Chapter 46

20.3K 1K 268
                                    

Nataniel's POV

Para akong nag-retreat sa dalawang araw na pag-stay ko sa bahay nila Eiji. Hindi literal na retreat dahil hindi naman nila ako tinuruang takasan ang nangyari. Instead, tinulungan nila akong tanggapin na tapos na yon. Hindi ko na kontrol ang nakaraan at ang iisipin ng mga tao sa aking ginawa. Ang mahalaga ay yung ngayon kung saan pwede akong magsimula muli. Nasimulan ko na sa panlabas — pinagupitan ko na ang aking buhok kasama sina Buknoy at Mark at bumalik na rin ako sa pagsusuot ng panlalaki — kung saan ako komportable.    

Lunes na nung naisipan kong bumalik sa dorm. Kahit na sabihin na nating dalawang araw lang akong nahiwalay sa kanila e para bang sobrang tagal na rin. Hindi nga ako sigurado kung matutuwa sila sa pagbabalik ko e pero bahala na. Ang akin lang, aayusin ko na mga gamit ko para in case na paalisin ako, nakahanda na.

Nasa harap na ako ng room and I was wondering kung papasok na lang ba ako o kakatok muna. Kung sa bagay, nasanay na sila na diretso pasok na lang ako so para maiba, kumatok na muna ako. Siguro, magugulat sila dahil in two days natutunan ko na rin ang door etiquette! That is, kung may pakielam pa sila.

Pero tila ako ang na-surprise dahil si ate ang nagbukas ng pinto, ang mukha- di makapaniwala. Gusto ko syang yakapin nun kaso inintrohan ako ng,

" E kaya ka pala nabuking e! Nagpagupit ka ng hair!" batok nya saken.

"Aray ko naman!? Kahapon lang ako nagpagupit no!?" sagot ko habang patong ng kamay sa binatukan nyang bahagi. My friends were somehow puzzled. Maybe ini-expect nila na makikita nila akong iiyak, magsusumbong kay ate or something like that. I guess naiyak ko na lahat. Na-sumbong ko na lahat. "Kelan ka pa umuwi?" ang casual kong tanong sabay sara ng pinto gamit ng paa.

"Saturday ng gabi." Inform nya. "Hindi alam ng mga kaibigan mo kung san ka nagpunta that night. Wala ka rin sa room ni Alexander. I thought nag-check in kayong dalawa. But then again, I just remember, hindi nga pala kayo in good terms. So, san ka nga ba nagstay?"

Nakatingin ako sa kanya nang di makapaniwala.

"Seriously? Ate ang dumbass mo! Pano mo naisip na magkasama kami? We will never!?" inis ko lang. "Sa bahay ng isa kong kaibigan ako nag-stay!"

Ang awkward lang siguro ng pakiramdam ng mga kaibigan ko, witnessing us siblings talk like this and with such a sensitive topic. Actually gusto kong wag na yong i-brought up. Gusto ko kayang mag-move on!?

Ang dahilan kung kaya ako nagpunta dito ay para ligpitin na ang mga gamit ko pero napakurap  na lang ako ng mata nung napuna kong ligpit na pala ang mga ito. Isa na lang empty round-shaped bed ang mababakas mo sa higaan ko.

"Inimpake ko na mga gamit mo." ani ate nang na-sense nyang magtatanong ako tungkol dun. "Sa bahay ka na uuwi." Nagtinginan ang mga kaibigan ko at pagkaraa'y bahagyang nagtaas ng kamay si Dimples.

"Uhm, ate Nat? Okay lang samin kung dito pa rin si Nat-aniel magstay." Ika ni Dimples, nilapitan pa talaga si ate.

"Sorry Dimps. Pinagdorm ko sya dahil baka di nya maasikaso ang bahay. Ngayong nandito na ako pwede ng di na sya magdorm. Aside from that, ayokong mag-isa dun."

 Sinuggest ni Dimples na dito na lang din si ate magstay pero wala e. Once na nagdecide na si ate, di mo na sya maco-convince. Madaling ma-bored si ate kung kaya nagpaalam sya na maglilibot muna sa campus. Pumayag naman ako kahit na parang hindi yon magandang ideya. At napagtanto kong hindi nga pala talaga magandang ideya. Baka mamaya may mga estudyanteng lumapit sa kanya at kutyain syang 'bading' (sa pag-aakalang ako sya)ikapahamak ko pa kung mapatulan nya. Kaya naman sinubukan ko syang habulin ngunit huli na. Tinawagan ko ang phone nya ngunit mahahalata mong magkapatid nga talaga kami. Mahilig rin syang mag-iwan ng phone.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now