Chapter 23 na Gagsti!

26.4K 957 39
                                    


“Ugh! Nakakairita ang wetness!” hinaing ni Dimples sa kanyang kama, nagsusumakit ang tyan. Red day nya raw kasi since Wednesday, habang si Emily at Loraine naman katatapos lang ngayon. Matagal ko na tong gustong malaman e. Yaman din lamang at naandito na, napaupo ako mula sa pagkakadapa sa kama’t mapangahas na tinanong si Dimples.

“Kusa bang lumalabas yung stuff mo o para ba yang ihi na pwedeng pigilan?” with matching kurap-kurap pa ng mata ha, para magmukhang interested. Oh but I am interested! Kulang na nga lang maglabas ako ng ticker at i-take-down notes lahat ng sasabihin nya e! But it seemed to me, hindi nasiyahan si Dimples sa tanong ko. Not even the other girls.  Lahat kasi silang apat napatingin sa akin or at least, nahinto sa kani-kanilang gawain.

“Girl ano bang klaseng tanong yan!?” tanong nya in the tone of ‘what-dafaq!?’ “Ano ako…blood bender!? Bakit ikaw napipigilan mo? Walang babaeng masaya na meron sya!” sabi ni Dimples na parang mas dumoble lang ang pagkairita.

“Pwera na lang kung may appointment ka at ayaw mong pumunta, then it’s masaya!” dagdag naman ni Emily. “E teka, kayong dalawa kailan kayo huling dinatnan?” tanong nya samin ni Alyanna.

“Ako bago yung Talentadong Pacific.” Sagot ni Alyanna sabay balik sa pagsusuklay ng buhok. Then all eyes are on me, as if big deal sa kanila ang lalabas sa bibig ko. Pero dre, seryoso, ano ng isasagot ko?

“Uhm, ako? Uhm…” tumingin ako sa kisame baka sakaling andun ang kasagutan. “Hindi pa ako dinadatnan e. Baka na-delay. Ine-expect ko kasi dadatnan ako ngayon.” Para sakin, pulido naman ang pag-aadlib ko so siguro bebenta na yun.

At bumenta nga.

“Naku girl kailangan prepared ka.” tumayo si Emily, binuksan ang cabinet at tinoss ang dalawang pirasong napkin na animo’y naghagis lang ng kunai. Natamaan ako sa mukha samantalang pumasok naman sa ilalim ng kama yung isa. “You’ll never know baka sa isa sa mga klase mo datnan ka, kaw rin ang mapapahiya.”

“Thanks dito girl!” ani ko pa nang nakangiti, taas-taas ang napkin nyang ibinato. Then tumalikod ako sa kanila, binuksan sa lalagyan yung isa para mausisa. Ewan ko ha, pero naeexcite akong kilatisin ang anatomy ng napkin na to! Bat di ko to naisip noon?

Maingat kong nilatag ang kabubuklat na napkin sa kama. Hindi ko maiwasang mangiti habang hinahagod-hagod ko yung gitna. Ang galing kasi, may design, tas may excess pa na part sa magkabilaan which I assume ay yung tinatawag ng mga girls na ‘with wings’. Di naman hugis pakpak ang nakikita ko.

“Huy Natalie! Bat nanahimik ka dyan!? Dinadasalan mo ba yang napkin na yan?” pang-aasar ni Emily, binato ako nung stuff toy ni Dimples (na mas kinadagdag lang ng pagkairita ng isa kung kaya madali nyang binalik ang laruan).

Humarap ako sa kanila, taas-taas ang kabuuang napkin. “Natutuwa lang kasi ako dito! So smooooth!” At halos bumungisngis silang apat sa prolonged na bigkas ko ng ‘smooth’! At least, nabawasan kahit papano pagkaimbyerna ni Dimples. Hindi bagay sa kanya ang magkaron.

“Nat ang adik mo! Parang ngayon ka lang nakahawak ng napkin!” ang pigil sa tawang sambit ni Loraine. Wait, masyado ko na bang pinahalata ang pagkaignorante ko sa bagay na hawak ko? Baka magduda na sila.

“Uhm, hindi ah!? Of course, matagal na akong nakahawak nito.” Palusot ko. “Part na ng pagkababae natin to, right? It’s just, ngayon ko lang talaga nabigyan ng importansya ang napkins.” Umalis ako sa aking kama’t humarap sa kanilang apat na animo’y nagta-talk tungkol sa hawak ko.

“Just imagine guys, I mean, girls kung papano nagde-deal ang mga lola natin kapag sila’y dinadatnan!?” Nagtaas ng kamay si Alyanna it’s as if para kaming nasa classroom at ako ang professor.

GAGSTI! - (Completed)Where stories live. Discover now