Chapter 43 na Gagsti!

21.2K 1K 367
                                    

Natalie’s POV

Gagsti dre, parang kinuha na ng mga aliens ang lahat ng prof sa paaralang to. Halos wala ka na ring makikitang estudyanteng nag-aaral o tumatambay sa mga classrooms ngayong araw na to. Well, liban na lang siguro sa mga nagdudumadalubhasang mga mag-aaral sa library na hindi na-aapreciate ang Foundation Day! Oo dre, foundation day ang tawag pero isang linggo ice-celebrate. Mga simpleng katimangan bang ganyan! At kanina ko lang din naalala… sa sobrang ganda ng aking panaginip. Di ko na lang isisiwalat baka mausog pa e.

 Basta, maganda sya. Maganda tulad ng nakikita ko mula sa bintana ng studio - yung makalaglag pangang stunts ng cheering squad, yung synchronize prod num ng mga selected students, yung pagkakalat ng mga nahilang professors at marami pang iba. Ang understatement for the day ay ‘masaya’. Tipong umaayon lahat sa panahon. Good vibes ba dre.

 Usually may kani-kanila ng booth na naka-set-up ang bawat recognized org sa school. Pero unlike before na paunahan ng pwesto, ngayon medyo organized na. Organized in the sense na mga classrooms sa isang buiding  ang ginamit nila.

Mula dun sa dulong kaliwang classroom naroon ang mini museum na pinaghirapan “daw” ng mga Archi at History club. Ang gimmick nila may dalawang mummy na magwewelcome sa inyo duon sa may pintuan. Katabi naman nito ang exhibit na pinagtulungan ng Engineering at Science club; life-sized Phineas and Ferb naman ang bubungad sa may pintuan bilang tanda na kung may science, may Technology. Mga la divas naman kuno ang gimmick ng Karaoke hub ng Glee Club. Sa ‘Sine Nyo To’ naman ng I.T at Comp. Studies naglagay lang sila ng ‘Now Showing’.  Lahat naman ng klaseng pagkaing buko ang booth ng JPIA (Accountancy) at JMANA (Bus. Ad.). I Do booth  sa Psych Society, Parlor Galore and Accessories sa HTM at Cosplay naman sa Anime/Photography club.  At lahat ng yon ay nangyayari nang sabay-sabay.

Ang kagandahan dyan e di lang mga estudyante ang nag-eenjoy dahil pati outsiders welcome rin sa loob. Ang di lang maganda e yung sila, nag-eenjoy, ako hanggang tingin lang. Sobrang istrikto kasi tong organizer ng contest na sinalihan ko; para kasi sa kanila ito ang main event.

Pag nagawi naman kayo dito sa studio theatre, para ka na ring nagpuntang Divisoria/ ospital. Divisoria in the sense na umaalingawngaw ang kaingayan. Ospital in the sense na bawat contestant say may kanya-kanyang pwesto na kurtina lang ang divideri. Dito kami magbibihis, magma-make-up, magcha-change attire. Ang binakante lang ay yung unahan para sa ‘last-na-talaga’to’ng rehearsal.

Since strikto nga dito,di ka nila papapasukin sa loob kung hindi ka naman participants o taga-ayos. Hindi ko na kinuha si Dimples na taga=ayos kasi sya ang organizer nung I Do booth na kasalukuyan ding nangyayari malapit dun sa rebulto ng school president.  Knowing me, alam kong di ako makakatagal na makulong dito sa studio. Kaya naman…

“Uhm, ma’am excuse me po!?” Tawag ko sa atenson ng nagbabantay. “Pwede po bang lumabas?”

“At bakit?” pagtataray nya.

“Lalabas na po e!?” sabi ko sabay arte na parang naje-jebs. Haha! And just like that, pinagtabuyan nya ako palabas na takip-takip ang ilong (feeling nya ata tinotoo ko).

Bale ganun lang makamit ang kalayaan.

Syempre nung nakalaya na,  di na ko nagpatumpi-tumpik, dumiretso kagad ako sa I Do booth ng org ko; pagdating ko dun e may kasalukuyang kinakasal – dalawang babae. Oo dre, dalawang babae. Di ako makapaniwala. Lalo na nung makita kong yung kaklase kong kahawig ni Palito ang magkakasal. I’m like, ‘Yung totoo?’

Sumingit ako dun sa gilid, sa tabi ni Alyanna. Hindi ko mapigilang mangiti sa dalawang kinakasal kasi kahit na kungwarian lang to sa mata nila, totoo to.  Sabi ko nga somehow na-surprised ako kasi tolerated ang ganito at meron talagang ‘you may kiss the bride’ moment.  Sumabay ako ng palakpak  nung matapos ang kiss; take note sa labi. Habang nagpi-picture-taking na sila sa isang gilid matapos ang exchange of vows, nilapitan ko ang wedding organizer.

GAGSTI! - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon