine?” nilingon ko ang ngayo’y nakatitig na si Loraine, tikom ang mga labi’t walang kaalam-alam ang sino mang tao sa iniisip nito.

“Wag mo akong minamaliit Natalie. Ilang beses ko na tong ginagawa – ang manggupit.”

“Well sa lahat ba ng nagupit mo, nabuhay naman ba sila pagkatapos?”

“Depende. Kung malikot ang gugupitan maaring madulas ang gunting ko sa tenga, sa leeg, kaya mas mabuti ng wag kang gumalaw.”

Deym! Ilang buwan ko rin tong pinahaba para maging katulad ng buhok ni Jay ng Kamikazee tas gugupitin lang nitong weirdong babae na ‘to? Di ganun men! And just about na magpapaalam ako, agad nya itong pinutol.

“Argg! Diba sabi mo magpaalam muna? Bakit mo naman kagad pinutol?” reklamo ko.

“Akala ko tapos na e.” sabi nya sabay bigay sa akin ng buhok kong nakatali pa ng sanriong pula.

“Ganitong gupit Loraine o!” tawag ni Emily sa kanya, pinakita sa amin ang klase ng gupit sa magazine. “Bagay to sa shape ng face nya.” Inimagine ko tuloy bigla ang hitsura ko sa gupit na nasa magazine. Hm. Pwede na.

“May nakita akong pangkulay!” sigaw ni Dimples na magpahanggang ngayo’y inuusisa pa rin ang laman ng bagahe. Lumapit si Alyanna at nakipag-usyuso. “Ano sa tingin mong bagay na highlight?” tanong nya rito.

“Ito.” Turo ng isa, di ko sigurado kung ano.

Umupo sina Dimples at Alyanna sa tabi ni Emily na may panibago na namang dala.

“Look, I don’t know why but can’t you see Nat? Mahal na mahal ka ng kapatid mo! Wish I have a sister para may sistah bonding kaming dalawa”

“Hay, kung alam mo lang sana iniisip ni ate.” Pabuntong hininga kong tugon.

“Manicure-pedicure!” sambulat nya. Tinanggal ni Alyanna ang pagkakabuhol ng alapay (na sa tingin ko, ninakaw nya kay Risa Hontiveros) at malaya ko ng naigagalaw ang mga kamay. Kinuha ni Dimples ang isa’t nanglimahid.

“Eww ka girl! Ang dirty ng nails mo!” Sinabi mo pa! Tinignan nya ang paa ko’t mas dumoble pa ang pagkasuklam nya.

“Yung totoo girl, ilang beses ka nag cu-cut ng nails?”

“Per month.” Sabi ko. “Pag sa kamay! Pag sa paa, once in a blue moon.” Dagdag ko pa nang patawa. Ginaya nya ang tawa ko’t tinarayan ako bandang huli.

“Hay! Naawa ako sa ate mo!” hinanakit nya. Napailing na lang ako kasi kung anumang sinabi ni ate sa mga ‘to, I’m sure it’s working. Pero alam nyo yung nakakatuwa, handa kang tulungan ng mga babaeng to na maging maayos. Bagay na hindi ko nakitaan sa mga lalaki kong tropa. At kung may isang bagay talaga silang gusto, hindi mo sila agad-agad mapipigilan. Concrete example? Ito! Itong paglalagay ni Dimples ng cutics sa kuko ko.

“Uy okay na sakin yung na-nailcutter-an na yung kuko ko. Wag na yan!” sabi ko, medyo overdramatic nga lang. Naiilang kasi ako. Baka isipin ng mga tao dito bakla ako.

Alam ba ng mga tao ditong lalaki ka? Tanong ng isa kong pagkatao.

Kahit na! Hindi ko nga alam kung bakit kailangan humantong pa sa ganito ang mga pangyayari. Ako na madrama. Pero seriously, di ko talaga makita ang sense ng mga nangyayari.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now