[8] His Name

723 26 0
                                    

                                                 🌟Chapter [8] His Name🌟

Naka upo ako sa armchair ko habang tinitingnan ko ang likod ng buhok ni Micah, Hindi ko alam sa sarili ko pero bakit nararamdaman ko ang pagka ilang ko sa kanya ngayon.

Dahil ba sa hinatid ako ni Morgan papauwi sa bahay namin? Pero bakit naman? Wala naman akong ginawang masama diba.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lamang ako sa bintana na nasa tabi ko lang.

Bakit kasi ang tagal pang pumasok ni Nicole? At napa aga talaga ang pasok ko. Kami lang dalawa ni Micah dito sa classroom. Yung mga iba ko pa naman na classmates hindi pa pumapasok.

Narinig ko ang pag usog nitong upuan na nasa tabi ko. Sa wakas nandito narin ang kaibigan kong matagal ko ng hinihintay. Kaagad ko siyang nilingon pero napa kurap ako ng iba ang makita ko.

"Hi." Bati niya. Ngumiti naman kaagad ako sa kanya. "H-hello." Bati ko rin sa kanya.

Ngumiti na lamang ito sa akin at iniwas na ang tingin sa akin. Napansin ko naman ang pagiging tahimik nito.

"Kamusta nga pala yung paghatid niya sa'yo? I called him last night. Safe naman ang pagkakauwi niyo diba?" Naka ngiti niyang tanong.

Saglit akong natahimik.. ang akala ko kasi ay hindi niya na uungkatin pa ang bagay na nangyaring iyon kagabi. Ano isasagot ko sa kanya? Bakit pakiramdam ko parang may nagawa ako sa kanyang kasalanan. Ugh. Jessica!

"Ah, I-iyon ba.." Nag iisip pa ako kung ano ang pwedi kong isagot. "Yes." Kaagad naman niyang sagot.

"O-oo, Pero umuwi rin naman kaagad siya ng maihatid niya na ako eh. Uhm.. Bakit mo nga pala natanong?" Tanong ko sa kanya.

Umiling iling lang naman kaagad siya sa akin. Napa ngiti na lamang ako ng pilit at tumangp tango na lamang.

"Kasama niyo rin ba si Kris kagabi?" Tanong niya. Tumingin naman kaagad ako sa mga mata niya. Sino ba ang tinutukoy niyang Kris? Kris Aquino? Lol.

"Siya yung kasama mo kagabi diba? Yung Blonde ang buhok niya." Pag uulit pa nito.

Tumango naman kaagad ako ng mag sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya. So it means His Name is Kris.

Pano niya nga pala nakilala si Kris? Haays. Hindi ko nalang itatanong baka kasi sabihin naman napaka feeling close ko pa kapag itinanong ko pa iyon sa kanya.

Tumango tango na lamang ako sa kanya bilang pag sagot sa tanong niya. Mas pinili ko na lamang na tumingin na lamang sa bintana.

"Do you like him?" Napa lingon kaagad ako sa kanya ng tanungin niya iyon sa akin.

Tahimik at seryoso lamang siyang naka tingin sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Pero sino ba ang tinutukoy niya? Si Kris o Si Morgan?

"W-what?" Tanong ko. Ngumiti na lamang ito sa akin. "Do you have feelings for Morgan?" Tanong niya muli.

Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko ng tanungin niya iyon sa akin. Teka, Anong isasagot ko sa kanya? Oo o Hindi? Hindi. Ugh! Oo. Argh. Hindi ko alam. Hindi ko alam.

Bakit ba ganito si Micah ngayon? Sa pagkakakilala ko sa kanya ay mahinhin ito at hindi ganitong mag tanong. Eh anong nangyayari ngayon? Ano ba talaga ang ugali niya?

"S-si Morgan? P-pero bakit naman? B-boyfriend mo siya diba?" Pag-iiba ko ng usapan. Tumango naman kaagad siya. Ngumiti na lamang ako dahil hindi na siya nag tanong muli.

"Because I see in your eyes. You like him.. I mean You Love Him." Sagot niya.

Parang sinasaksak ng patalim itong katawan ko. Micah why are you torturing me? Ugh. Lihim na lamang akong napa lunok matapos niyang sabihin iyon.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now