chapter 36.3 na Gagsti!

19.4K 918 93
                                    

Alexander’s POV

Madalas kong makitang naiinis o nagagalit sakin tong si Natalie. Pero this time, I know she meant it when she said,

“Nakaka-turn-off ka Alexander Verano.” Alam mo yung feeling na, you are sure as hell that you’re doing the right thing. Pero sa isang pagkakamali lang, mag-iiba na ang tingin sayo. Tss. Tao nga naman o.

“Wala kang karapatang magsalita nang ganyan sa mga katulad nya lalo na’t wala naman silang ginagawa sayong masama.” Nanatiling tikom ang bibig ko’t hinayaang masermonan. What’s the point? Tingin nyo mananalo ako e sya itong tama? Pero nung sinabi nyang, “Uuwi na ako.”, para akong batang pagkakaitan ng candy. Kaya kahit mukhang desperado, nagsumamo ako. Hindi nya pa kasi alam e.

“Natalie sorry na!” hawak ko sa pupulsohan nya. “Wag ka munang umuwi.”

“Alexander Verano…” kapag binubuo nya na ang pangalan ko, asahan mo ng magiging uneasy pakiramdam ko. “…wala ka saking kasalanan. Sa bata, meron. So, sa kanya ka magsorry. Magsorry ka sa kanya kung ayaw mo akong umuwi.” I know this mean harm on me, pero nangahas pa rin akong magtanong.

“Bakit sobra ka bang affected sa bata? What, do you have a special sibling in your family?”

“Fortunately, wala. Pero kung meron man at narinig ko yang stupid comment mo na hindi naman hinihingi, you’ll be unfortunate. I will make you one.” Napalunok akong laway. Nakakatakot talaga sya. May saglit na katahimikan hanggang sa umubo sya kunwari at naalala ko ang gusto nyang gawin ko. Tinignan ko muna si Aya. Nakatingin pa rin sya tv display, halatang caught up sa pinapanuod nya.

Nadistract din sya kalaunan nang palapit na ako.

Ang plano ko ay babatihin muna sya. But she makes it easier for the two of us dahil sinalubong nya ako ng yakap. I have been one of those moments wherein hindi mo alam kung anong gagawin mo, you’ll just let the others do it to you. Ganito yung nangyari sakin. Hinayaan ko syang yakapin ako at niyakap ko rin sya in return. Nang lumingon ako para tignan si Natalie, maski sya, nagtataka.

“Kuya gusto ko dun o!” kalabit nya sakin sabay turo dun sa tv. Jollitown. Mga bata nga naman gusto, doon. Hindi na sa Neverland. Maya-maya pa’y nasa harapan na namin si Natalie. Hinihimas nya ang buhok ng bata ng tulad sa mga puppies. Nang nakuha nya ang atensyon nito ay nagsalita.

“Hi baby girl! Kamusta! Ako nga pala si kuya, a este, ate Natalie! Bat ikaw lang dito mag-isa? May kasama ka ba?”

“Opo! Andun!” Turo nito sa Jollitown.

“Ah ganun ba? Sige, mamaya pasok tayo dyan! Pero may sasabihin muna sayo si kuya Alex!” aniya. “Kuya Alex, ano nga uling sasabihin mo kay…”

“Aya. Aya pangalan nya.” Ang sabi ko.Sinundan ko ito ng paghagod ko sa lalamunan nang maprepare ko na ang speech kuno. Pero iba sinabi ko.

“Uhm, Aya, si ate Natalie mo nga pala…girlfriend ko!” Bigla na lang tumulis ang nguso’t nagsalubong ang kilay ni Natalie. Haha! Sabi na, maiinis sya e.

“Uhm, kuya Alexander Verano tingin ko hindi yan yung gusto ni Aya marinig!?” Humiwalay si Aya sakin ng yakap at kinalabit si Nat.

“Bagay kayo ni kuya!”  ang sabi nya, sabay bungisngis pabalik sakin. Mahusay na bata, diba? Di ko tinuruan yan a!?

“O pano ba yan ate Natalie, tama ang bata.” Sulsol ko pa.

“Umayos ka nga! Tatamaan ka na sakin!” pagpipigil nya. I cleared my throat at umayos na nga.

“Ayun! Aya may nasabi kasi ako-”

“Uhm, ‘sinabi’ kuya Alex, hindi ‘nasabi’.” Agad nyang puna.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now